28

236 19 3
                                    

Page 28:

Kali (POV)

Linggo ngayon at gustong-gusto ko nang lumabas! Pero gaya ng sinabi ko hindi kami pinapayagang umalis ni Papa sa tuwing weekends.

Nakahiga lang ako sa kama ng mag-ring ang phone ko.

Pagkakita palang sa caller ay agad ko ng naramdaman ang kalabog ng dibdib ko.

"H-hello," bungad sa kabilang linya.

"N-nonie.." bigkas ko sa pangalan niya bago napakagat labi.

Narinig ko pa ang pagtikhim nito bago magsalita.

"Did you ate dinner already?" masuyong tanong nito.

Agad kong kinuha ang isang unan bago isara sa mukha habang nakatapat pa rin ang phone sa tenga.

"Hmm.." sagot ko bago tumango-tango na pang nakikita niya ako.

Nauna na akong kumain kanina dahil ayokong makasabay sila....lalo na si papa.

Iniiwasan ko lang dahil alam ko na sa oras na maka-usap ko siya ay sasabog ako sa galit.

Hindi lang dahil sa nangyari kay mama kundi pati na rin kay Nonie.

Naalala ko pa nung araw na namatay si mama.

Pagkalipas ng dalawang araw ay nalamayan na rin si mama. Tinulungan ako nila aleng Kora na siyang kapit-bahay namin ni Mama.

Nasa harap ako ng kabaong habang nakatingin sa bangkay ni mama ng dumating si papa kasama si Tita Des at nila Kuya.

Kilala ko na sila dahil nakakasama ko sila dati sa tuwing ipapasyal ako ni papa. Gaya ng sinabi ko ay matagal na akong gustong kunin ni papa ngunit ako lang ang may ayaw, dahil ayokong iwan si mama.

"P-papa..si mama...wala na si mama.." humihikbing ani ko habang nakatingin sa seryosong si papa.

Inaasahan kong aaluin ako nito at pagagaanin ang loob ko o kaya'y tignan man lang si mama. Ngunit agad akong natulala ng sabihin nitong.

"Tara na, Kali. Uuwi kana sa bahay ko." kalmadong ani nito na naging dahilan para mag-anyong kamao ang kamay ko.

"A-ayoko..." hinigpitan ko ang pagkapit sa kabaong ni mama.

"Ayoko..." ulit ko pa.

Nakita ko kong paano magtagis ang bagang ni papa at ang paghaplos ni tita Des sa braso nito.

"Papa, hayaan na muna natin si Kali.." singit ni kuya Sam.

Nakita ko rin ang pag-irap sa akin ni Ate Aliyah.

"Tara na!" biglang sigaw ni papa bago walang pasabing binuhat ako kaya napabitaw ako sa kabaong ni mama.

Nang buhat na ako ni papa at nakaangat na sa ere ay agad kong isinipa ang paa. Naalis pa pati ang tsinyelas na suot ko.

"Mama! Papa ibaba niyo ko! Ayokong sumama! Mama! Mama!" sigaw ko habang pilit na kumakawala kay papa.

Halos hindi na ako makahinga habang naliligo sa sariling luha.

Nakita ko rin si Aleng Kora na umiiyak habang nakatingin sa akin.

"Aleng Kora! Tulong! Si mama! Ayokong iwan si mama!" patuloy na sigaw ko habang nagmamakaawa kay Aleng Kora na sinubukang hawakan ang kamay ko ngunit tuluyan ako akong nailayo ni papa.

"Kayo na ang bahala kay Ester, Aleng Kora.." sambit ni papa bago ako ibaba sa back seat.

Pumasok na rin sina Kuya at Ate. Tinignan din ako ni Tita Des na parang naaawa sa akin habang nag-iiyak dito sa backseat.

"T-tita Des. Si mama.." pagmamakaawa ko ngunit tuluyan ng pinaharurot ni papa ang sasakyan.

Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha sa mga mata ko ng biglang magsalita si Nonie.

"H-hey..Why are you sniffing? Are you crying? Kali?" nag-aalalang sambit ni Nonie.

Bumuntong hininga muna ako bago pinahid ang luha, "Sorry...may naalala lang.." sambit ko.

Narinig ko sa kabilang linya ang pag buntong hininga nito.

"I'm sorry.." bulong nito na siyang nagpasikip ng dibdib ko.

Wala kang kasalanan, Nonie...

"Miss na kita..." sambit ko upang maibsan ang lungkot nito.

Narinig ko ang mahina nitong pagmura, "Fvck, Kali. I wanna see you right now....pumunta ka sa veranda mo please..." sabi nito na siyang nagpaawang sa bibig ko.

"W-what?" paniniguro ko.

"Pumunta kang veranda. I'm here outside. I wanna see your face..." ulit nito kaya agad akong napatayo sa pagkakahiga at naglakad patungong veranda suot ang pantulog habang nakatutok pa rin ang phone sa tenga.

"There...you look so beautiful..." sabi nito bago ko ilibot ang paningin kaya kitang-kita ko siya ngayon habang naka-upo sa hood ng kotse niya habang sumisipsip ng chuckie...

"N-nonie! Bakit anjan ka!" pagalit kong sabi. Ang dilim doon at baka malamok!

"Kanina pa ako dito. Dito na nga ako nagdinner eh..see this?" sabi nito bago ko makita ang pagwagayway nito sa plastic ng sandwich at chuckie!

"God, Nonie..." napakagat ako sa labi at hindi ko alam kong pagagalitan siya o kikiligin ako sa ginawa niya!

"Gaya ng sinabi ko dati, gusto ko lang masiguro kaligtasan mo. Get inside, malamig na tsaka malamok. Aalis na qko maya-maya kapag patay na ang ilaw mo at nakatulog kana. Sleep tight my Kali. I love you.."

---------------x
Nakakamiss kasweetan ni Nonie eh! Hahahaha. Feedbacks!

-Madam

STOLE (Nonie Velasquez) #CSAward2017Where stories live. Discover now