38

129 9 5
                                    

Page 38

Kali (POV)

"Oh my God! Gra-graduate na tayo!" sigaw ni Emem at Faye bago ako yakapin.


Napakagat labi ako dahil sa excitement. Ilang araw na lang at gra-graduate na kami. At....magiging legal na rin kami ni Nonie.

Aaminin ko na lahat kay Papa....lahat lahat..

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ng biglang nagvibrate ang phone ko. Wala ng regular class kaya't nasa classroom lang kami ngayon.

Bumungad sa akin ang pangalan ni Nonie.

Nonie:

Where are you? Kumain ka na?

Napakagat labi ako sa message nito. Agad naman akong nagtipa ng sagot.

Ako:

Nasa room 214 kami. Nope! Maya-maya. Ikaw?

Mabilis naman itong nagreply.

Nonie:

Alright. Hindi ako makakasabay, baby. Busy kami dito sa faculty.

Nalungkot man ay inintindi ko na lamang ito. Sabagay, malapit na ang completion day kaya't busy ang lahat, lalo na ang mga guro.


Ako:

I understand. Kumain ka after that. I love you.


Napakagat labi ako sa sinabi.

Nonie:

Mas mahal kita, Kali.


"Huy! Kanina pa kami dada ng dada dito! Di ka pala nakikinig?!" maingay na sigaw ni Emem na tinawanan lang ni Faye.

"I'm sorry.." ngumiti ako sa mga ito bago ilagay sa bulsa ang phone ko na sinundan din nila ng tingin.


"Kaya naman pala eh." makahulugang sabi ng dalawa bago tumawa kaya't matawa na rin ako.


Palabas na kami ng room para kumain sa cafeteria ng mamataan ko si Nonie kasama ang ibang guro...at si Tani.

Bahagyang sumikip ang dibdib ko ng hindi ako napansin ni Nonie habang nakikipag-usap ito ng seryoso sa ibang guro.

Iniwas ko na lang ang tingin bago nagdiretso sa paglalakad habang nakikinig sa maingay na pag-uusap ni Faye at Emem.

Nakangiti ako ngunit hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kakaiba...napahawak ako sa tiyan ko.


----------------------x
Please follow me on wattpad! @Nicolemacamwatty. Feedbacks!

-Madam

STOLE (Nonie Velasquez) #CSAward2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon