32

188 14 4
                                    

 Page 32



Kali (POV)


Tahimik lang kami habang nasa byahe.

Wala ni isang nagsasalita sa amin at tanging ang kanta lang sa stereo ang nagsisilbing ingay.

Bahagya kong binalingan si Nonie. Nakapukos lang ang paningin nito sa daan habang nakatukod sa bintana ang siko at kagat ang kamay.

Iniwas ko na lang ang tingin ng mapansin ang pamumula pa rin ng leeg at tainga nito.

"S-saan tayo, Nonie?" mahinang tanong ko.

Bahagya akong tinapunan ng tingin nito bago sa daan.

"Natividad falls.." aniya na nagpamilog sa mga mata ko!

"Sa taas ng bundok?" hindi maikakaila ang saya at mangha sa tono ko.

Bahagya itong napatawa bago kagatin ang labi at tumango-tango!

Napakagat labi rin ako bago ilabas ang iPhone ko.

Nangi-ngiti kong sinearch ang Natividad falls sa google.

Lagi ko kasi itong naririnig sa mga kaklase ko! Isa ito na falls dito sa Pangasinan.

Medyo malayo-layo sa amin. Mabuti nalang at maaga pa! Alas nuebe pa lang!

Nasa kalagitnaan ako sa pag-de-daydream sa dun sa falls ng maalalang wala akong maipang lalangoy na damit!

"N-nonie.." nahihiyang tawag ko sa pangalan nito.

"Hmm?" masuyong aniya bagi balingan ako since wala pa namang sasakyan at straight ang way.

"Wala akong extra na damit," napatungo ako, "d-di ko kasi alam.."

"Don't worry baby. May extra ako sa compartment ko," nakangiting aniya bago itutok ang mata sa daan.

Bahagya na lamang kumibot ang labi ko bago tumungo at paglaruan ang daliri.

Halos isang oras ng lumipas ng makarating kami.

"We'll walk, Kali. Is it okay to you?" kunot noong tanong nito dahil sa araw.

"Ayos lang.." sagot ko.

"Bring this one," aniya bago iabot sa akin ang isang Nike bag na sa palagay ko ay may lamang nga damit.

Isinuot ko na lamang ito sa likod bago ilibot ang mata. Maraming puno at batid kong nasa mataas na parte na kami dahil kapag tumingin ka sa ibang bahagi ay makikita mo na ang mga bangin kung saan may malalaking bato.

Bahagya akong nalula sa nakita na naging dahilan para mapahawak ako ng mahigpit sa strap ng bag habang yung isa naman ay nakahawak sa bukas na pinto ng kotse kung saan nakayuko si Nonie para kunin ang ibang gamit sa loob.

Sa katunayan ay kailangan pa naming lakarin ang medyo makipot na daan para lang makapunta sa mismong falls kaya't hindi kasya ang kotse.

Buhat ni Nonie ang travelling bag kung saan nakalagay ang tent, towels at pagkain. Nakasabit din sa leeg nito ang isang DSLR.

He's just wearing a khaki short ang a dark-gray tshirt.

Habang ako naman ay naka-short pants din at white tshirt. Pareho naman kaming nakasuot ng Sneakers na kulay itim.

Mabuti nalang at umayos sa lakad namin ang suot ko. Ganito kasi karaniwan ang suot ko kapag nagma-mall kami.

Hawak ni Nonie ang kamay ko habang naglalakad kami. Siya ang nasa harap kaya't malaya kong nakikita ang medyo malapad na likod nito pati na rin ang kumikislap na silver necklace sa leeg nito.

Bahagya ring bumilis ang pintig ng puso ko ng magawi ang mata ko sa kamay nitong nakahawak ng mahigpit sa kamay ko.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ng maalala ang noon.

Nung mga panahong ang bata ko pa kaya't ang liit pa ng kamay ko kumpara sa kanya na siyang nagpahina rin ng loob ko noon. Dahil sa kaalamang ang layo ng agwat namin sa isa't-isa.

Pero ngayon.....halos magkapareho na ng sukat ang mga kamay namin....ibig sabihin ba noon.....pwede na kami talaga?

Nasa kalagitnaan ako sa pag-iisip ng medyo nadulas ako dahil sa isang bato mabuti na lang at agad akong nahawakan ng mahigpit ni Nonie!

My God, Kali! Wag mong gawing epic ang first date niyo?!

"Damn! Are you alright?!" punong ng pag-aalalang tanong nito gamit ang malamlam na mga mata at mabibigat na paghinga!

"S-sorry.." paumanhin ko dahil pinag-alala ko ito.

Bahagya kong sinuklay ang buhok pataas ng sumara ito sa mukha ko.

Bahagya ring iniipit ni Nonie ang takas na buhok sa tainga ko na siyang nagpasikip sa dibdib ko dahil sa kakaibang naramdaman.

Umiwas ako sa tingin nito bago naunang maglakad. Nakakailang hakbang pa lang ako ng hawakan nito ang balikat ko ba siyang nagpalakas ng todo sa puso ko!

"Your ponytail?" masuyong aniya na nagpagulat saakin.

"H-ha?" naninigurong tanong ko.

"Pusudan kita.." aniya bago pisilin ang balikat ko kaya't agad kong hinugot ang blue pony ko na lagi kong dala.

Nag-aalangan ko itong iniabot sa kanya. Bahagya pa itong natigilan ng makita nito iyon.

"Old habbits.." bakas ang saya sa boses nito bago sakupin ng maingat ang mga buhok ko.

Maayos niya itong inipon. Bawat hibla na tumakas sa sentido ko. Pati ang medyo nabasa sa pawis na nasa leeg ko ay maingat niyang pinagsama.

Naramdaman ko ang bahagyang pagtaas ng balahibo ko sa batok at braso lalo na noong maramdaman ko ang daliri nito sa namamasang leeg ko.

Panay ang kalabog ng dibdib ng itali na nito iyon at hindi gaya nung dati ay medyo mahigpit na ito.

Huminga ako ang malalim habang nakatalikod parin.

"Stay still.." ani Nonie.

Akmang babalingan ko na ito ng bigla kong naramdaman ang isang nalamig na bagay palibot sa leeg ko.

Napahawak ako rito....isang silver neck lace na may letter K na pendant. Plain lang ito pero ang ganda ng font..

Nakatitig lang ako rito bago ipikit ang mata ng marandaman ko ang paghalik ni Nonie sa batok ko tapat mismo nung lace na siyang napataas nanaman sa balahibo ko at nagpaharnumento sa puso ko nang maramdaman ko rin ang labi nito na humaplos sa batok ko.

Bumigat ang aking paghinga. Napahigpit ako ng hawak sa pendant at strap ng bag dahil sa kaba!

Naramdaman ko ang pagtulo ng isang butil ng luha ng bumulong ito...

"You're mine, Kali....simula pa lang.......akin ka na..You stole my heart, remember?"

--------------------x  

STOLE (Nonie Velasquez) #CSAward2017Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt