six

8 1 0
                                    

Elizabeth's POV

5 days nang walang paramdam sa amin si Sky magmula ng magpaalam siya sa akin na hindi siya papasok ng hapon dahil nga sa may Big Fight sila. At limang araw na din siyang hindi nakapasok ngayon miyerkules wala pa rin siya. Nag-aalala na kami para sakanya.

Hey where is she? -paulit ulit na tanong ni kelsey sa akin.

Pwede ba kumalma kayo, nakakairita na e. She will be okay! -sabi sa amin ni jassmine.

Lunch na kaya naman narito na kami sa cafeteria. At halos tulala kaming tatlo, parang mga wala kami sa sarili namin.

Oyy, bat ganyan mukha niyo? Back to earth guys!!-sabi sa amin Karl. Tumingin lang kami sa kanya at saka kumain na lang.

Hey what happened?-sabi naman ni Seiji. Umiling iling lang kami.

Mga may topak na ata tong mga to! -sabi ni Zac, kaya ayun nakatikim siya kay Bryle ng batukan siya sa ulo. Kaya naman nagkamot ito sa ulo niya.

Hayss. Bahala na nga kayo jan. Halina kayo girls!! -sabi ni Jassmine kaya naman sumunod na kami. Habang nasa klase kami ay lutang pa din. Mabuti na lamang at hindi kami napapansin ng teacher namin. Natapos ang klase namin na wala kaming pinakinggan ni isa. Pagkadismiss sa amin ng teacher namin ay lumabas agad kami para pumunta sa condo unit ni Sky. Baka nandun siya.
-
-
Nakarating kami dito pero wala daw siya. Hindi pa daw siya umuuwi maglilimang araw na din. Kaya naman nag-alala kami ng super duper na.

Okay guys! kalma lang tayo a! Punta tayong mansion nila baka nandoon siya! -sabi ni jassmine kaya nabuhayan kami ng pag-asa. At dali dali ng sumakay sa kotse ni kelsey.
.

Nadatnan naming naroon si mrs. Dizon ang mama ni sky. Pinapasok niya naman kami.

Maupo kayo!- sabi nito na nakangiti, kamukha siya ni skylene lalo na ang pag ngiti niya.

Hmm tita andito po ba si Skylene?- direktang tanong ni kelsey at saktong pababa si scarlette at pumunta sa amin.

What are you doing here?- mataray na sabi nito sa amin.

Tss. Ibang iba nga siya kay skylene!- bulong ni jassmine siniko ko naman ito baka kasi marinig siya.

Tinatanong lang naman namin kung andito si Skylene! -sagot sa kanya ni kelsey.

She's not here. Makakaalis na kayo! -sabi nito sa amin. Ang maldita ng babaeng to. Tatamaan na to sa akin.

Scarlette ano ba? Mga bisita ko sila. para kang walang respeto.- sabi sakanya ni mrs dizon at tinarayan lang kami ni scarlette saka pumunta na ng kwarto niya.

Kung wala siya asan kaya ang batang yun!?- sabi ni mrs dizon. Nagkibit balikat na lamang kami. Nagpaalam na lamang kami sa kanya na baka nakauwi na sa condo unit niya si sky. Kaya naman umuwi nalang kami sa mga bahay namin.
-
-
-
Argel's POV.

Hey kamusta na siya? Bakit hanggang ngayon hindi pa siya nagigising? - sabi ni Gab sa doctor na naka assign kay princess. Sad to say hindi pa nga siya gising at ilang araw na din siyang hindi nakakapasok.

Masiyadong maraming nawalang dugo sa katawan niya at kailangan pa nitong magpalakas. Hanggang sa muli siyang magising! -paliwanag nito at saka nagpaalam na aalis na. Kaya heto kami tahimik lang na pinagmamasdan ang babaeng na mahimbing na nakahiga.

She'll be fine! -sabi ni joshua at saka nagpaalam mo na ito para umuwi. Dahil sa nangyare kay sky ay halos hindi na kami umuwi at hindi na din muna pumasok.

Bukas papasok na tayo! -sabi ni kenneth. Na seryosong nakatingin lang kay sky.

Nasisiraan ka na ba ? Walang magbabantay sa kanya dito. - sabi ko sakanya. Mas mahalaga sa akin si Sky kesa sa pagpasok ko.

Tss. Sempre hindi. Kailangan nating pumasok at gawin ang mga namess up na lesson ni sky. Para naman wala na siyang hahalahanin paggising niya. At saka nandito sila jake. Silang bahala!! -paliwanag nito sa amin.

Tama si Ken. Kailangan nating matapos lahat ng mga hindi natin nagawa dahil sa paglibang natin sa klase! -pagsang-ayon sakaniya ni Gab. Kaya naman . Pumayag na din kami.
--
Nandito kami ngayon sa harap ng room  nila princess at kinakausap ang mga kaibigan niya.

Pwede ba namin mahiram lahat ng notebook niyo at malaman ang mga projects niyo at mga ginawa niyo? - sabi sakanila ni Ken. Kaya naman tumango sila. At inexplain nila lahat sa amin ng mga ginawa nila at ang mga proyekto nila. Nang matapos na ay magpapaalam na sana kami nang magsalita muli ang isa sa kanila.

Hmm mga kuya asan po ba si skylene? Nag woworry na po kami sa kaniya e!! -sabi ni kelsey, yeh kilala namin sila dahil kinukwento ni sky sa amin ang mga ito. Kaya naman nagpatingin ako kila Gab . Naka normal look lang sila.

Don't worry about her, she's fine. Sige mauna na kami!! -sabi ni Gab saka nagwave sakanila at tuluyan na kaming umalis. Papunta na kaming HQ para maumpisahan na ang mga dapat tapusin. Nagsusulat lang ako kasama si kurt, sila naman Gab at kenneth ay ginagawa ang mga projects ni sky. At si joshua ayun pinag-aaralan niya ang mga lessons nila sky at sinasagutan ang mga takdang aralin nito.

Patapos na kami sa mga gagawin namin ng biglang pumasok si Marco at nagsalita ito.

May laban daw tayo maya-maya kaya maghanda na kayo! Sabi ng emperor!- sabi nito at saka umalis na siguro ihahanda niya na ang mga gamit niya.

Tss. Nakakainis alam niyang binabantayan natin si sky, tapos nagset up pa siya ng fight. -reklamo ni joshua. Wala naman kaming magagawa kahit na magreklamo kami e. Kaya tinapos na namin lahat at saka nag handa na para sa mamaya.
**
Natapos ang deal fight as usual kami ang nanalo. At may mga pasa kami. Buti nalang at walang masyadong napuruan sa amin puro pasa lang at galos ang natamo. Pumunta na agad kami sa kwarto ni princess pero ganon pa din. Tulog pa din ito at parang walang balak gumising. Lumapit sakaniya si Kurt.

Hey baby princess. Wake up na. Miss kana namin. Miss ko nang ipagtanggol mo ko sa pangaasar nila joshua. Namimiss ko na yung tawa mo, yung ngiti mo. Miss na kita. Please baby wake up now!! -sabi nito na hawak ang kamay ni skylene. Napatulo ang luha niya. Kami rin miss na namin siya. Kahit pa na nandyan siya nakahilata iba pa rin ang masilayan ang pagkilos niya. Hinalikan ni Kurt sa noo si sky at saka matutulog na daw siya. Kaya naman humiga na sa kabilang kama na malapit lang kay princess. Anim ang kama dito single bed sempre. Pag di na kami nakakauwi dito na kami natutulog kaya naisipan namin na bumili ng kama namin tig-iisa. Kami rin nahiga na din. Para magkaroon kami ng lakas paggising ni Skylene.

Pumikit na lamang ako at saka nagdilim na at nakatulog na pala ako...

---

Just the way you areWhere stories live. Discover now