twenty

9 1 0
                                    

Skylene.

Kakatapos lang nang graduation namin. So celebration na. Kasama nila eli at sila karl ang mga magulang nila. Bukas nalang daw kami magcelebrate na kaming magkakaibigan. At nalaman ko rin na, tumigil na sa panliligaw si seiji kay kelsey, dahil na rin sa mahal pa daw ni seiji yung ex niyang demonyeta. Naiinis din ako kay seiji, pero wala naman na kaming magagawa nagdesisyon na silang dalwa e. Kaya heto medyo may ilangan ang tropa.

Nandito na kami ngayon nila gab sa bar kasama namin sila samantha, sinama ng mga ito e. Uminom lang kami ng kaunti. Wala naman din akong ganang makipag-usap. Nakakawalang gana. Ako lang naman ang walang magulang na umakyat sa stage. Hindi na sana ako aakyat pero hinila na nila ako nila Argel. Oo silang lima ang umakyat. Para nga silang tanga, pinag-agawan ba yung medal ko, gusto nilang silang lima magsabit sa akin. Mabuti nalang at nariyan sila. Paano na kaya ang buhay ko, kapag wala sila.

Tahimik ka princess. Bungad sa akin ni ken. Napatingin naman ako sakanya.

Hmp wala lang. Nga pala salamat kanina. -sabi ko sakanila. At saka uminom na.

No prob princess. - sabi ni argel. Napangiti nalang ako sakanila.

Alis na ako guys. Ingat kayo sa pag-uwi. InaanTok na kasi ako. Bye!!- paalam ko sakanila. Nagtaka naman sila. Pero gusto ko na munang mapag-isa. At malapit na din aalis yang limang yan. Remember mag oout of town silang magjowa itong vacation.

Pauwi na ako sa bahay ko. Oo bahay ko. The day na nagbar sila eli kasama sila bryle ay inayos ko ang mga papeles lahat lahat para sa bahay na pinagawa ko. Simple lang siya may second floor. May limang guest room at yung kwarto ko. May garden din naman ito. At sa likod ng bahay ko ay may training room doon. Saka tahimik doon malayo sa gulo. Private Subdivision sempre, kaya nga tahimik diba. Haha

Nakarating na ako, agad ko namang ipinark ang kotse ko, saka pumasok na at umakyat na ng kwarto ko. Ako lang naman mag-isa rito. Pumunta akong banyo para makapag shower. Ayukong matulog na amoy alak. Haha. Depende nalang kapag nakatulog ako. Pero dahil di naman ako lasing gaano ay maliligo muna ako. Pagkatapos ko ay sempre nagbihis muna ako saka umupo muna sa veranda ng ko, habang pinapatuyo ang buhok ko. Hindi ko alam kung bakit ganto ang nararamdaman ko masiyado na ata akong nerbyosa. Kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit, parang may hindi maganda ang mangyayari. Hayss
.
.
.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Naalala ko nakatulog pala ako sa veranda.

Argghh  Ansakit ng leeg ko. Fuckkk!!- sigaw ko. Haha. Parang baliw ba? Ayos lang wala namang makakarinig sa akin e. Pumunta na ako sa loob at naligo na. Pagkatapos ay bumaba na, at may nagdodoorbell. Umagang umaga sino na namang yang bwesit na taong yan na halos sirain na ang doorbell ko.

Lumabas ako at binuksan ang gate. Guest who. Sila lang naman nila jass at sila bryle. Ang aga ng mga to.

Damn sky. Kanina pa kaming nandito. Ipatanggal mo na nga yang doorbell mo kung ganyan lang din!!- inis na sabi ni jassmine. Ang init ng ulo nito a.

Sorry na. Aga aga ang init ng ulo mo!!- sabi ko dito at inakbayan. Pinapasok ko na din sila. Alangan dun na kami mag-usap. Inip na nga itong babaeng to. Hindi ko pa ba sila papapasukin.

So ano na . Bat ang aga niyo nandito na kayo?-tanong ko sakanila.,

Sinusundo ka. Duuhh. Halika na sa bar na pinareserve namin!- siglang sabi ni karl. Tss. Ang aga aga naman bar agad.

Masiyadong maaga pa. Sabi ko sakanila.

Kaya nga yun ang sabi namin sakanila. Pero mas maganda daw ang maaga. Para daw mas enjoy. At saka may mga banda daw roon. -tuloy tuloy na sabi ni jassmine. Napatango naman ako.

Okay sige. Wait for me. Kuha nalang kayo ng gusto niyong kainin sa kusina. Magbihis lang ako. Paalam ko sakanila at dumiritso na sa kwarto ko. Nagbihis na ako. Nakaripped jeans at plain tshirt lang ako na kulay gray. Nagmake up lang ako ng light. Saka bumaba na. Naabutan ko namang nakaupo lang sila.

Tara!!- at saba sabay kaming lumabas. Nakavan sila, pero di ako sumabay sakanila. Nakakotse ako. Kasama ko si bryle. Ewan ko ba dito bat sa akin pa sumabay.

Kamusta celebration ? Masayang tanong ni bryle. Lumingon ako sakanya saglit at saka binalik ang tingin ko sa harap.

Hm ayos lang. Tipid kong sabi.  Ikaw kamusta celebration niyo? Dagdag ko at tumingin sakanya. Nakatingin lang siya sa akin.

Ayos naman. Masaya naman. Sabi nito pero parang malungkot siya.

Magkwento ka tungkol kagabi. Habang pabyahe tayo. Malayo pa naman e. Sabi ko . Wala lang gusto ko lang siyang magkwento. Saka mukhang traffic ngayon. Bakasyon na kasii.

Ahm. Nagcelebrate kami ng graduation ko sa restaurant ni ate katie,ofcourse i'm with my dad, mom, my two sisters. Habang kumakain kami biglang nagsalita si dad. Sabi nito sa akin. Dahil sa tapos na ako sa highschool baka it's the right time na makilala ko ang fiance ko..tumigil ito kasabay ng pagpreno ko. Muntik na nga akong mauntog sa manobela ko e. Deym may fiance na siya gosh..

S-sino? Sabi ko rito. Masasapak ko talaga yang fiance niya. Aagawan pa ako. Nakita kong naging mas seryoso ang mukha nito at nakatingin lang sa mga mata ko. Ganun din ako.

S-si Scarlette. I'm sorry skylene. Hindi ko alam na fiance ko siya. That time dumating sila. At nakisabay sa amin at pinag-usapan na nila ang mga plano nila. I'm really sorry. Pero ikaw ang mahal ko. Naiinis nga ako sakanila. Bakit kelangan pa nilang gawin to sa akin!!- sabi nito at tumulo ang mga luha niya. Si scarlette ang fiance niya. Bakit siya pa?. Pinigilan kong huwag umiyak sa harap niya. Kaya ngumiti ako sa kanya at pinahid ang mga luha nitong tumulo.

Shh.it's ok. I understand. Congrats!- sabi ko sakanya at ngumiti pero hindi abot sa mga mata ko. Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya dahil baka tumulo ang mga luha ko. Pinaandar ko na ang makina. At nagfocus sa pagdadrive.

Sana ikaw nalang siya!!- seryosong sabi nito sa akin at alam kong nakatingin siya sa akin.

Don't worry. Mahal ka ni scarlette. Siya nalang mahalin mo, magiging asawa mo naman na siya soon e!- sabi ko sakanya at ngumiti ng pagkatamis tamis pero may kasamang kirot.

Tss. I don't love her. Matigas na sabi nito. Natahimik nalang ako. Masakit pala, na malalaman mong wala talaga kayong pag-asa sa isa't- isa. Siguro nga diko deserve na mahalin ako. Palagi nalang akong may kaagaw. Pero wala akong balak na agawin si bryle kay scar. I'm happy for them even i'm gonna die inside.

Nakarating kami. Nauna pala sila seiji dito. Bumaba na agad ako. Ayuko munang kausapin si bryle. Ansakit lang. Ang hirap lang. Naupo na ako, katabi ko si jass at eli. Nagtaka naman sila. Pero wala na akong paki. Pagkalagay na pagkalagay palang ng beer sa table namin ay kumuha na agad ako saka itinungga ito.

Nakakailan na ako, pero wala naman akong paki, ansakit lang talaga gusto kong magsisigaw pero hindi pwede. Naiinis ako, bakit palaging ako nalang ang nahihirapan. Sinasadya ba nila. Kasi kung gusto nilang mahirapan ako. Nahihirapan na ako sobra..

Just the way you areWhere stories live. Discover now