2

420 26 0
                                    

Page 2

Kali (POV)


"Hoy, Kali! Saan ka magre-recess?" tanong ng barkada kong si Emem na palabas na ngayon ng classroom.

Recess na eh. Magg-grade 7 palang kami. Bale dalawang buwan nalang graduation na.

"Dito nalang. Mahal sa canteen." sagot ko bago inilabas ang tinapay at baon kong tinimplang juice.

"Tse! Bili muna ako tapos dito ko na rin kainin!" aniya bago lumabas ng tuluyan.

Bwesit! Ayoko ngang lumabas baka magtagpo pa landas namin nung baliw na lalakeng tinawag na Nonie kahapon eh.

Sabihin ba namang ninakaw ko puso niya! Hunghang ba siya? Ano ako? Killer? At isa pa, ikukulong niya raw ako sa puso niya? tanga ba siya? Di ako kasya dun. Dugo din laman nun, isama mo pa ang blood vessel ni Ren Santiago don.

Dito nalang ako. Mabuti pa, baka seryosohin pa nun sinabi eh.

Akmang isusubo ko na yung tinapay ko nang may marinig akong pumasok ng room. Hindi ko nalang ito pinagtuonan ng pansin at agad na kinagatan ang tinapay ko ng sobrang laki na halos mabilaukan ako.

Naluluhang kinakagat ang tinapay dahil bumubungo sa lalamunan ko ng may tumapik sa balikat ko.

At halos maibuga ko lahat ng tinapay na kagat ko ng makita si Nonie na nakatingin lang saakin.

"B-bakit----" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng tumabi ito sa katabi kong upuan at walang pasintabing inakbayan ako.

Bahagya pa akong nagulat ng ilapit nito sakin ang mukha niya habang ako pilit paring kinakagat ang tinapay.

"Don't talk when your mouth is full, babe." anito na tuluyan ng nagpaluwa nung tinapay na kinakain ko na agad ko namang sinambot.

Imbes na mandiri ito ay halos manigas ako ng tumayo ito at itaas ang laylayan ng polo bago ipunas sa bibig kong maamos.

"You're so messy," anito bago iipit sa likod ng tenga ko yung kumawalang buhok papunta sa mata ko.

Bahagya rin itong tumayo at naglakad papunta sa teachers table at walang pag-aalinlangang kumuha ng tissue ng teacher ko! Ay, tanga. Buti nalang wala si Ma'am!

Paglapit nito ay agad niya kinuha yung tinapay na iniluwa ko bago tinapon sa basurahan.

"N-nonie," nagdadalawang isip na tawag ko sakanya. Bahagya pa nga itong napatitig sa akin. May mantsa na kasi yung polo niya dahil sa ginawa nito.

"Oh?" anito bago umupo ulit sa tabi ko at kunin ang tumbelr ko, binuksan niya ito bago iabot sakin.

"May mantsa na laylayan ng damit mo." nahihiyang sabi ko.

Agad niya naman itong tinignan.

"Don't mind that." casual niyang sabi bago ako akbayan at himasin sa likod.

"Kain ka ng kanin?" tanong nito habang nakatingin dun sa tinapay ko.

Sa totoo lang ay nahihiya ako. Hindi ko rin alam kong ku-kuya-hin ko ba siya. Nasa Grade 12 na kasi ito habang ako nas grade 6 palang. Atsaka, matagal ko na siyang kilala. Naging crush pa nga dati eh.

Nonie Velasquez is a "Campus Dancer". Kasama na siya sa isang Dance Troupe dito sa school namin nung grade 3 palang ako habang siya ay nasa grade 8 na nun.

Habang ako naman, nakatira lag sa isang iskwater area. Pinag-aaral lang ako ng Papa ko dito sa private school.

May ibang asawa si papa. Bale anak ako sa labas, ganun. Di raw kasi umabot ng ospital kaya sa gilid nalang ng kalsada.

"Kali----" agad na naputol ang pagtawag sa akin ni Emem na kadarating lang ng makita nito si Nonie na nakaakbay sa akin ngayon.

Ayan na..

"OMG! KOYA NONIE! AAAAACK! AHIHI. ENEBE," parang tangang reaksyon ni Emem na labis na umiidolo kay Nonie.

Pero imbes na pansinin nito si Emem ay agad n itong tumayo at sabihing, "I need to go, baby. I'll see you later." walang pasabing hinalikan ako sa sentido.

May I remind myself na ngayon ko lang siya nakausap bukod kahapon sa may hallway? At talagang hindi agad na process sa akin lahat ng ginawa niya.

Saglit....boyfriend ko ba siya?

-----------x

STOLE (Nonie Velasquez) #CSAward2017Where stories live. Discover now