"Ahh . . . kaya pala—aray!" hinaing ni Reymond nang hampasin siya ng dalaga.

"Nakakainis ka talaga!"

Napangiti si Reymond sa reaksyon ng dalaga saka bumangon na mula sa pagkakahiga. Niyakap niya ang dalaga at inamoy ang bagong ligong buhok nito, "Seryoso Jennica, bakit mo ginawa iyon? Para ba pagaanin ang loob ko? Jennica, hindi ka obligadong protektahan ako. Ok?"

"G-gusto ko."

Napabitaw si Reymond sa pagkakayap niya sa dalaga, "Gusto mo?"

Tumango ng marahan si Jennica, "Gusto kitang protektahan kaya hayaan mo nalang ako. Please?"

Naningkit ang mga mata ng binata, iniisip niya ng mabuti ang sinasabi ni Jennica at sa huli ay kinuha na lamang niya ang kanang kamay nito at inilapat sa kanyang kaliwang pisngi, "Fine, but please don't push yourself too much. Alam mo kasi Jennica, your presence is more than enough. Ikaw nga ang oxygen ko diba?"

Ngumiti ng matamis ang dalaga sa narinig, "Tama. At ang dapat na nilalanghap mo ay Oxygen at hindi Rugby."

Itinapat ni Reymond ang hawak-hawak na kamay ng dalaga sa kanyang puso at sinabing, "Alam mo kasi, iyong Rugby kapag nasimulan na ay hindi mo na talaga matitigilan. Leaving bad particles in your body. Ganoon siya sa akin Jen eh . . . " nakatitig lamang siya sa mga mata ng dalaga habang nagsasalita, " . . . nasimulan ko na siyang mahalin and unfortunately, palagi niyang iniiwanan ng lamat itong tanga kong puso."

"Kaya nga may oxygen tayo diba? Kaya nga nandito ako." then she kissed his forehead at sinabing, "O siya, maligo ka na. Mali-late na tayo sa school." nakangiti niyang saad dito.

Tumayo na nga si Reymond at hinalikan din ang noo ng dalaga. Natutuwa siya sa umagang ito. God brought him an angel,  "Oxygen ko . . . salamat at . . . " natigilan siya. Iniisip niya kung sasabihin niya nga ba iyon o hindi.

"At?"

Nginitian na lamang ng binata ang dalaga saka pumasok na ng banyo.

"Hala! Hoy Reymond ano nga iyong 'at'?!" Jennica keeps on banging the door.

"Wala. Haha!" . . . salamat at . . . sana nga sa Oxygen na lang ako naadik.

***

PANAY tili at compliment ang naririnig ni Lence habang nakasandal sa kanyang motorbike. Hinihintay niyang dumating ang kanyang sadya sa paaralang Woodsen Academy. Maraming babae ang nakapalibot sa kanya at kinukuhanan pa siya ng litrato pero wala naman ni isang nagtangkang lapitan siya.

Habang nasa sasakyan naman ay halos tumili si Jennica nang maaninag ang pigura ng kanyang kuya Lence but then, Reymond stopped her.

"Jennica stay here. Don't go out unless bumalik ako. Got that?"

"He won't hurt me!"

"Hindi tayo nakakasiguro." huling  salita ni Reymond saka lumabas na ng kotse.

Nagtilian ang mga madlang girls upon the sight of their Ideal Stone.

"Waahh! He's so gwapo!"

"You're right! I wish my boyfie is as gwapo as him!"

 "Haha! Keep wishing girl."

"Reymond . . . "

"Wow. Himala at tinawag mo ako sa sarili kong pangalan?"

"Si Jennica ang gusto kong makausap." seryosong saad ni Lence habang nakasandal pa rin sa kanyang motorbike.

Reymond looked at him from head to toe, "Aba! Bumabranded ang suot natin ngayon ah? Penshoppe from t-shirt to shoes ka." lumalapit siya dito ng konti saka bumulong, "Anong ginawa nila sa iyo?"

The Philosopher Stones (Book 1)Where stories live. Discover now