Chapter 13: Quarantine 2

1.2K 37 4
                                    

***

Chapter 13: Quarantine 2

"Kanina pa tayo umiikot ah?! Saan ba talaga ang storage room dito Hans?" pagmamaktol ni Yuan. 

Well, hindi ko siya masisisi dahil halos 10 minutes na kaming nag-iikot pero wala pa ring pinagbago, hindi pa rin namin natatanaw kung saang lupalop nitong terminal 3 ang storage room. 

"Hindi ka ba marunong maghintay? Si Ate Selene nga walang reklamo ikaw pa kaya?"

Napatawa naman ako sa sagot ng bata kay Yuan. 

"Anong tinawa-tawa mo diyan?" napadako ang tingin ko kay Yuan. Tinuro ko ang sarili.

"Oo ikaw nga. Bakit ka tumatawa?" puna nito.

"Sungit mo naman. Ano ba sa tingin mo kung bakit ako tumatawa, huh?" sagot ko.

Tiningnan naman ako ng masama ng lalaki at hindi na muli pang nagsalita. Tsk. Ang sungit talaga.

Nagpatuloy kami sa pagtakbo hanggang sa biglang huminto si Hans sa tapat ng isang pinto na kulay indigo. 

"Wait, eto na yun." wika nito.

Halos di ko na namalayang naabot na pala namin ang basement ng terminal 3. 

"Eto na yun? Wala namang nakalagay na storage room ah?" wika ni Yuan.

Hindi talaga siya mahilig sa sarkastikong pananalita huh. 

Napaisip ako saglit. Tatlo lang naman ang maaaring sangkot at kahina-hinala sa nangyayari eh. The Stewardess, yung Businessman at ang Captain ng eroplano. 

Paano ko masasabi kung sino sa kanila ang nagdala ng virus? 

"Ako na ang magbubukas."

Nawala agad ang focus ko sa pag-iisip at napalingon sa aking kapatid. 

Tumango na lamang ako bilang tugon sa sinabi nito. Maya-maya'y hinawakan na nito ang doorknob at dahan-dahan na pinihit.

Pagkabukas ng pinto ay tumambad sa amin ang napakalinis at organisadong kwarto.

"Napakalinis ata ng room at walang dumi. Nagmukha tuloy siyang office. Sigurado ka bang ito yon, Hans?" pangungulit ng lalaki. Ang ingay talaga ng lalaking ito kahit kanina pa. 

Agad namang pumasok si Hans sa loob at nagsimulang mag-ikot sa paligid.

"May nagbago nga pero sigurado akong ito yon."

Base sa pananalita nito alam kong naniniwala siyang ito talaga ang sinasabi niyang storage room. 

Umikot rin ang tingin ko sa paligid. May mga pictures ng kabayo, preserve na butterfly na may glass at isang babaeng nakahiga sa sofa na walang damit. Mmmm, parang si Rose lang ng Titanic. 

May tatlong mesa na gawa sa glass na may nakapatong na vase bawat isa na may iba't ibang kulay ng bulaklak. May tatlo ring cabinet na kulay brown sa bawat katabi ng mesa. Bale mga 5 meters ang tantiya kong agwat nila. 

Nahagip rin ng paningin ko ang tatlong computer na magkatabi sa sulok ng kwarto. Bakit ata tatlo lahat na magkapares ang naririto sa loob?

Muli, bumaling ang tingin ko sa tatlong cabinet. Lumapit ako sa unang cabinet at sinubukang buksan pero ayaw. Ugh, I need a key.

"Anong ginagawa mo Charity?" wika ni Kuya na nakalapit na pala sa kinaroroonan ko. 

"Baka nandito ang hinahanap ko. Kakaiba kasi eh."

MOMENTUM (Book I of Momentum Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon