Chapter 25: Kris Johnson

1.1K 27 3
                                    

***

Chapter 25: Kris Johnson

"I am good, but not an angel. I do sin, but I am not the devil. I am just a small girl in a big world trying to find someone to love."

                   – Marilyn Monroe  



"Kumusta na si Louie?" bungad ko kay Tan na nasa labas ng pinto nitong room na kung saan naconfined si Louie.

Habang katabi ko sina Min, Duri, at Gyeong.

"Nawalan siya ng malay dahil sa usok. Meron pala siyang asthma at buti na lang naagapan kaagad kaya nabigyan siya ng oxygen."

"Nandiyan ba sa loob sina Sir Lee?" singit ni Gyeong.

"Yeah, nasa loob sila. Gusto niyo bang pumasok?"

"Dito na la–

"Papasok kami." singit ko kay Min.

Binuksan na ni Tan ang pinto at agad na bumungad sa amin sina Sir Lee, Shin at Matthew na nakaupo. Umikot kaagad ang tingin ko kay Louie na kakagising lang pero may oxygen pa rin sa tabi nito.

"Kambal." sigaw ni Matthew at lumapit kay Min sabay akbay nito pero ding inalis ni Min.

Bigla namang tumayo si Sir Lee at tinignan kami isa-isa.

"I need an explanation." sambit nito at dumaan sa aming harap papunta sa labas.

Tumingin ako kay Min na tumalikod na.

"Ako na lang." wika pa nito at sumunod na rin kay Sir Lee.

Agad akong lumapit kay Louie.

"Kumusta na?" bungad ko rito.

Ngumiti ito ng tipid.

"O-Okay lang ako Selene. Ikaw? Ayos ka lang ba?" nag-aalala nitong wika.

"Wag mo na akong isipin Louie. I can handle myself." walang emosyon kong sambit rito.

Tumingin ito sa kabilang direksiyon, kina Duri na nasa upuan rin.

"I know kaya nga gusto kita eh." mahina nitong usad.

The heck? Ano ba ang sinasabi niya? Tinapik ko siya sa balikat kaya napasigaw ito.

"Ano ba yang sinasabi mo?" inis kong turan rito.

"Wala. Sabi ko magaling na ako dahil sa'yo."

Napalakas ata ang sinabi niya kaya napalingon ang lahat sa kanya. The heck? Ano bang pinagsasabi nito?

Naramdaman kong namula ang aking pisngi nang ngumiti ng malapad ang kambal ni Min.

"Ikaw Louie ah. May mga nagseselos rito oh." kantiyaw ng lalaki sabay turo kina Tan at Duri.

The fudge! Isa pa ito! 

Lumayo ako ng kaunti kay Louie at mabilis na kinuha ang unan sa gilid ni Louie at itinapon kay Baek pero mabilis niya itong nasalo.

"Oh! Oh! Oh! You can't capture the Matthew so easily Selene Charity!" mapang-asar nitong wika.

Nahagip naman ng tingin ko na tumayo si Tan.

"Akala ko pa naman ay ako lang ang may gusto kay Selene." naiinis nitong usad.

MOMENTUM (Book I of Momentum Series)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum