three

6 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa Underground. May naghamon sa akin pagbibigyan ko. At sayang rin ang mapapanalunan ko rito. Kaya ito kalaban ko si Deviline pangalan palang. Haha. Kasama siya sa top rank individual. At hindi siya makakapayag na masapawan lang siya ng kahit na sino.

Puro ingay ang maririnig mo sa UBattle. Napuruan na si Deviline pero ayaw pa din sumuko. Kaya heto ako lumalaban pa din sa kanya nasugatan niya na rin ako sa braso ko. Kaya puro dugo na to at baka maubusan na ako. Kaya naman tinapik ko na siya sa batok niya at nawalan na ng malay. Hindi ako pumapatay sa one on one. Kapag may big fight lang at kung nagkataon lang din.

Pagkatapos ng laban namin ay umalis na agad ako. At pumunta ng HQ. Nakita ko naman na nadoon si Joshua kaya naman lumapit ako sakaniya.

Josh pagamot nga!-sabi ko dito at dali dali naman itong kumuha ng mga gamit niyang pang gamot.

Princess nagtext ang mommy mo pinapapunta ka niya sa mansion! -bungad sa akin ni Gabrielle ng pagkalabas niya ng kwarto niya.

Bakit daw? -tanong ko muli rito.

Gusto ka niyang makita daw -sagot naman niya. Hays wag na lang kaya ako pumunta. Baka magkita pa kami. Magkagulo pa.

Text mo siya sabihin mo busy ako.-utos ko dito . At kinuha ang cp niya at siguro itetext niya na.

done!!- sabi nito sa akin at tumango nalang. Tapos na rin ginamot ni josh ang sugat ko. At sumakit lalo dahil idiin ba naman niya.

Mag-ingat ka sa susunod a. -josh. Ngumiti naman ako dito at tumango.

Lumapit si Gab sa akin at may kausap sa phone niya. Kaya nagtaka naman ako ng ibigay niya sa akin ang cp niya.

Gusto ka makausap ni tita-sambit naman nito. Kaya kinuha ko na at sinagot.

Yes? -sabi ko dito.

Pwede bang pumunta ka rito sa bahay, magdinner tayo! Ngayon lang. I want to see you! Please Skylene!!-namiss ko ang boses niya. Hayss. But i cant.

Im sorry mrs. Dizon. But im too busy!-sabi ko rito. At saka inend call ko na. Baka kulitin niya pa ako e.

Bat di ka umuoo? -sabi ni Argel. Tumingin naman ako sakaniya, at hindi lang pala siya ang nakatingin as in silang lima.

Naa. Makakakain naman siya kahit wala ako. Ano ba kayo nalimot niyo na ba? Baka mas lalo lang akong kamuhian ng mga kapatid ko. At ayukong mangyare yun!!-sabi ko sakanila. Tumango tango naman sila.

Pero prinsesa bat hindi mo lang subukan malay mo sila din sabik na makita ka. Pagbigyan mo lang ang nanay mo kahit ngayon lang- pangungumbinsi sa akin ni Kurt. Ayuko man pero gusto ng mga kaibigan ko na pumunta ako. Saka wala naman sigurong mawawala sa akin kung pupunta ako e. Di ba?

Hayss. Okay na mga sir, pupunta na. Bat kasi anlakas niyo sa akin?! -sabi ko dito at tumawa naman sila.

because we are buddies -sabi nang mga kumag na to. At saka yumakap sa akin. Pero alalay lang kasi may sugat ako sa braso.

Oh siya alis na ako. Nang makapaghanda na din ako. Byee. -paalam ko sakanila. At umuwi na ako sa bahay.
-
-
-
nandito na ako sa harap ng mansion. Bumaba na ako sa sasakyan ko at saka pumasok na. 6pm kasi ang usapan at sakto naman ang dating ko. Naka jeans lang ako at naka white tshirt lang. At saka naka sapatos lang. Pagkapasok ko ay sinalubong agad ako ng mga katulong.

Good evening young lady!-bati nila sa aking lahat. Ngumiti naman ako sakanilang lahat.

At bigla naman akong nakita ni Mrs. Dizon at sinalubong ako ng yakap at halik niya. No denying. I miss her so much. I decided to call her Mrs. Dizon when i left. Nakita ko naman ang mga kapatid ko masayang bumababa sa hagdan. Silang tatlo. Napatingin sila sa direksyon kung saan nasaan kami ni Mrs. Dizon, napayuko nalamang ako. Dahil alam ko namang ayaw nila akong makita at lalo na ang makasama. Nagdadalawang isip tuloy ako kung aalis ba ako o tutuloy pa. Ano ba naman ito.

Oh halina kayo kumain na tayo. -sabi nito at sumunod naman kami sakaniya ako ay yumuko nalang. Nahihiya ako. Nagiging maliit ako tuloy kapag nakikita ko sila. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Baka mataranta ako at ano pang mangyare. Pagkadating namin sa hapag kainan ay nakita ko ang emperor na nagbabasa ng diyaryo. Kaya naman napalunok ako at tatalikod na sana ng hilahin ako ni nanay rose.

Maupo na tayo-sabi ni mrs. Dizon kaya naman na upo na kami.

Sa gitna si emperor sa kanan niya ay si mrs. Dizon at si scarlette at si kuya kevin. Sa kaliwa naman niya ay si kuya calvin at ako. Tahimik lang ako sa pagsubo ng pagkain ko at habang sila naman ay nagkukuwentuhan.

Tikman mo to sky, luto ni mommy yan! -masayang sabi ni kuya calvin at nilagay sa akin ang ginataang hipon. Ngumiti naman ako sakaniya. Hindi pa rin siya nagbabago.

Buti naman at pumayag ka na saluhan mo kami ng hapunan ngayong gabi na to!- paninimula ni mrs. Dizon. Ngumiti nalamang ako sakaniya dahil wala naman akong balak magsalita.

Araayyy!! Kuya masakit !! -sabi ko dito dahil bigla niyang nahawakan ang braso ko at dun pa sa may sugat ko.

Oh sorry sky. Hindi ko alam. Sabi nito sa akin. At nag aalala.

Okay lang.!! -sabi ko dito saka ngumiti sakaniya ng pilit dahil masakit pa din.

San mo nakuha yan skylene? -tanong ni kuya kevin . Kaya naman napatingin ako sakaniya at lahat silay nakatingin din sa akin.

Hm wala lang yan ayos lang. I need to go. Baka matraffic pa ako. Salamat sa pagkain.-sabi ko sakanila at tumayo na at nagbow na ako. Saka naglakad na. Hindi ko naman namalayan na sumunod sa akin si kuya calvin.

Sky, our princess, please be careful next time. Take care!! I miss you! -sabi nito sa akin at yumakap . Niyakap ko rin siya at nagpaalam na. Saka nagdrive na ako. Papuntang unit ko. Tumakas lang ako sa tanong nila dahil ayuko namang mag-alala sila dahil sa katangahan ko.

Nakarating na rin ako sa wakas. At buti nalang hindi traffic. Makakapagpahinga na rin ako. Thank God, dahil binigyan niya ako ng chance na makasama ko ang mga pamilya ko kahit sa saglit lang.

Nakatulog na din ako dahil na rin sa dala ng pagod..

----

Just the way you areWhere stories live. Discover now