24

202 17 1
                                    

  Page 24:

Kali (POV)

"Sino yun?!" mabigat ang paghingang ani nito na nagpaawang sa bibig ko.

Wag mong sabihing-----fuck?

Agad kong ipinilig ang ulo sa naisip. 'Imposible'.

"Walang kang pakialam," seryosong sagot ko bago siya talikuran.

Nakita ko ang pag-awang ng bibig nito na naging dahilan para makaalis ako.

Mabigat ang paghingang naglakad ng mabilis papunta sa first subject ko.

Nadatnan ko pa si Emem na agad na umirap ng mamataan ako.

Hindi ko na lang ito pinansin at magdiretso na sa assigned chair ko.

Panay lang ang discuss ni Sir pero ni isa sa sinabi niya wala akong naintindihan.

Masyadong okupado ang isip ko para iproseso pa lahat ng sinabi niya.

Nakaramdam ako ng hilo kaya't nag excuse muna ako kay Sir para mag-cr.

Naglalakad lang ako ng cr ng makita ko sila Kim. Nasa kabilang building sila at may mga kasamang lalake. Since hindi nila ako napansin ay nagtuloy-tuloy na lamang ako sa paglalakad.

Pagdating sa cr ay umihi muna ako bago ayusin ang mahabang blode kung buhok.

Pinahid ko rin muna ng palad ko ang mukha ko bago napapikit at isandal ang palad sa may sink.

Agad kong naramdaman ang pag-iinit ng mata ng maisip ang mga nangyari noon.

Basang-basa sa ulan, kahit gabi na nasa school parin at umaasang makikita siya. Umuwing inuubo at umaasang may madadatnan----fuck.

"Argh!" nag-taas baba ang dibdib dahil sa mabilis na paghinga.

Pinunasan ko muna ang isang butil na luha sa kaliwang pisngi bago lumabas ng cr.

Malapit na ako sa classroom ng may mamataan ako.

Kita sa kinatatayuan ko kung paano niya ako titigan. Inirapan ko na lamang ito.

Nang malapit na sa kanya ay hinarang ako nito.

"K-kali.." sambit nito bago hawakan ang kamay ko.

"Excuse me, Sir." kalmadong sambit ko bago tanggalin ang kamay nito.

Nakita ko ang gumuhit na lungkot sa mga mata nito. Tss.

Bakit naman?

Akmang maglalakad na ulit ako ng hawakan nito ang palapulsuhan ko bago guyudin at dalhin sa likod ng building isandal sa napapagitnaang lumang gusali!

Shit! Agad akong kinabahan ng mamataang medyo madilim dito at hindi na dadaanan ng mga tao.

"S-sir----"

"Fvck. Don't call me with that way, Kali..." parang nahihirapang sambit nito bago itukod ang mga kamay sa pagitan ng ulo ko.

"Kailangan ko nang umalis.." umiwas ako sa mata nito dahil ramdam na ramdam ko ang kalabog ng dibdib ko

"K-kali..." bulong nito bago dahan-dahang inilapat ang noo sa pader katabi ng ulo ko.

Halos malagutan ako ng hininga habang naririnig ang mabigat na paghinga nito na parang pagod na pagod at nahihirapan. Kinagat ko ng mariin ang labi at halos malasahan ko na ang dugo dahil sa diin habang naamoy ang umaalingasaw na pabango nito.

"I'm sorry..." hinang-hinang sambit nito bago ko marinig ang pagpiyok ng boses niya kasabay nun ay ang paglandas ng mainit na luha sa pisngi ko.

Wag lang bumigay, Kali..maawa ka sa sarili mo..

---------------------------x  

STOLE (Nonie Velasquez) #CSAward2017Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu