Challenge # 13

En başından başla
                                    

"Why would you put a tracking device in my phone?" I asked him. Hindi ko alam kung weird o creepy iyon pero sigurado akong dapat hindi iyon ginagawa.

"Of course. I am worried about you. Come here." Bigla niya akong niyakap. Gulat na gulat talaga ako tapos ay yumuko siya para kausapin ang tyan ko.

"Daddy was really worried, baby. Okay ka ba diyan sa loob ni Mommy?"

"The baby's fine. Don't overreact." Hinaplos ko ang ulo niya. He sighed in relief.

"Nasaan ang gamit mo? Iuuwi kita sa bahay ko."

Iyon ng ayokong mangyari.

"Sira ka ba? Gusto mo na bang mamatay? Kasi iyon ang isang way na mamamatay ka! Gusto mo bang araw-araw kang paulanan ni Tatay ng bala sa bahay mo? Oliver! I left our home so I can make a point! Pero hindi kasama doon iyong pagtira ko sa'yo because as much as possible, I want you to be there when I give birth!"

Napangiwi ako dahil parang kumirot ang puson ko.

"What's wrong?" He asked. Napaupo ako. Agad naman niya akong sinalo tapos at tinitingnan niya ang pagitan ng mga hita ko. "What's wrong? Where's the pain? Are you okay? Love, are you okay?"

He called me love. Napatitig ako sa kanya. Parang wala naman sa loob niya ang pagtawag niya sa akin nang ganoon.

"Oh! Shit!" Sigaw ni Ave. I know what she means, may nararamdaman akong tumutulo sa pagitan ng mga hita ko.

"May dugo." I sighed. Agad akong binuhat ni Oliver at dinala sa elevator. Gigil na gigil ang hitsura niya. Ako naman ay kabang-kaba. I want to cry but I tried so hard to control myself. Hindi ako dapat ma-stress pa.

"Baby, just fucking hold on! You're a fucking Consunji! You should be a fucking fighter!"

"Fuck you ka rin." Sabi ko na lang. Pinapatawa ko si Oliver pero mukhang seryoso pa rin siya. Para kaming nasa fast and furious ni Ave sa sobrang bilis niyang magmaneho. Naisugod agad niya ako sa Varess Medical at agad naman akong naasikaso. Tita Danelle looked very tensed while she was checking me.

"Anong ginagawa mo bago ka mag-spotting?" She asked me. Nang hindi ako sumagot ay napatingin siya kay Oliver na nakatayo lang sa gilid ko. "Nag-away ba kayo, Oliver? Ang sabi ko bawal ma-stress ang buntis, hindi ka ba nakikinig sa akin?"

"Tita, hindi naman po. We're just talking. Baka napagod lang po ako. Umalis na po kasi ako sa bahay."

Noon napatitig sa akin si Tita Danelle.

"Is it because of your father?"

"Yes... I'm getting tired of him. H'wag ninyo pong sisisihin si Ollie. He did nothing."

Tahimik lang si Oliver sa tabi ko. Napailing si Tita Danelle at maya-maya ay iniwan na rin kaming dalawa. He touched my tummy.

"You scared me..." Bulong niya.

"Normal naman ang spotting hanggang sa matapos iyong first trimester ko. Okay lang naman. Siguro, babawasan ko na lang iyong paggalaw ko at pag-iisip. I'm sorry."

He looked at me. Hinalikan niya ako sa noo tapos ay ikinulong niya ang mukha ko sa palad niya.

"I'm going to take care of you from now on. Sa farm tayo titira kung iniisip mo si Mr. Emilio. Aayusin ko lang ang mga bagay-bagay at pagbalik ko, aalis na tayo. H'wag ka nang magreklamo kung ayaw mong makita kung paano ako magalit." Lumalim ang mga mata niya at medyo humigpit ang pagkakahawak niya sa mukha ko. Nahigit ko ang hininga ko tapos ay natagpuan ko ang sarili kong tumatango – that was when he smiled. Hinalikan niya akong muli sa noo at saka umalis na. Sakto namang pumasok si Ave.

"Take care of her. I will be back." Sabi pa niya.

"Saan pupunta iyon?"

I shrugged.

But then, he called me love... What does that mean? Why would he call me that?

---------

Oliver's

I parked my car in front of Mr. Emilio's home. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. I want the baby. I want Rocheta kasi hindi pa ako tapos sa kanya pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit handa akong isugal pati buhay ko para lang sa kanya.

