34

176 11 2
                                    

 Page 34

Kali (POV)



Inalalayan ako ni Nonie pababa para pumunta sa talon. Nang makababa ako agad nitong hinawakan ang baywang ko.

Naramdaman ko agad ang lamig ng tubig ng nakababa kami. Hanggang baywang ko lamang ito ngunit kung maglakad pa kami doon banda ay baka hanggang kili-kili ko na.

"Ang lamig!" sambit ni Nonie bago yumakap sa likuran ko.

Napangiti ako bago siya sabuyan ng tibig.

Ilang beses na kaming pabalik-balik. Aakyat para kumain, iinom, kukunin ang camera at bababa ulit para magtimpasaw.

Maya-maya lang ay ini-upo ako ni Nonie sa isang malaking bato.

"Stay here. Kunin ko lang yun," tukoy niya sa DSLR niyang nakapatong sa isang bato.

Nang nakuha na nito ay agad niya iyong itinutok sa akin.

"Smile, baby!" sigaw nito mula sa kinaroroonan niya.

Bahagya naman akong ngumiti tsaka niya kinclick ng ilang beses ang camera.

Kumuha rin ito ng pictures naming dalawa pati na ang mga nagtataasang puno at ang falls mismo.

Ilang saglit lang ang kinuha ko rin ang iPhone ko na katabi lang ng camera niya. Hinawakan nito ang baywang ko habang inilalagay ko ang password sa phone ko.

Narinig ko ang pagngisi nito ng mahuli ang passcode ko. Araw ng birthday naming dalawa. 0818.

Isinandal nito ang baba sa balikat ko bago halikan ang pisngi ko. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.

Iki-nonnect ko ito sa pocket wifi na dala niya at ipinindot ang messenger.

Bumungad sa akin ang maraming text na nagpatikhim kay Nonie.

"Who are they? Pinupormahan ka ba ng mga iyan?" tukoy nito sa mga hindi ko kilalang mga lalaki na nag message sa akin pati ang mga naging kaklase ko.

"Nakikita mo namang wala akong binubuksan." natatawang sabi ko.

Sinearch ko si Emem bago iset sa camera.

Itinutok ko ito sa akin at agad na sinend ng mapansin ang ayos ni Nonie! Nakatop less at nakahalik sa balikat ko!

"Oh my God!!" tarantang sambit ko at akmang idedelete na nang makitang delivered na ito!

Damn!

"Send it to me, Kali. I love that," nang-iinis na ani ni Nonie.

"Are you tired?" malambing na tanong ni Nonie ng tumigil ako sa paglalakad habang pinupunasan ang pawis.

Mag aalas singko na kaya't pauwi na kami. Pero gaya ng sinabi ko ay masyadong malayo ang kinaroroonan ng talon kung saan nakaparada ang kotse ni Nonie.

Mabuti na lang at medyo magaan na ang dala namin dahil kinain na namin ni Nonie ang mga nasa bag.

"Hmm.." sagot ko bago naupo sa isang bato.

Bahagya rin itong tumigil.

Lumuhod ito sa harapan ko bago hawakan ang hita ko.

"Want me to carry you, baby?" tanong ni Nonie bago iipit sa likod ng aking tainga ang mga takas na buhok.

"Wag na." agap ko dahil sa hiya.

Naalala ko tuloy noon kung paano niya ako buhatin nito.

Kung ikukumpara din noon ay masyado na akong mabigat ngayon. Medyo malaki ang katawan ni Nonie ngunit ayoko namang mapagod pa siya sa akin.

"Come on. Baka abutan tayo ng dilim.." masuyong aniya.

Wala na akong nagawa nang umupo ito patalikod sa akin.

"Hurry, Kali.." aniya kaya't sumakay na ako sa likuran nito. Bahagya nitong inayos ang posisyon namin bago maglakad.

Napa-nguso ako bago iyakap ang braso sa leeg nito at isandal ang sentido sa likod niya.

Wala talagang nag-iba. Kung gaano kabilis ang heart beat ko noong isinakay ako nito at ganito pa rin sa ngayon.

Napangiti ako. Kung noon ay mukha lang akong kapatid niyang nakapiggy back ride ay iba na ngayon.

Ipinikit ko ang mga mata..

"I love you, Nonie..." mahina kong bulong na siyang nagpatigil sa kanya ng ilang saglit.

Kung noon ay hindi ko masabi sa kanya ang mga katagang iyan ay iba na ngayon.

Pakiramdam ko ay malaya na ako.....malaya na kami.

"Mas mahal kita." bakas sa boses ni Nonie ang saya.

Ito ang gusto ko.....ang maging masaya siya.

Maya-maya lang ay nakarating na rin kami. Maingat ako ibinaba nito bago harapin at halikan ng mariin ang noo ko.

"I'm so happy..." hindi maipagkakailang aniya.

Niyakap ko ito ng mahigpit kasabay ng paghiling ng tahimik.

I surrender myself to him....sana....sana kami na talaga. Sana habang-buhay na maging kami. Sana ganito na lang kami lagi.

Sinuklian nito ang yakap ko. Sobrang higpit non na parang ayaw na niyang mawala ako....na parang ayaw niya akong pakawalan.

"Natatakot ako." pag-amin ko rin. Natatakot ako...natatakot na baka maulit ulit yung dati. Na baka paglayuin ulit kami ng mga tao na nakapaligid sa amin.....lalo na ng tadhana.

Naramdaman ko ang paghaplos nito sa buhok ko bago amuyin ang tuktok nito.

"Natatakot din ako. Natatakot ako sa kaisipang mawala ka ulit sa akin. Kaya kong tiisin lahat...wag lang ikaw..." huminga ito ng malalim, "I'll fight for us, my Kali...."

-------------------x  

STOLE (Nonie Velasquez) #CSAward2017Where stories live. Discover now