Chapter 47: Beautiful

14.8K 668 2.9K
                                    

Tumatakbo silang lahat papasok sa ospital, mabilis na nagtungo si Jisoo sa front desk habang hinihingal silang lahat, pwede namang hindi sila tumakbo pero dahil sa balitang narinig nila ay natataranta silang lahat hanggang sa hindi na sila makapag...

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

Tumatakbo silang lahat papasok sa ospital, mabilis na nagtungo si Jisoo sa front desk habang hinihingal silang lahat, pwede namang hindi sila tumakbo pero dahil sa balitang narinig nila ay natataranta silang lahat hanggang sa hindi na sila makapag-isip ng maayos.

"Nasan po yung na-aksidente sa BX High Way?" Mabilis na tanong ni Jisoo.

"Yung isang babae at isang lalaki po? Nasa morgue na po sila--"

Hindi pa natatapos nung nurse ang sasabihin niya ay nagtatakbo na si Jisoo papunta sa mogue kahit hindi naman talaga niya alam kung nasaan iyon, nakisama na rin sa pagtakbo sila Gabo at ang iba pa para sumunod kay Jisoo pero si Momo naman ay natataranta sa nangyayari dahil nandito na siya ulit sa ospital na pinagtatrabahuhan niya at sobrang takot niya na baka makagalitan siya.

Nang may dumaan na nurse ay mabilis hinawakan ni Jisoo ang magkabilang braso nito kaya naman napatalon sa gulat ang nurse na hinawakan niya pero hindi iyon pinansin ni Jisoo dahil masyado ng malayo ang mga nasa isip niya.

"Nasan po yung morgue?" Hinihingal na tanong ni Jisoo.

"D-Dyan lang po, kumaliwa lang po kayo tapos nandiyan na--"

Nagtatakbo agad si Jisoo patungo sa sinabi noong lalaki, si Gabo nalang ang nagpasalamat sa nurse na pinagtanungan ni Jisoo bago niya ito sinundan.

"Jisoo!" Tawag ni Gabo dahil masyado na itong natataranta, napailing nalang si Jennie dahil ayaw niyang tumakbo ng mabilis pero maski siya ay natatakot at kinakabahan na rin.

Si Raphael ay hindi na makapag-isip ng ayos kaya naman sumusunod nalang siya at maski si Jaxon ay hindi na rin masyadong kumukibo dahil madaming mga negatibong bagay na pumapasok sa isip niya.

Pagtungtong palang ni Jisoo sa morgue ay parang nanghina na agad ang tuhod niya, kung anong ikinabilis ng pagtakbo niya kanina ay siya namang ikinabagal ng paglalakad niya papasok dito.

Naramdaman niyang bumagsak ang luha niya ng makakita siya ng dalawang taong nakahiga habang may tabing na ito ng puting tela, maski sila Raphael ay nanghina na rin ng makita nila ito ay hindi na sila nakalapit dahil pakiramdam nila ay naninikip na ang kanilang dibdib sa kanilang nakikita.

Nang makalapit si Jisoo dito ay hindi na niya napigilan ang sarili niya sa paghagulgol, wala pumapasok sa isip niya dahil ang alam nalang niya ngayon ay nasasaktan siya at ayaw niya pang mawala ang dalawa sa pinakaimportanteng tao sa buhay niya.

"J-Jinver..." Hindi masabi ni Jisoo ang pangalan nito ng maayos dahil sa sunod-sunod niyang paghikbi.

Napasuntok si Raphael sa pader dahil hindi niya alam kung papaano niya ilalabas yung nararamdaman niya, si Jennie naman ay napakapit sa dingding bago siya napahawak sa bibig niya at pigilan ang kanyang pag-iyak, si Jaxon naman ay hindi na niya napigilan yung luha niya habang si Gabo naman ay nanatiling naka-poker face pero sa loob-loob niya ay nasasaktan din siya sa nakikita niya.

Blood Sweat & Tears: Mystery of Bangtan CityWhere stories live. Discover now