36

152 9 4
                                    

Page 36

Kali (POV)

Kanina pa kami dito sa classroom pero wala pa rin si Nonie.

Kating-kati na ang mga paa at kulang na lang ay maglakad ng mag-isa papunta sa labas.

Napatingin ako sa wrist watch ko. Trenta minuto na silang nag-uusap. Ang tagal naman? Gaano ba kaimportante ang pinag-uusapan nila?

Ipinikit ko ang mga mata at inabala ang sarili sa pakikinig ng musika.

Nang imulat ko ang mga mata ay agad na bumungad sa akin ang nakangiting si Nonie. Bahagya ko ring inilibot ang mga mata dahil sa takot na baka may mga estudyante pa.

"Inaantok ka pa, baby?" masuyong tanong ni Nonie na inilingan ko lang ng maalala ang nangyari kanina.

"Anong pinag-usapan niyo ni Tani?" hindi maipagkakaila ang pait sa aking boses.

Nakita ang bahagyang pag-iwas nito ng tingin sa akin.

"N-nothing.." parang alanganing sagot nito na nagpakunot sa noo ko.

May hindi ba ako alam? May sikreto pa silang dalawa?

Ipinikit ko ng mariin ang mata bago umiling. 'Of course not..mahal ako ni Nonie. Alam ko yun'

Naramdaman ko na lang ang pag-halik nito sa noo ko.

"I love you, my Kali." tumingin ito sa wrist watch na suot, "Go to your next subject. Sabay tayong kakain mamaya, hmm?" masuyong ani nito.

Isinantabi ko muna ang nararamdaman bago ito ngitian.

Sa lahat ng diniscuss ng aming mga professor ay wala akong naintindihan. Panay ang lipad ng isip ko kay Nonie at Tani.

Iniisip ko palang na malapit sila sa isa't-isa ay naninikip na ang dibdib ko.

Papunta na ako sa rooftop kung saan kami kakain ni Nonie dahil bukod sa walang pumupunta doon ay walang makakakita sa amin.

Paakyat na ako papunta sa third floor ng may bigla akong nabunggo.

"Sor--" naputol ang sasabihin ko ng bumungad sa akin ang mangiyak-ngiyak na si Ma'am Tani. Akmang magsasalita na rin ito ng makita niya ako.

Napakunot ang aking noo ng tignan ako nito ng matalim bago bungguin ang balikat ko na siyang nagpaawang sa bibig ko.

What was that?

Nang makapasok sa rooftop ay agad kong nakita ang tulalang si Nonie.

Napabaling ito sa akin nang tumikhim ako. Nang nagtama ang aming mga mata ay agad kong nakita ang pagdaloy ng kaba doon.

"Kanina ka pa?" tanong nito bago lumapit sa akin at agad na yumakap.

"Kadarating lang," napangiti ako sa ginawa nito.

Naramdaman ko ang paghinga nito ng malalim bago halikan ang balikat ko.

"I will marry you, my Kali. I love you so much." bago higpitan ang yakap sa akin.

--------------------------x
Malapit nang matapos ang book 1 nito! Book 1: 1-40 pages. Book 2: 41-60 pages :)

Feedbacks!

STOLE (Nonie Velasquez) #CSAward2017Where stories live. Discover now