Challenge # 05

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko inakala na papuputukan ni Tatay ng baril si Oliver pero mabuti na nga rin iyon para hindi na ako puntahan ni Oliver Consunji. Habang naglalakad ako palabas ng bahay ay nakita kong nakatayo si Red sa may gate nila. Hindi ko siya papansinin pero hinawakan niya ang braso ko.

Agad akong lumayo.


"What do you want?"

"You said we will be free in Seattle. Come with me, instead." Para bang nag-uutos siya. Nakuyom ko ang mga palad ko.

"Magpinsan nga kayo ni Oliver no? Parehas kayong fuck boy. Alam mo, Red, mahal kita pero ayoko na kasi masyado akong maganda para itago. I need a guy na ipagsisigawang mahal ako at hindi iyong nagtatago sa likod ng saya nang kung sino. Isa pa, hindi ka man lang ba kinikilabutan, Red? Kaibigan ko si Tamar at nagiguilty ako sa nangyayari sa ating tatlo tapos ikaw, wala ka bang kaluluwa."

"Roca, please... kung makakapaghintay ka lang naman..." Mababa ang tinig na wika niya.

"Matagal na akong naghihintay." Binilisan ko ang lakad ko. Nakasunod pa rin siya sa akin.

"Roca, please, just wait for the right moment."

"Red, nasa village tayo, maraming makakakita sa atin. Masisira ka kay Uncle KD kapag nakita niya tayong ganito."

At para bang magic na nakita kong palapit ang green na Chevrolet Trax ni Oliver Consunji. Kumabog nang mabilis ang dibdib ko. Eksakto lang talaga ang paghinto niya sa tapat namin ni Red at hindi na ako nagdalawang isip dahil sumakay ako sa kanya and then we drove away. Hindi ko na nga nilingon si Red pero nakita ko siyang nakatayo kung saan ko siya iniwan nang mahagip ko ang side mirror ni Oliver.

I looked at him. Palabas na kami ng village namin.

"Did you ask your father to scare me away?"

"At talagang hindi ka pa umuwi." Sabi ko na nakalabi ako.

"Hindi naman talaga aalis nang hindi kita nakakausap. Ayokong matapos ang umagang ito ang hindi ko naipapaliwanag ang sarili ko. I'm sorry if I scared you last night. Gustong-gusto ko lang talagang mahalikan ka ulit. Iyong sa Papa mo, hindi ko alam kung bakit siya galit sa apelyido ko. Maybe one of my uncles or aunts did something to him pero labas ako roon at itutuloy ko itong ginagawa ko."

"Ano bang ginagawa mo?"

"Ito. Hindi naman ito panliligaw, hindi kasi ako marunong noon pero gagawin ko ito hanggang sa maikama ulit kita." Nanlaki ang mga mata ko.

"Ang gago mo ha,"

"I'm just being honest here. Hindi kita mahal – hindi ko sasabihin iyon to get to your pants pero gusto kita at alam kong gusto mo si Red." Namula ang buong mukha ko. "Obvious naman habang nakikipaghabulan ka kay Red. HE has a girlfriend."

"I am one of his girlfriends."

Natawa si Oliver. Nahampas niya ang manibela ng kotse niya.

"Tang ina! Fuck boy din pala si Red! Palagi pa naman sinasabi ni Mama na dapat tularan si Red because he knows his priorities – unlike me."

Yes, Red knows his priorities at hindi ako kasali roon.

"Oo, fuck boy din siya – magkalahi nga kayo." Pang-iinis ko. Natigil ako nang mapansin kong palabas na kami ng Metro.

"Hoy! Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Sa farm ko. Papunta naman talaga ako doon. Nadaanan lang kita. Wala ka namang clinic ngayon diba? Mag-date muna tayo – iyong tayong dalawa lang at walang Ave Maria na pangharang. At wala ka ring makikitang pangharang doon dahil lahat ng tao roon nasa akin ang loyalty.

Once moreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon