nineteen

3 1 0
                                    

Bryle.

Isang buwan na din lumipas ng umamin ako kay skylene. At nag umpisa na din akong manligaw sa kanya. Ganun pa din naman ang sitwasyon pero sempre kelangan mas sweet ako sakanya. Kahit pa sobrang tagal niya pa ako sagutin hihintayin ko yan.

Oyy nangingiti si boss!!- asar sa akin ni zac. Gago talaga. Nandito kami ngayon sa bar. Kasama namin sila eli. Pero si sky wala dito. Busy daw kasi. Kaya ayun dina namin pinilit baka masapak pa kami e. Amazona kaya yun.

Sa wakas nakaamin din ang pinaka torpe sa tropa natin!- natatawang sabi ni karl. Palibhasa kasi madali lang sakanya umamin. Hay nako.

So ano na status niyo? -eli. Napaisip naman ako. Ganun pa din.

Ligawan pa din ba? -dagdag naman ni zac.

Yeah. Pero okay lang yun. I can wait for her!!- masayang sabi ko sa kanila at uminom nalang. Nakita ko namang hindi nagkikibuan yung dalwang lovers.

Nangyare jan sa dalwa? Tanong ko kila karl. Nagkibit balikat lang ang mga to.

Kanina pa yang mga yan e. Parang mga sira!- komento ni eli.

Inistraight na inom ni seiji ang hawak nyang alak. At saka nag-order ulit. Ayon si kelsey naman, alam kong hindi to mainom pareho sila ni jass pero makalagok ng alak dinaig pa si eli sa kakainom. Pambihira. What happen to the earth?!.

Hoy kayo tumigil na kayo kakainom. Anong problema niyo? Tanong ni eli sakanila. Kami naman hinihintay lang ang sagot nila.

Tss. -sabay pa nilang sabi mukhang wala kaming makukuhang sagot sa dalwang to a.

Base on my research. Nag-aaway sila dahil sa babae?!- gulat na sabi ni jass. Napatingin naman kaming lahat sa kanya maging yung dalwa.

Napakachismosa mo talaga!!- inis na sabi kelsey sakanya. Napatawa nalang si jass.

Mag-usap nga kayo para kayong tanga!- sabi ni eli saka lumagok ng alak.

Kelsey.

Tss. Makinig ka nga muna sa akin. Inis na sigaw sa akin ni seiji. Paano ba naman hindi ko siya kinakausap dahil sa nakita ko. Walangya.

Sinisigawan mo ako? Sigaw ko rin sa kanya. Nakatingin na sa amin ang mga tropa namin. Pero wala akong pakialam.

Ayan ka na naman. Lagi mo nalang dinadaan sa init ng ulo mo. -sabi nito sa akin. Inirapan ko nalang ito ayukong magsalita. Naiinis ako. Diko akalain na magagawa niya sa akin yun. Naabutan ko lang naman siya kanina na may nakakandong na babae sa kanya at ang masaklap pa ay naghahalikan ang mga ito. Mga gago talaga.

Both of you please calm down. Nadadaan lang yan sa matinong usapan. -sabi sa amin ni karl. Uminom nalang ako ng alak. Wala na akong paki kung malasing man ako ngayon.

Ibang klase kelsey. Tumigil ka na a. Nakakadami kana. -awat sa akin ni eli. Tss. Isa pa to.

Hindi naman kita pinapakialaman kapag nakakadami ka na rin ng inom a. Sabi ko rito. Nakita kong nagkunot noo ito. Pero wala akong paki.

Putcha!!- rinig kong sabi nito sa akin.

Tama na kelsey. Hindi nadadaan sa inom yan!!- awat sa akin ni jassmine.

Wala kang paki. -sabi ko dito at patuloy pa rin. Wala akong pakialam ngayon. Ansakit ng nararamdaman ko. Gusto ko muna sarili ko muna isipin ko. Pota kasing seiji yan. Ang landee.

Pota seiji anong ginawa mo? Naiinis na tanong ni jassmine.

Si michelle kasi pumunta sa school kanina. Nakaupo ako noon at saka bigla siyang umupo sa lap ko. Hindi ko naman expected yun. Pinapaalis ko siya, pero ayaw niya at saka bigla niya akong hinalikan at saka... --hindi niya ba masabi. Gosh.

At saka ano ? -sigaw ni eli.

Kalma lang!!- sabi naman ni bryle.

At saka diko namalayan na tumutugon na din pala ako sa mga halik nito sa akin.- sabi niya at napayuko. Ako naman ito tumutulo ang mga luha ko. Pakshit lang. Mapapatay ko talaga yang linta na yan.

Shiit!!- sabay sabay na sabi nila karl, zac at bryle.

Sino ba yang michelle na yan?!- tanong ni jass. Oo nga sino ba nga siya sa buhay ni seiji.

She's my ex!!- sabi nito sa tanong ni jass. Bigla ko naman ibinato yung baso na hawak ko. Pota lang ex pala niya yun. Siya yung ex niyang mahal na mahal niya. Na halos magpakamatay na noon dahil iniwan siya. Alam ko yun dahil dalwang taon palang ang nakakalipas. At bali balita yun sa buong kampus.

Potangina mo pala e. Di ka pa pala nakakamove on saka niligawan mo pa ako. Pota lang!!- sabi ko sa kanya at pinagsasampal siya. Saka lumabas na ako sa bar. Na agad naman akong sinundan nila jass at karl.

Hatid ka na namin. -presenta ni karl pero umiling ako dito. Gusto kong mapag isa muna ngayon.

Kaya ko magdrive. Please gusto ko mapag-isa. Don't worry about me. Uuwi na ako. Kita nalang tayo sa bahay!!- sabi ko kay jass, tumango naman ito. Oo sa iisang bahay nalang kami nakatirang tatlo nila eli si sky naman paminsan minsan lang matulog roon.

Nagdrive na ako patungo sa bahay itutulog ko nalang tong sakit na nararamdaman ko. Ginago lang ako ni seiji. Akala ko pa naman mahal na niya ako. Akala ko tuluyan na siyang nakamove on. Ansakit lang dre. Superr. Ansarap lang manapak ngayong araw na to.

Nakarating ako ng bahay nang wala akong galos galos at nabangga. Dumiritso na ako sa kwarto at saka dumiritso sa cr ko gusto kong magshower. Paki niyo ba. para na akong sira dahil naliligo ako ay sumasabay din ang pagtulo ng mga luha ko. Hayss. Tama na kelsey. Okay lang yan. Bukas ok kana.

-

Seiji.

Naiwan kami nila eli, zac at bryle dito sa bar, samantalang sila jass at karl ay sinundan si kelsey dahil umalis ito. Nakaupo lang ako ng biglang may nanapak sa akin, kaya natumba ako sa upuan ko. Shit ansakit nun a. Pag angat ko ng ulo ko nakita ko si bryle at zac na galit na galit. Habang si eli ay inaawat silang dalwa

Potangina naman seiji. Akala ko pa naman wala ka ng pagmamahal kay michelle. Lokohan na tayo niyan!!- inis na sigaw ni zac. Naiintidihan ko naman kung bat sila nagagalit sa akin dahil kasalanan ko naman at saka naging malapit na rin sa kanila sila kelsey.

Oo wala na nga akong pagmamahal kay mich. Pero nung dumampi ang mga labi niya sa labi ko muling bumalik lahat ng matatamis naming alaala. - sabi ko sakanila. Hindi niyo naman ako masisisi dahil si mich ang kauna unahang babaeng minahal ko na halos pati buhay ko ay tinalikuran ko para lang sakanya.

Walangya seiji. Ayusin mo yan a.- sabi sa akin ni bryle. At saka umalis na ito.

Sige na seiji uwi ka na din. Kami na bahala dito ni zac. -sabi sa akin ni eli. At saka hinila na niya si zac para kausapin ang manager dahil sa mga nasira namin kanina.

Gaya nga ng sabi ni eli umalis na ako. Nakakainis naman kung kelan masaya na ako kay kelsey saka na naman babalik si michelle. Nakakapota lang talaga. Sana mapatawad ako ni kelsey. Hindi ko naman sinasadyang saktan siya.

Hayss. Panigurado ako ngayon palang ay sinusumpa na ako ni kelsey. Hindi ko siya masisisi dahil nasaktan ko siya. Tanggap ko yun, na ako talaga ang mali. At naiinis ako sa puso ko. Sino nga ba talaga ang mahal ko. Si kelsey na muling binuhay at pinasaya ang puso kong kay tagal na nangulila o si michelle na una unang babaeng minahal ko na sinaktan lamang ako, pero muling nagbabalik para mahalin akong muli.

Argggghhh. Nakakainis naaaaa..!!- sigaw ko na nakatingin lang sa kisame ng kwarto ko. Bahala na nga. Kamuhian niya ako, handang kong tanggapin yun.

...

Just the way you areWhere stories live. Discover now