I don't know why Mr. Emilio is angry with my clan, pero hindi lahat kami ay pare-pareho. Wala na rin naman akong balak itanong kung anong pinag-ugatan ng galit niya sa pamilya ko. Bumaba ako ng kotse pero hindi na ako makakakatok sa gate nila dahil nandito na si Mr. Emilio sa tapat ko mismo at tulad ng dati, may dala siyang baril.

Kakambal na yata niya ang baril na iyon.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa nakakamatay na tono.

"Nami-miss ko na po kasi kayo. Sobrang gwapo ninyo po." I tried being funny pero hindi naman siya ngumiti.

"Tang ina mo! Pareho kayo ni Japet! Hindi ninyo ako mauuto sa kakaganyan ninyo?! Nasaan si Etang? Ilabas mo ang anak ko!"

"Nasa ospital po siya ngayon, Mr. Emilio. Nag-spotting na naman po siya." Noon ko nakitang nagbago ang expression ng mukha niya. "Tita Danelle said that it was because of stress..."

"Anong gusto mong palabasin? Sa gwapo kong ito, ma-stress sa akin ang napakagandang dalaga ko?! Alam mo, Oliver pangit, ayos ka na sana sa akin, ipinanganak ka lang na iyan ang apelyido mo kaya ang malas mo. Hindi kita kahit kailan matatanggap para sa anak ko dahil ang mga tipo ninyo ay nananakit! Nananakal! Nangpuputang – ina! Bakit ba nagpunta ka pa dito?"

"It's because I want to tell you that I am taking Rocheta to my farm until she gives birth, Mr. Emilio. Hindi ko po gustong ilayo ang anak ninyo pero gusto ko siyang alagaan – isang bagay na hindi ko nagawa noon – at gagawin ko ngayon nang buong puso at walang takot. Tama kayo, hindi ako perpekto. Nananakit ako ng babae, hindi ako mabait but I will never do that to the mother of my child."

Natahimik si Mr. Emilio. Para bang nag-iisip siya. Hindi ko naman alam kung tatayo lang ba ako doon at hihintayin ang kamatayan ko.

"Mahal mo ba ang anak ko?" Tanong niya. Ikinabigla ko iyon. Hindi agad ako makasagot.

"Hindi naman po malabong magmahalan kaming dalawa. I grew up in a family full of love – my father loves my mom with all his heart. Nag-aaway sila pero after thirty years magkasama pa rin silang dalawa. Gusto ko si Rocheta, Mr. Emilio, magkakaanak na kaming dalawa. Kung gusto ninyong pakasalan ko siya, gagawin ko. I am a man of word."

Matagal niya akong tinitigan tapos ay ngumisi siya.

"Pagkabilang ko ng tatlo at nasa harapan pa kita, babarilin kita, Toy. Tutuluyan kita. Hindi ko gusto ang tabil ng dila mo."
Ikinasa niya ang baril niya saka itinutok sa akin.

"Isa." Bilang ni Mr. Emilio. Hindi naman ako tuminag. Bakit ako aalis? Wala akong ginawang masama. Nandito ako at nakikipag-usap sa kanya ng lalaki sa lalaki.

"Dalawa." Napalunok ako.

Napapaiyak ako. I could imagine my child in Rocheta's arms pero wala na ako. Baka nga patayin niya na ako. At least nagkaanak ako. At least, tama ang mga desisyon ko sa ngayon.

"Thaddeus."

Hindi Tatlo ang narinig ko kundi ang pangalan ni Mr. Emilio. Nang magmulat ako ng mga mata ay nakita ko si Uncle Yvo kasama si Uncle Simoun.

Ibinaba ni Mr. Emilio ang baril niya tapos ay itinapat iyon sa direksyon ni Uncle Yvo saka pinaputok niya. May isang kotse pang dumating at mula roon ay lumabas ang isang babaeng may hawig kay Mr. Emilio.

"Kuya Ido! Ano ba naman iyan?!"

"Bakit nasa Pilipinas ka, Liway? Nasaan si Romano?!"

"Ido, baka panahon na para pag-usapan ang nangyari dati." Sabi pa ni Uncle Simoun.

I looked at all of them. Pakiramdam ko, na-trap ako sa isang mystery, thriller, action movie at si Mr. Emilio ang kontrabida sa lahat. 

Once moreHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin