twelve

2 1 0
                                    

Bryle POV.

Nandito kami sa condo unit ni skylene. Dahil nga sa gusto namin kung ano ba talaga ang nangyayari at bakit ayaw niyang makasama ang kapatid niya. Pinaupo niya kami sa sala niya at saka kumuha siya ng tatlong wine. Uminom muna siya bago siya nagsimulang magkwento. Tuloy tuloy lang ang pagkwekwento niya tulad ng mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata. Mararamdaman mo sa bawat patak ng luha niya ang sakit na matagal niya ng kinikimkim. Kapag humihinto siya sa pagkwekwento ay iinom muna ito saka ulit magkwekwento. Hanggang sa tapos ang kwento niya at naubos niya ang isang bote ng wine. Nang siya lang mag-isa. Kami naman ay pinakinggan lang siya hanggang sa matapos siya. At bigla na din lamang nakatulog si sky. Dahil na rin siguro sa kalasingan niya.

Binuhat ko na siya sa kwarto niya. Para maging komportable siya sa pagtulog, pinalitan na rin siya ng damit ni eli. Nandito pa din kami ngayon sa sala niya. 1:37pm palang e. Remember break time namin ng umalis kami ng school.

Ganun pala ang nangyari, kaya galit na galit sa kanya si scarlette!? -sabi ni jassmine. Pati rin sila hindi pala nila alam ang nangyari.

Biglang may naalala ako, may nakita akong magkapatid na naghahabulan...

*flashback*

Mommy doon lang po ako sa swing! -paalam ko kay mommy. At hindi ko na hinintay ang sagot niya. Tumakbo na ako papunta sa swing nang may nakita akong taong nagkakagulo.

May batang nasagasahan - sigaw nung katulong na nandito sa park. Dahil sa may pagkachismoso ako ay lumapit ako at may nakita akong batang umiiyak doon at ang mga kasama niya ay sumakay na sa ambulansya. Siya lang naiwan kasama ang yaya niya.

Sky halika na. Uwi na tayo!! -sabi nang katulong nila.

No nanny. Gusto ko puntahan natin si ate. Pleasee! -pakiusap nito at tuloy pa din ang pag-iyak niya, nakatingin lang ako sa batang umiiyak na ito.

Pero sabi nang daddy mo umuwi na tayo! -sabi pa ng nanny niya.

Princess halika na uwi na muna tayo. Gagaling din si Scar. Maglalaro na ulit tayo pagkagumaling na siya- sabi ng lalaki at ngumiti ito ng malapad. Saka niyakap yung batang babaeng umiiyak.

Kenjiii !!! -rinig kong sigaw ni ate. Kaya lumapit ako sakanya. Saan ka ba nagpupuntang bata ka? Nako wag kana maglayo layo a. May nasagasahang bata kanina.!! -sabi pa nito sa akin. Kaya pumunta na kami kila mommy.

--end

Hoy pre natulala kana? Alis na tayo!! -nagbalik naman ako sa katinuan ko ng magsalita si Zac.

Sige. Okay na ba siya?- tanong ko kila jassmine. Sila kasi ang nagstay sa kwarto ni skylene.

Hmp. Yeah she is. Dont worry about. She'll be fine. Lets go! -sabi ni kelsey. Kaya naman umalis na kami. Pagkapunta namin sa parking lot ay kanya kanya na kaming sumakay sa mga sasakyan namin. At yung mga babae ihahatid na nung mga partners nila. So ako dumiritso nalang sa bahay para makapagpahinga na din.
.
.
Skylene POV

Nagising ako dahil sa sinag nang araw. Tatayo na ako ng biglang sumakit ang ulo ko. Fvck. Ansakit sobra para akong nauntog nang ilang beses. HAHAHA oa na. Naalala ko yung nangyare kagahapon. Haiistt. Nalasing pala ako. Gosh. Hindi na tuloy ako nakarating sa underground.

Ring!! Ring!! Ring!! Gabrielle's calling--

Hello sabi ko na walang gana.

Bat di ka nakapunta sa deal fight mo? Nako. Asan ka ba?

Hm sorry Gab. Asa condo ako. May nangyare kasi kagahapon. -sabi ko rito at muling nalungkot. Hayss.

Yeah. Nabalitaan ko. Gumawa ng scenario ang magaling mong kakambal. -sabi nito. Alam kong naiinis ito. Dahil sa pagsasalita palang niya na may halong gigil.

Dont im fine. Btw sino nakipaglaban kay tasha?

Wala hindi rin siya sumipot. So it means tuloy ang laban niyo mamayang gabi. Goodluck princess!! -sabi nito sa akin.

Nice. Ok thankyou. Bye! -sabi ko dito at saka inend call ko na.

Naligo na na ako. Dahil kakain ako sa labas. Oh nagtataka kayo noh, hindi po kasi ako marunong magluto. So lagi akong kumakain sa labas. Habang papunta akong parking lot ay nag-iisip ako kung san maganda kumain nang biglang may humintong van sa harap ko. Sino naman kaya ang mga ito. Baka kidnappin nila ako. Gosh. Wala akong pambayad para sa self ko. Hihi. Bumukas ang pinto nito kaya napaatras ako. Sempre para tumakbo na agad. Nakita ko naman sila jassmine. Haisst sila lang pala.

Goodmorning skyyy!! -Masayang bati sa akin nung tatlong babae.-hii skyy- bati naman nung apat na lalaki. Oo kasama nila ang apat na kumag na yan.

Bakit nandito kayo? Sabi ko sakanila.

Grabe naman sky ganyan ka ba talaga maggoodmorning?!- sabi ni karl at natawa naman ang mga peoplelets. Tinarayan ko nalamang sila.

Sunget mo naman. Nandito kami kasi yayayain sana ka namin na kumain sa resto! Sagot ni seiji . Napatango naman ako. Good idea gutom na rin ako. Sumakay na ako. As usual magkasama ang mga lovebirds natin. Sino pa nga ba aasahan niyong katabi ko. Sempre si Bryle. Asa byahe lang kami. Medyo malayo a.

Okay kana ba?- bulong nito sa akin. Napatingin naman ako sakanya at saka ngumiti ako sakanya.

Yes I'm fine. Thankyou pala kagahapon! -sabi ko sakanya. Napangiti nalang din siya saka ginulo ang buhok ko.

Wala yunn-bryle.

Ehh. Nakakainis wag mo ginugulo buhok ko! -sabi ko sakaniya at saka inaayos ang buhok ko.

Ang cute mo kapag naiinis! -sabi nito at natatawa. Ako naman ito feeling ko napunta lahat ng dugo ko sa mukha. Gosh. Bat ako namumula sa sinabi niya.

Haha. Nagblublush ka. -sabi nito at pinisil niya ang ilong ko. Napapout naman ako sa ginawa niya. Gago talaga nito.

Ehemm!!- sabi nung nasa harapan namin. It means sila kelsey at seiji. Si seiji ang driver at si kelsey naman sa tabi niya.. dahil nga sa nagfake ng ubo si kelsey ay napaupo ako ng maayos.

Answeet naman nila-- sabi nung mga nasa likod namin. Diko nalang sila pinansin. Nakarating din kami na puro inaasar kami ng anim na to. Nakakalurkey sila.

Pumasok na agad kami sa resto kung saan kami kakain. Kila seiji palang ang resto na ito. Ambongga naman ng resto na ito simple but elegant. Kulay red and gold ang combination nito. Kaya naman elegant talaga. Naupo na kami at saka nag order na si seiji. Siya na daw bahala. Kasi libre niya.

Dumating na ang pagkain. Kumain na agad kami. Yummy. Ansarap ng pasta nila dito.

Nagustuhan niyo? -tanong si seiji.

nooo.because i love it!!! -sabi ko medyo nalakasan ko ang boses ko. Kaya napatingin sila sa gawi namin. Pero nakangiti. Lalo na yung mga employeer nila seiji. Nahiya tuloy ako.

Nahiya tuloy si ateng. Haha. Anlakas kasi magreak e. -sabi ni kelsey. Sinamaan ko naman siya. Natawa naman silang lahat dito sa grupo namin.

Nga pala sky saan ka pala pupunta kanina? -tanong ni zac.

Hmm. Kakain sa labas. -tipid kong sagot.

Bat dika nalang magluto kesa kumain ka sa labas?!- tanong ni bryle. At bigla namang natawa yung mga kaibigan ko. Nako mababatukan ko mga to.

Pano naman magluluto yan? Di marunong yan!!- sabi ni eli na halos maluwa luwa na sa kakatawa. Tss sa hindi ako marunong bakit ba.

Ewan ko senio. Basta kakain ako.-sabi ko sakanila. At tinuloy na ang pagkain ko. Sila naman natatawa. Mabulunan sana kayo. Haha.

Natapos na kami. Saka hinatid na nila ako. Kelangan daw namin magready mamaya para sa party na gaganapin mamayang gabi kila Zac. Nagpresinta si Bryle na susunduin niya ako. Pero sempre tumanggi ako. Remember may laban ako mamaya. Sabi ko kaya kona pumunta at baka malate pa ako dahil may pupuntahan pa ako. Pero hindi na ito nagtanong.
.....

Just the way you areWhere stories live. Discover now