Chapter 31: Fools

13.3K 746 1.6K
                                    

Note: Sorry matagal akong mag-update, hindi tulad dati na halos araw-araw nag-aaupdate ako, madami kasi akong ginagawa sa school, di bale babawi nalang ako kapag natapos ko na yung mga gawain namin. Actually halos dalawang chapter naisulat ko ngayon kaya hinati ko, baka bukas ko nalang i-upload yung isa dahil medyo maiksi pa. 

Pasensya na rin masyadong maraming error, hindi ko na kasi nagagawang basahin pa ulit yung mga sinulat ko kaya madaming mali. Sorry talaga! :(

PS. Wag nyong tutularan yung mga mababasa nyo sa chapter na 'to, I mean pati sa mga susunod pang chapters. Love ko yung buong BTS at BLACKPINK, wala akong kinikilingan, wala din akong pinoprotektahan, serbisyong totoo lamang hahaha!

•••••

Pinikit ko na ang mata ko at hinintay ko nalang na kalabitin niya ang gatilyo ng baril pero hindi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pinikit ko na ang mata ko at hinintay ko nalang na kalabitin niya ang gatilyo ng baril pero hindi. Hindi niya nagawa dahil biglang bumukas ang kotse at may pumasok sa loob nito kaya napausog ako papalapit kay Johann.

"Anong ginagawa mo dito?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Johann kay Theo.

Mas lalo akong napalapit kay Johann dahil umupo si Theo sa kinauupuan ko rin, pang-isang tao lang ang front seat, mabuti nalang at medyo skinny ako kaya nagkasya pa rin kaming dalawa sa iisang upuan.

"Di ba nasa kulungan ka?" Nagtatakang tanong ni Johann.

"Wag ng maraming tanong, paandarin mo na 'tong sasakyan. May pupuntahan tayo." Ani Theo.

"Hindi mo ba nakikita yung upuan sa likod?" Sarkastikong tanong ni Johann kay Theo.

"Wag ka ng magreklamo, paandarin mo nalang! Kasya naman kami eh." Nababanas ng sabi ni Theo, kahit naiinis na rin si Johann ay pinaandar nalang niya ang sasakyan.

Ako naman ay walang imik sa pagitan nilang dalawa, hindi ko alam kung bakit bigla akong napipi ng pumasok dito si Theo, siguro ay dahil ang awkward ng eksena namin. Nasa front seat kaming tatlo at halos sumagko na ako kay Johann habang dikit na dikit naman ako kay Theo.

"Kamusta sa kulungan? Masaya ba?" Walang emosyong tanong ni Johann kay Theo.

"Boring sa loob, mabuti nalang tatanga-tanga yung mga pulis doon." Aniya. "Bakit nga pala ang tagal mamatay ng Vanessa na 'yan? Nagulat ako ng makita ko siyang buhay nung isang araw." Pagkwento pa ni Theo.

"Malamang, kagabi lang siya namatay, talagang buhay pa siya noong isang araw. Dapat papatayin na namin si Vanessa noong nakaraan pa, kaso may isang epal na babaeng biglang sumulpot sa BGC na kini-claim na siya daw ang anak ni Mayor Stellart. Ang ganda na sana ng plano eh, kaso may panira."

Biglang nagpintig ang tenga ko sa sinabi ni Johann, para bang pinagdidiinan niya ang bawat salitang binibitawan niya kaya naman sumama ang tingin ko, bigla ko kasing naalala na pumunta ako sa BGC noong nakaraan pero siya ang naabutan ko 'dun.

Don't tell me plano na talaga nilang patayin si Vanessa dati pa? Pero akala ko ba kakampi nila si Mayor? Ibig sabihin ba mga traydor sila?

"Hayaan mo na, patay na si Vanessa. Wala na tayong magagawa." Walang emosyong sabi ni Theo habang nakatingin lang sa labas.

Blood Sweat & Tears: Mystery of Bangtan CityWhere stories live. Discover now