Chapter 21: His Twin and a Commotions

Mulai dari awal
                                    

Napatitig ako ng sandali kay Tan.

Gwapo siya at hindi ko iyon ipinagkakaila. Matangos ang ilong at maputi rin. Matalino rin siya at higit sa lahat na nagustuhan ko sa kanya bilang classmate ay dahil napakasimple niya. Isa kasi siyang scholar rito sa Southville High at iyon ang pagkakaalam ko. Hindi ko na tinanong pa sa kanya dahil baka iisipin niyang interesado talaga ako sa buhay niya. Tsk. 

Bigla na lang akong napaiwas ng tingin nang tumingin ito sa akin.

"Aha nahuli ko yun Selene! Hahaha! Tinititigan mo pala ako ah? Sabi ko na eh may gusto ka talaga sa ak–

"Babye."

Bago ko pa siya pinatapos ay iniwan ko ito at tumakbo papunta kay Gyeong nang nahagip ko ito sa hallway. Pumayat siya ah. Mas gumanda ang katawan niya. Nainsecure tuloy ako, tsk. Nga naman hindi ako pinagpala ng balingkinitang katawan. Pero hindi naman ako payat at hindi rin mataba.

"Gyeong!" singhal ko rito at agad na niyakap.

"Selene!" sigaw rin nito at niyakap ako.

Ilang segundo rin kaming nagyakapan bago bumitiw.

"Alam mo mas lalo kang pumuti Selene. Aish! Nakakainis naman, hehe." wika nito habang tumatawa.

Tumawa na lamang ako at niyaya siyang pumasok na sa loob. 

Marami-rami na rin kami sa loob ng room. Napansin kong hindi na maingay at masyadong lumalapit sa mga lalaki si Shin at si Louie ay wala pa ring kibo at pakialam sa mundo. Nahagip ng aking tingin si Duri na kakapasok lang sa room at tila ba may hinahanap ang tingin nito. Hindi ka–

"I see you then cute girl." sigaw ni Duri na dahilan ng paglingon ng mga classmates namin. Sabi ko na nga ba at ako ang hinahanap ng annoying na'to. Tsk.

Hindi ko na lang siya pinansin at lumingon kay Gyeong. 

"Haha. Ikaw ah pakipot pa." hirit nito bago tuluyang umupo sa tabi ko. Wow ah? Ako pa naging pakipot rito?

"Tsk."

Hindi ko talaga alam kung bakit biglang naging ganito si Duri, eh ibang-iba talaga siya noon nang una namin siyang nakilala. Really he is good in changing moods. 

Bigla akong napahinto sa pag-iisip nang nahagip ng aking mata ang isang lalaking parang may dala minsan na pasakit sa buhay. Wala itong emosyon at parang walang gana sa ngayon.

"Min."

Napalingon ako kay Gyeong na kasalukuyang kumakaway kay Min.

Bumalik muli ang tingin ko kay Min at nginitian lang nito ang babae. Sinundan ko siya ng tingin at bago pa man ito umupo sa gilid ko ay naramdaman kong sumagi ang tingin nito sa akin.

3 seconds of staring at me. Ano bang problema nito? He is getting me into nerves. 

Maya-maya'y dumating na rin si Mrs. Willmae, ang masungit naming guro na sobra pa sa geek kung makasuot ng eye glasses dahil sa sobrang laki.  

"Good morning students and welcome back from semestral break. So for today may bago kayong classmate kung saan nahuli lang talaga siyang pumasok due to some personal reasons and problems. Matthew, dali pumasok ka."

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko sa sinabi ni Ma'am at sa taong kakapasok lang din. Narinig ko ang bulung-bulungan ng aking mga classmates at napapatingin kay Min. Parang nag-iba ang mood ng lahat. Eto na ba yung sinasabi ni Min sa akin? So, it was his long lost brother. 

MOMENTUM (Book I of Momentum Series)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang