Chapter 31: Knowing Tan and A Bit Of Dance

1K 25 4
                                    

***

Chapter 31: Knowing Tan and A Bit Of Dance

"The worst thing about being lied to is knowing you weren't worth the truth."

                – Unknown 



"Parang may papasok rito."

Kasabay ng sinabi nitong si Kristan ay ang pagbukas rin ng pinto. Ipinikit ko ang aking mata dahil nakakasilaw sa mata ang ilaw sa may labas na hindi malayo sa kinauupuan namin.

Naramdaman kong hinawakan ng lalaki ang aking kamay na ikinapula ng aking pisngi. Ipinunta ako nito sa likod niya kaya nama'y nasa harapan na siya at ako sa likod nito.

Pinagmasdan ko ang dalawang tao na pumasok. Tanging labi lang nila ang nakikita ko.

"Madilim ba rito? Ayos lang yan, dalawa naman kayo eh." bungad ng isang manipis na boses na sa tingin ko ay kilala ko. Wait!

"Anong kailangan niyo sa amin?" mariing sambit ni Kristan.

Biglang humalakhak ang dalawang taong ito.

"Hindi ba halata?" mapang-asar na wika ng isang malaking boses naman.

"Ako lang naman ang kailangan niyo, hindi ba? Bakit isinali niyo pa si Selene?" maawtoridad na wika ni Kristan.

Biglang natahimik sa kakatawa ang dalawa.

"Why you became silent? Baka naman natatakot kayong ibunyag namin kayo because you two are our classmate." singit ko.

Naramdaman kong napasinghot si Kristan at inilapit nito ang labi sa aking tenga.

"You always have the right gut, isn't it? You're really awesome." bulong nito. Pinupuri niya ba ako?

"Dahil alam namin na siya ang kahinaan mo, Kris." sambit ng may manipis na boses.

I raise my brow. Anong ibig sabihin nito? Hindi kaya, isa sa kanila si Kristan? I mean, one of Louie, Duri or Tan.

Wait– Tan. Kristan. Tan.

Pinagmasdan ko ang Kristan na ito na unti-unti kong nasisilayan pati ang labi at pisngi nito. It's Tan! Really it's Tan!

"Ibig sabihin nga classmate talaga namin kayo." wika ko habang nakatingin pa rin kay Tan.

"Hahaha. Tama nga! Isa ka talagang detective Selene." sambit ng may malaking boses.

Lalapit sana si Tan sa dalawang taong ito nang may biglang pinalo ang isa sa kanila sa tiyan ni Tan sa ikalawang beses na dahilan upang matumba ito sa sahig.

"Hey, you cruel!" sigaw ko at hinawakan si Tan sa balikat.

"Tan!" puna ko.

Bigla itong napahawak ng mahigpit sa aking kamay.

"A-Alam ko namang madali lang para sa'yo na malaman ang pagkatao ko. I-I'm sorry na nasali k-ka S-Selene." utal-utal na wika ni Tan.

Hinawakan ko siya sa pisngi.

"Sshh. It's okay Tan." usad ko at lumapit sa dalawang tao.

"S-Selene huwag kang l-lumapit." nanghihinang sambit ni Tan pero hindi ko siya pinansin.

"Anong gagawin mo?" inis na sambit ng may manipis na boses.

MOMENTUM (Book I of Momentum Series)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن