thirteen

12 0 0
                                    

Nandito na ako sa underground. Sakto lang naman ang dating ko. Nag umpisa na ang laban namin ni tasha. Magaling naman siya nakakailag din siya sa mga pinapakawalan kong suntok. Wala sila argel ngayon dito dahil kelangan nilang pumunta sa party kila zac dahil gustuhin man nilang pumunta ay magagalit sa kanila ang mga parents nila. Sabi ko sakanila okay lang ako.

Mamamatay kana ngayon dark-- sigaw ni tasha saka lumusob sa akin at Sumugod siya at pinagsusuntok ako. Nasipa niya ako sa tyan kaya naman napayuko ako. At nakakuha siya ng pagkakataon saka niya tinutok sa aking leeg ang hawak niyang patalim.

paalam kana dark! -sabi nito saka tumawa ng parang nagwagi. Demonyeta.

Wrong move, you're dead! -sabi nito. Feeling ko may sugat na kaya naman kinagat ko ang kamay niya napasigaw naman ito sa sakit at nahulog niya ang patalim na hawak niya. Kaya nakakuha ako ng pagkakataon para patulugin siya. Sinapak ko ito gamit ang kaliwang kamao ko. Kaya ayun knock out. Malakas kasi ang kaliwa ko kesa sa kanan. Natapos ang laban nang ako ang nanalo.

Umuwi na ako para makapag-ayos na muna at makapagpalit. Naka black ako ng dress. Mahaba siya. Backless siya saka sleveless. So ang hot ko na nito. Haha. Naglagay ako ng light lang na make up saka tinakpan ko yung sugat ko sa leeg mabuti nalang at maliit lang hindi mo mahahalata. Pumunta na akong party one hour akong late. Nakita ko naman sila Jassmine kaya lumapit na ako sa kanila.

Salamat naman at nakapunta ka. Akala namin hindi kana pupunta e!! -sabi karl sa akin.

Ano ba kayo nandito na siya. Oh sky para sayo inom ka!! -sabi ni eli sa akin. Itong babaeng talaga to. Kinuha ko naman ang wine glass saka ininom ko na ang laman nun.

Sky andito din sila Gab!- Jassmine.

Ah yeah. -sabi ko lang dito saka nag-usap usap na kami. Puro kalokohan lang naman saka asaran.

Kailan mo ba ako sasagutin babe? -sabi ni Seiji kay kelsey. Napailing nalang ako sakanila. Makatawag ng Babe hindi pa pala sila.

Tumigil tigil ka Seiji Kurt Lee a. Wala ka pangdalwang buwan nanliligaw!! -sabi ni kelsey sakanya. Ayun inasar tuloy ng mga lalaki si Seiji. Sira kasi e. Nagkwekwentuhan pa kami ng biglang may lumapit sa akin. Pagtingin ko sila Gab pala.

Hii prinsesa! -bati sa akin ni kurt at saka humalik sa pisngi ko. Ganun din ang ginawa ng apat.

Ahem.- pagfake cough ni kelsey kaya napalingon ako sakaniya. Tumingin ito sa akin at saka tumingin sa mga kasama ko. Gusto niyang ipakilala ko siya. Haha. Ang gaga nito nakilala niya na sila nung tulog pa ako.

Ah Gabrielle, Argel, Kurt, Joshua, Kenneth mga kaibigan ko sila Jassmine, Kelsey, Elizabeth, Bryle, Zac, Seiji, at si Karl. -pakilala ko sakanilang lahat. Nakipagshakehands naman sila.

Masyado ka atang natagalan sa laban mo? -bulong sa akin ni Argel. Napatango naman ako. Kasi totoo naman.

Lumakas siya e. Muntik na nga ako mapugutan ng ulo. -natatawang sabi ko sakanila.

Princess next time be careful okay?!- sabi sa akin ni Kenneth tumango naman ako. Nagpaalam mo na sila dahil baka hinahanap na sila ng mga magulang nila. Sila kasi ang magmamana ng mga kompanya ng mga magulang nila.

Kilala mo pala sila Gab. -sabi ni Zac.

Ah oo. Kababata ko sila. -sabi ko sakaniya.

Sobrang close niyo a. -Karl. Napangiti ako sakaniya.

Super. -sabi ko sakanila at nangingiti. Dahil napakaswerte ko na nagkaroon ako ng limang lalaki na laging nandyan para sa akin.

Si Argel ba nanliligaw sayo? -seryosong tanong ni bryle. Natawa naman ako sa sinabi niya. Pero yung mga kasama ko sa table ay hinihintay ang sagot ko. Kaya umayos ako.

Ano ka ba naman Bryle. Si Argel may gf yan, tas parang bunsong kapatid niya na ako. Ano iniisip isip mo jan!- sabi ko dito saka uminom ulit.

Oh boss may pag-asa ka pa pala! -komento ni Zac. Kaya tinignan ko ito. Pero di ko na pinansin ang mga pinag-uusapan nila. Bigla nalang namatay ang mga ilaw at saka sa isang iglap ay nagwawala na ang mga tao. Sumindi na ang ilaw saka medyo kumalma ang lahat. Bulong bulungan ang naririnig mo, wala na kasi yung kanta.

Fvck bat namatay ang ilaw. -zac na naiinis.

Baka naman nagkataon lang -sabi ni eli. At saka pinapakalma yung partner niya. Biglang lumapit si Argel sa akin.

Princess sila Calvin dinukot nila. Tara na! -sabi nito kaya napatayo ako ng wala sa oras.

Fck paano nangyari? Shit. Malalagot sila sa akin! -sabi ko dito at saka akmang aalis na ng may humawak sa braso ko.

Sky saan ka pupunta? -jassmine.

Emergency. I need to go. -sabi ko saka tumakbo na papuntang parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ko. Umalis na ako.
.
.
Nandito na kami nila Ken sa HQ namin para kumuha ng mga gamit. At makapagpalit.

Sino ang mga dumukot sakanila?- tanong ko kay ken. Siya lang naman ang magaling sa pagkuha ng infos.

Ang may pakana ang matalik na kaaway ng emperor. Si Syndrome.- sabi nito at saka pinagpatuloy ang paghahanda niya.

Mauna na ako. Malalagot sila sa akin!- nanggagaliiti kong sabi. At dali daling lumabas saka sumakay na sa sasakyan ko. Sinabi na rin sa akin ni Gab ang lokasyon kung nasaan nila dinala ang mga kapatid ko.

Nang makarating ako ay agad agad akong bumaba at papasok na sana ng magvibrate ang phone ko. Shemms nakalimutan kong iwan sa kotse ko ito. Kaya tinignan ko kung sino tumatawag.

Gabrielle's calling~~ kaya lumayo na muna ako at nagtago sa puno na medyo malayo sa abandonadong mansyon kung nasaan ang mga kapatid ko.

Oh gab what happen?! Inis na sagot ko dito.

Be careful maraming gang ang nariyan. Sabi nito saka may bigla akong narinig na putukan.

Hey anong nangyayari jan? Tanong ko. Parang may nangyayari na hindi ko alam.

Hinarangan kami princess. Be careful. Wag ka muna sumugod. Wait for us!- sabi nito at may pumutok na naman na baril. Siguro nakikipaglaban ito.

But i can't waii-- hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng may biglang humampas sa likuran ko at saka nawalan na ako ng malay.
-
-

Gabrilelle.

Katawagan ko si skylene ng biglang naputol ang sasabihin niya kaya nag -alala na ako.

Hey skylene what happen? Pero walang sumagot. FUCK PRINCESS, I SAID WAIT FOR US!- napasigaw na ako dahil sa inis. Paano ba naman napakasaway sabing wag lulusob muna e. Dahil sa sigaw ko ay napalingon sila kurt sa gawi ko.

Haha. Baka patay na ang prinsesa niyo!- sabi ni zuke na kalaban ni argel. Kaya ayun biglang binaril ni argel.

Damn you. Ikaw ang patay! -sabi ni argel atsaka pinagpatuloy na ang laban. Ganun rin ang ginawa namin. Nang matapos na kami ay agad kaming pumunta sa lokasyon kung nasan sila sky ngayon...

Just the way you areTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon