four

5 0 0
                                    

Kelsey's PoV

Nandito na kaming tatlo sa campus at hinihintay namin si skylene dahil kasama namin siyang mag-aayos ng mga contestant. Asan na ba yun?!

Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko!!-sambit ni elizabeth. Nag-aalala na tuloy ako.

Hindi rin siya sumasagot sa mga text ko!!- jassmine.

Nako paano na yan?! Marami tayong aayusan at hindi natin kaya yun!!-sabi ko sakanila. Biglang tumunog ang cellphone ni Eli. Kaya napatingin kami.

Si skylene. !!!-tuwang sabi niya at sinagot niya na ito. Nang matapos at saka siya tumingin sa amin.

Oh ano sabi?- jassmine. Di din makapaghintay e.

Nagkaroon lang ng emergency sa UB kaya daw malalate siya. Pero papunta na siya ngayon dito . At saka mauna na daw tayo!! Lets go!- aya ni eli sa amin. Kaya pumunta na kami. Maaga pa naman. Pero kelangan daw matapos na silang maayusan. Para di na daw apurahan. Mga babae muna ang inuna namin. At bigla kaming nagkatinginan ng tatlo nila eli dahil pati siya kasama. Ohmygosh!!.

Call her !!-natatarantang sabi ni jassmine kaya ito kami natataranta na din. Tatawagan ko na sana si Skylene nang bigla siyang dumating.

Im sorry im late. Sabi nito at napatingin sa mga kandidata. Laking gulat nito dahil nakita niya si Scarlette. Bakit hindi niyo sinabi sa akin na narito siya?!-sabi niya na namumula na, dahil siguro din sa kaba at baka magkaroon ng gulo dito.

Sky tatawagan kana nga namin e ayun nga bigla ka ng dumating hindi natuloy!!-paliwanag ni jassmine. Huminga na muna ito ng malalim at saka ngumiti.

Sige. Okay lang. Halina kayo, nang matapos na agad!-sabi nito sa amin. Napansin ko ring may sugat sa braso si skylene. Maya ko nalang tanungin. Nag-umpisa nalang para naman makanuod kami ng show. Hindi ko mapigiling mapatingin kay sky na hanggang ngayon ay namumula pa din. Pag minsan napapalingon siya sa akin ay ngumingiti ito, kaya naman napipilitan akong ngumiti, alam niya din na nag-aalala ako sakaniya. Pero dinadaan niya nalamang ito sa pag ngiti.

Last na contestant sa babae si Scarlette kaya siya ang ihuhuli namin ayusan. Walo silang babae ganun din sa lalaki . Ng matapos na kami sa isa ay sumunod naman kay no.5-6-7-8. So hanggang kay Scarlette na. Nakita kong kinakabahan si sky kaya lumapit ako sa kanya.

Sky ako nalang kay Scarlette. -sabi ko dito. Sasagot na sana siya ng biglang pumasok ang mga pinsan nito ang mga kaibigan ni Scarlette.

Hi sky. So ikaw na magmake-up kay scarlette a. Dito lang kami. Ayos lang ba?-pasabi sa kanya ni sarah. Tumango at ngumiti naman si sky. Kaya wala na akong nagawa. Sila na nagsuggest e. Pati rin yung dalwa napapatingin kay skylene.

Naging maayos rin ang pag-ayos namin sa mga kandidata hanggang sa mga boys. Pero pagkatapos mag-ayos ni sky. Ay tumakbo agad ito. Kaya naman dali dali naming inayos yung mga gamit namin at sinundan agad si sky. Buti nalang at nakita naming papunta siyang garden.

Naabutan namin siyang umiiyak siya. Pangalawang pagkakataon ko ulit makita siyang umiyak ng ganyan, na pati ikaw ay mararamdaman yung sakit na dinadala niya.

Skylene what happened?-paninimula ni eli. Yumakap naman ito kay eli at hindi pa din tumitigil sa pag-iyak.

Sh-she really *sob* hates me!! She *sob* want me to *sob* die!!- sabi nito at humagulgol naman. Grabe talaga yung kapatid niya. Hindi man lang niya naisip na madami ng naisakripisyo sa kanya ni sky.

Shh. Tahan na sky!! Andito lang kami para sayo!-sabi ko sakanya at niyakap din siya.

Tandaan mo to skylene, wala kang ginawang mali para itrato kanya ng ganyan. Soon she will realize all your sacrifice to her. Stop crying!!-sabi sakanya ni Jassmine at hinagod niya ang likod nito.

Kumalma na rin si skylene. Pero tahimik lang siya. Hinahayaan mo na namin siyang mapag-isip. Baka kailangan niya ng katahimikan.

Thank you for being always there to me. Sige na manuod nalang kayo doon. Gusto ko munang mapag-isa. At saka yung mga crush niyo rarampa na!-biro nito sa amin. Kaloka talaga to.

Sige na nga sky. Baka pinagnanasahan na nila yung asawa kong si Jacob my lovessss--sabi ni jassmine natawa naman kami. Nagpaalam na din kami sakanya at umalis na.

Habang naglalakad ay hindi namin maiwasan na mag-alala kay sky.

She will be okay guys! She's very strong woman that i met!! She can do this!-sabi ni eli at ngumiti ito sa amin. Tama siya. Kaya naman ngumiti na rin at imbis na mag-isip kami ng negaibo ay positibo nalang ang inisip namin. Dahil alam naming makakayanan at malalagpasan niya rin to.!!

Girls where are you going??-sabi ni Zac sa amin. Ngumiti naman si jassmine at siya ng sumagot.

Manunuod kami ng mga modelo. Kyaah. Andun kasi si myloves ko!!!- sabi niya at kinikilig pa. Napailing nalamang si Eli dahil sa inakto ni jass. Ako naman ay natatawa. Ang gaga talaga nito.

Sino naman aber ang myloves mo?-sabi ni Karl. Hm smell something fishy.

Selos na si boy!- rinig kung sabi ni seiji. Natawa naman sila bryle. Tinignan sila ni karl ng masama. Tumawa lang ang mga gago nyang kaibigan.

Si jacob myloves. Hayss!! Tinamaan na ako sakaniya! Halina kayo girls!!-sabi ni Jassmine. Kaya aalis na sana kami ng pigilan kami ng mga kumag na to.

Hm. Kulang kayo a. Asan si sky? -nagtatakang tanong ni seiji.

Asa garden siya. Halina kayo at baka di pa natin mapaumpisa!!- sabi ni eli at naglakad na kami. Pero nagpaalam si bryle na puntahan niya lang daw si sky!.

Hindi namin alam kung ano pinakain ng pangit niyong kaibigan sa kaibigan naming si bryle. At patay na patay sa kanya si bryle!!-sabi ni karl. Kaya ayun nakatikim siya ng malutong na palo sa ulo. Aray ko naman jassmine ansakit nun a!!-reklamo niya.

Gago ka kasi. Eh hindi panget si skylene. At saka kayo ang judgemental niyo sakaniya. Tss!!- sabi ni jass at naglakad na muli.

Problema nun?-sabi sa akin ni karl..

Ewan ko sayo. Basta wag na wag mong jinajudge si sky, lalo nat hindi mo pa kilala kung sino talaga siya. Pero sa tingin ko, kilalang kilala siya ni Bryle. -paliwanag ko sakanya. Tumango nalamang ito. Kaya naman di na ako umimik.

Nakarating na kami at todo bantay si Karl kay jassmine pero itong gaga naming kaibigan ay ayun puro palo at kurot niya kay Karl dahil sa kilig niya kay jacob daw niya. At si karl naman halos mapatay niya na sa tingin si jacob.
-
-
-
Natapos ang event ng successful at umuwi na din agad kami at saka nakauwi na rin si sky kaya naman nauna na din kamii.
...

Just the way you areTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon