five

4 0 0
                                    

Skylene's POV.

Dahi .sa kakamadali ko ay nakalimutan ko ang salamin ko kaya heto ako ngayon pinagtitinginan ng mga estudyante. Shemss. Baka mapagkamalan akong si scarlette. Magagalit na naman yun. Ang tanga ko talaga, sa dami ng makakalimutan ay yung salamin ko pa. Pumasok na ako sa room at naabutan ko na yung tatlo roon at kasama nila yung apat na lalaki.

Kaya naman lumapit na ako at paupo na sana ng may magsalita sa kanila.

Oh scarlette naligaw ka ata?-sabi ni Karl at napasapo naman sa noo yung tatlo kung kaibigan.

Ang ganda mo pala ng malapitan scarlette!- komento naman ni zac at ngumiti ng wagas.

Maupo ka na nga skylene. Wag mo ng pansinin tong mga gago kong kaibigan- sabi ni Bryle. Oo alam ni bryle na kambal ko si scarl. Pero di niya yun pinaalam. Kaya naman nagkaroon ako ng dahilan para pagkatiwalaan siya.

ANO? IKAW SI SKYLENE? -sabay sabay na sabi nilang tatlo ni seiji.

Tss. Ang iingay niyo! -reklamo ni eli. Kaya naman natahimik na sila.

Naupo na nga ako sa tabi ni eli. At yung mga lalaki naman hindi makapaniwala. Tingin ng tingin sa akin. Naiirita ako.

Tss. Ibabalibag ko na kayong tatlo, pag di pa kayo tumigil, kakatitig sa akin!!- sabi ko sakanilang tatlo. Kaya naman agad silang lumingon lingon sa paligid.

Pst. Bat wala kang eyeglasses ngayon? Takang tanong ni kelsey.

Sa pagmamadali ko kasi. Nakalimutan ko. -paliwanag ko dito at tumango tango naman.

Oh ayos lang yan. Okay na ding yung ganyan, kesa tinatago mo yang ganda mo. PINAGKAKAMALAN KA TULOY NA PANGIT. -sabi ni jass. Naka emphasize talaga yung dulo ng sentence niya a. Na parang may pinaparinggan.

Sorry naman na. Bat kasi lagi siyang naka eye glasses, nagmumukha tuloy siyang nerd!!- sabi naman ni karl. Napailing nalamang ako dahil sa sinabi niya.

Pumasok na ang teacher namin at nagsimula ng magturo ng lessons. As usual di ako nakikinig. Lutang ako e. Baka kasi malaman ng mga estudyante na kambal ko si scarl, magalit na naman yun. Nag breaktime na pero di ako sumama sakanila. Ayuko lumabas . Kaya heto ako nakadukmo ,para hindi rin mapansin ng mga kaklase ko at mabuti nalang nasa likod kami. Sa harap namin yung mga boys.

Pumasok na sila kelsey at may dalang pagkain. Hay nako, gutumin talaga ito. Dumukmo nalang ulit at bigla nalang nakaramdam ako ng malamig na dumapo sa balat ko, kaya naman napakunot ako ng noo at tumgin sakanila.

Oh ayan kainin mo, baka nagugutom ka. Di naman namin alam kung ano gusto mo e-sabi ni bryle at inabot sakin ang softdrinks at sandwich, actually bumili lang sila ng mga pagkain nila at bumalik agad, ayaw daw kasi nilang mapag isa ako. Haha drama nila no.

Thanks.. ito bayad ko!!- sabi ko sa kanya at sabay abot ng 100pesos. Umiling- iling ito at nagsalita.

Wag na. Libre ko nalang. Sabi niya at saka kumain na siya. Kaya naman kumain na rin ako. Nagkwekwentuhan lang kami. Ng biglang nagvibrate cp ko. Kaya patago ko itong sinilip. Nagtext si Kenneth.

from: Kenneth

Princess be ready, mamaya na yung Big fight!
--
Kaya naman bumulong agad ako kay Elizabeth.

Eli pakisabi sa dalwa di na ako papasok mamaya a.- lumingon naman agad siya sa akin at bumuka ang bibig niya na 'bakit'.

Remember may big fight kami, at mamayang gabi na yun, kelangan ko mag handa!! -sabi ko sakaniya at tumango siya, siya na daw bahala na magsabi sa dalawa. Kaya naman pinagpatuloy namin ang pagkain.

Dumating na rin teacher namin naglesson lang ito. Di naman kami nakikinig e. Boring kasi. Sila jass at kelsey nagdadaldalan si eli naman nanunuod sa cp niya ng movie, ako nakatunganga lang. Lumipas ang mga ilang oras ay lunch break na kaya naman dali dali akong nag ayos nang mga gamit ko at saka nagpaalam na.

Dali dali din akong lumabas ng room at pumuntang parking lot, nakayuko lang ako, dahil baka makita nila mukha ko mahirap na. Nakarating rin ako ng walang nabangga na mga estudyante at dali daling pumunta ako sa condo unit ko para magpalit na ng damit. nang makarating ako ay binilisan ko ang pagkilos ko at saka pumunta na sa HQ para maihanda ko na ang mga gagamitin ko para mamaya.
-
-
-
Pumasok na kami sa UB para maumipisahan na ang laban. Bai tig sampo ang lalaban bawat grupo. Kasama ko sina Kenneth, Kurt, Joshua, Argel, Gabrielle, Marco, Carlo, Saimon, Jake.so sampo kami. Lumusob na ang mga kalaban namin. Ang sino mang makakatalo sa amin ay sila ang papalit sa top namin.

Nakakailag naman ako sa bawat paglusob ng mga kalaban namin at dahil sa naiinip na ako ay kinuha ko na yung katana ko at sinaksak sila kaya tumba agad sila. Sumunod naman ang iba biglang may naaninag akong may tao sa taas kaya naman dali dali ko itong pinaputukan at ayun. Bulleye. Natamaan siya, nagtaka naman ang mga tao pero nang makita nilang may bumagsak tao ay nalaman din nila ang sagot.

Kakaunti nalang ang ipapatumba namin. Nang biglang nagsilabasan ang mga iba pa. Shemss andadaya talaga nila. May mga galos na din kami. Nagkasugat na ako sa tagiliran, at may tama na din sila Argel. Kaya naman binilisan na namin ang pagtapos ng laban para di kami matalo, bigla nalang may sumaksak sa likuran ko kaya naman napalingon ako dito at sinaksak siya. Tinanggal ko yung kutsilyong nakabaon sa likod ko. Masakit, hirap na din ako makipaglaban pero pinipilit ko pa din hanggang sa mawalan na ako ng malay.
-
-
Gabrielle's POV

Kasalukuyan kaming nakikipaglaban ng biglang bumagsak si Skylene. Kaya naman tinapos na agad namin ang laban at kami ang nanalo. Agad ko naman siyang binuhat at pumunta na kami sa Main Head quarter namin kung saan nadoon lahat ng mga kasamahan namin sa gang.

Pumasok na kami at lahat naman sila ay nakatingin lang sa babaeng buhat ko. Agad ko namang pinatawag ang mga doctor para gamutin kami. At lalo na si sky. May sarili kaming doktor dito at kumpleto rin sa gamit. Nang magamot na nila kami ay dali dali akong sumilip sa kwarto kung saan ginagamot si Skylene, at hanggang ngayon ay hindi pa tapos na ginagamot. Kaya naman naupo nalang ako sa sofa kung saan malapit sa kwarto niya. Malawak ang HQ na ito. Dahil marami kaming narito.

Gab pinapatawag tayo ng emperor!! -sabi ni marco kaya naman pumunta na kami roon at naabutan namin siyang umiinom ng wine.

Bakit niyo po kami pinatawag?-paninimula ni kenneth.

Gusto ko lang sabihin sa inyo na maganda ang ipinakita niyo. At asan si Dark. Dahil may kasalanan siya sa akin!!- tss lagi namang may kasalanan siya sakanya e. Lagi niya nalang sinisisi kay sky ang mga kapalpakan niya.

Ginagamot pa po siya emperor-sagot naman sa kanya ni jake.

Tss. Ang tanga niya kasi, bat di niya tinitignan ang mga kinakalaban, at pakisabi sa kanya paggising niya pumunta siya sa mansion masusunod?-sabi nito at tumngo nalang kami at lumabas na . Ibang klaseng ama yan, wala ng puso alam niyang nag-aagaw buhay ang anak niya tapos pag gising papupuntahin niy sa bahay nila. Damn it.

Tss walang kwenta!!-rinig king sabi ni kenneth. Parepareho lang naman kami ng naiisip e. Bumalik nalang kami kung nasaan ang kwarto ni sky. At tulog lang siya ayos naman na daw siya sabi ng doktor. At nagpaalam na ito.
.
.
----

Just the way you areWhere stories live. Discover now