Chapter 46 "Admiring him"

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ibababa ko siya, hindi siya makababa." Seryosong sabi ni Zach at kumapit sa isang sanga ng puno. Hindi ko minsan maintindihan ang tumatakbo sa isipan ng lalaking ito.

"Uy, mag-iingat ka. Baka mahulog ka diyan." Sabi ko at pinanuod ko siyang umakyat, nakatingin ako sa kutin na nasa taas ng sanga na kanina pa 'meow' ng 'meow'.

Umakyat si Zach sa puno, habangbpataas ng pataas ay medyo nakaramdam ako ng tuwa dahil maaabot na ang pusa. "Ayan na Zach! Malapit na!" Pumapalakpak kong sigaw.

Naabot niya ang pusa at nakangiting tumingin sa akin. "Oy bumaba ka na diyan baka--"

Bago ko pa matapos ang aking sinasabi ay biglang nabali yung sanga na inaapakan ni Zach at namilog ang mata ko, hindi agad ako naka-react. Ang lakas ng pagkakabagsak ni Zach. Una ang kanyang likod dahil pinrotektahan niya yung kuting niyang yakap.

Dali-dali akong tumakbo sa kanyang direksyon. "Uy Zach! Okay ka lang ba? Kaya mo bang tumayo?" Pagtatanong ko habang tinutulungan siyang pagpagan ang kanyang likod.

"Ayos lang ako," Nilaro niya ang kuting na kanyang hawak bago niya ito pinakawalan. Mabagal ang naging pagtayo ni Zach at nag-aalala ako sa kanya. "Stop looking at me, okay lang talaga ako."

Nakahinga ako ng maluwag nung nakatayo siya ng maayos pero nung inihakbang niya ang kanyang paa ay napakagat siya sa ibabang labi niya. "Huy Zach, okay ka lang ba talaga? Mukhang hindi maganda ang bagsak mo ah?"

"I'm fine, medyo nag-adjust lang ang paningin ko. Let's go, simulan na natin ang research. Sabi niya. To be honest, nakaka-admire ang ginawa niya.

Pinagpatuloy lang namin dalawa ang research and the good thing, ang dami naming nagawa dalawa.

Natapos ang ginagawa naming research at lumapit ako sa kanya. "Ang galing-galing mo kanina. Anong ipapangalan mo sa kuting na niligtas mo?" Curious kong tanong.

"Secret." Nakangiti niya namang sagot. Tumayo si Zach at napakagat siya sa ibabang labi niya at parang nahihirapan siyang ihakbang ito.

"Bakit, Zach? May masakit ba sa'yo?" Pagtatanong ko sa kanya.

He smiled at me, "Wala, medyo sumakit lang yung paa ko."

Naglalakad kami at kinukwento ko sa kanya ang tungkol sa mga kaibigan ko, ganoon lang ako, pala-kwento kapag komportable na ako sa aking kausap.

Maya-maya pa ay na-out of balance si Zach at mabuti ay napasandal siya sa pader. "Huy Zach! Okay ka lang ba talaga?"

"Yeah. I'm good." Sabi niya pero butil-butil na ang pawis sa kanyang noo. Doon na ako kinutuban na hindi siya okay.

Umupo muna kami sa isang step ng hagdan at pinagpahinga ko si Zach. "Patingin ng paa mo."

"I'm good Cindy, hatid mo na lang ako sa kwarto ko para makatulog na ako." Ayan na naman yung pagiging antukin niya.

Nagbitaw ako ng buntong hininga. Marahas long iniangat ang paanan ng kanyang pantalon at tinanggal ang kanyang sapatos. Doon na napadaing sa sakit itong si Zach, hindi nga siya okay.

Sobrang maga ng paa niya at kulay violet na ito. Halatang kanina pa ang kirot nito at tinitiis niya na lang. "Sabi ko naman sa'yo Cindy, okay lang ako. It's just a small inju--"

"Small ba 'yan Zach?! Paano kung mas malala pa ang nangyari sa'yo? Saan mo nakuha iyan?" He didn't answer pero mukhang nagka-ideya na ako. "Dahil ba 'yan sa pagbagsak mo sa puno kanina?"

Itinaas ko rin ang laylayan ng polo niya at may malaking pasa siya sa kanyang likod. Hindi ako makapaniwala na in-endure niya ang sakit na iyon.

"Sabi ko nga okay lang ako eh." Tinapik ni Zach ang aking kamay at pinilit makatayo pero hindi na nakikisama ang kanyang paa. Todo-todo na ang kirot nito.

"Dadalhin kita sa Clinic." Pumosisyon ako sa harap niya upang makasakay siya sa likod ko.

"Anong ginagawa mo?"

"Pumasan ka sa likod ko. Dadalahin kita sa clinic Zach. Go!" Sabi ko at hinintay ko siyang makasakay.

Dito sa pagkakataong ito, nabago ang masasama kong impression sa kanya. Talagang hindi niya ininda ang sakit para lang makapag-perform at hindi siya nagreklamo kahit sobrang sakit ng kanyang paa. Wala rin siyang pinagsabihan para walang mag-alala sa kanya.

"No Cindy, hindi mo ako mapapasakay sa likod mo." Sabi niya sa akin at hindi pa rin umaalis sa pagkakaupo sa step ng hagdan.

"Zach bilisan mo. If you want to perform for the next days, kailangan magamot 'yang paa mo. Mas malala ang mangyayari diyan kapag hindi mo siya pinatignan. Baka mamaya hindi siya minor injuries, pagsisihan mo pa." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Inabot ng ilang minuto bago ko naramdaman ang bigat ni Zach na pumasan sa likod ko. Dahil nga lalaki siya, ang bigat niya talaga. Nangibginig ang tuhod ko kada hakbang dahil sa bigat pero sa tuwing naiisip ko yung kundisyon ni Zach... Nagkakaroon ako ng lakas ng loob.

"Hindi ka ba nahihiya Cindy? Pinagtitinginan tayo." Sabi niya sa aking tenga dahil nga nasa likod ko siya. "Pasiksik ako sa leeg mo ah? Nahihiya talaga ako. Gosh, isa pa talagang babae ang nagbuhat sa akin."

Isiniksik ni Zach ang mukha niya sa leeg ko para hindi siya makilala at bahagya naman akong natawa.

Dinala ko siya sa clinic at binigyan siya ng gamot and inabisuhan siya na huwag niya munang igagalaw ang kanyang kaliwang paa ng ilang araw para sa fast recovery nito. Hindi na nakatanggi si Zach dahil nandoon na siya.

Inabutan siya ng saklay ng nurse. "Samahan pa ba kita sa dorm mo?" Pagtatanong ko sa kanya.

"No need, ginawa mo naman akong bata." Natatawa niyang sabi. "Pero thank you Cindy, sa lahat ng nakasama ko sa research, ikaw ang pinakamabait at kakaiba."

"Kakaiba? Kasi may pagkabaliw ganoon?"

"No, kakaiba ka kasi ikaw lang ang bukod tanging nakapansin na may masakit akong nararamdaman sa likod ng mga ngiti ko. And thank you, for the first time mula ng makapasok ako sa Music Academy ay may nagpakita ng concern sa akin." He smiled, a warm smile na sivuradong tutunaw sa puso ng karamihan.

Ngumiti ako sa kanya at nag-thumbs up. Tumakbo na ako paalis.

***---***---***

Walang magko-comment ng update na!

Music AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon