Chapter 46: 2 Cool 4 School

Start from the beginning
                                    

"Natatakot kayo sa akin?" Tanong ulit nito.

"M-Multo!" Sigaw ni Jinver habang tinuturo yung babae, para akong maiiyak sa sobrang takot ko, kapit na kapit ako sa damit ni Theo pero maski si Theo ay sumisigaw din sa takot.

"Hindi ako mutlo! Tao ako!"

Hinawi niya ang mga halaman para makadaan siya doon, nang inalis niya ang itim niyang hoodie na hanggang paa ang haba ay nakita kong babae nga siya at nakasuot siya ng puting flowing dress habang nakatali ang mahaba niyang buhok gamit ang puting laso.

Humupa ang sigaw naming apat ng makita naming tao nga siya, nagtataka siyang nakatingin sa amin hanggang sa mabaling ang atensyon niya sa mga marshmallow namin.

"Iyan ba yung umaamoy na mabango?" Tinuro niya nag marshmallow sa amin, napatingin kaming lahat doon bago kami sabay-sabay na napatango.

"Woah! Anong tawag sa bagay na yun?" Tanong niya sa amin na para bang natatakam siya sa marshmallow.

"Gusto mo ba?" Tanong ni Jinver bago niya inabutan yung babae nito.

"Kinakain ba 'to?" Tanong niya pabalik kay Jinver.

"Oo naman, pero mas masarap 'yan kung iinit mo muna sa apoy, parang ganto." Pinakita ni Jinver yung pagtapat noon sa apoy at nakita kong ginaya iyon ng babae pero masyadong malapit sa apoy kaya naman mabilis na lumapit si Gabo sa kanya para ilayo ang kamay niyo sa apoy.

"Ganyan lang dapat." Sabi ni Gabo kaya naman tumango nalang yung babae.

"Ayos na 'yan, tikman mo." Sabi ni Jinver kaya naman mabilis na kinagatan ng babae yun.

"Ouch! Ouch! Ang init! Aray!" Sigaw nung babae bago niya pinaypayan ang dila niya.

"Dapat kasi hipan mo muna." Turo ni Jinver bago niya pinakita iyon ng hinihipan hanggang sa ginaya siya noong babae, nagkatinginan kami ni Theo dahil mukhang inosente ang babae dahil sa kinikilos niya samantalang mukhang mas matanda na siya sa amin.

Umupo si Jinver at si Gabo sa kaninang pwesto nila kaya naman umupo na rin ako at ganoon din naman si Theo, pinaupo ni Jinver yung babae sa tabi ni Gabo kaya naman umusog si Gabo para hindi siya masyadong malapit sa babae.

"Kasama ka din ba sa camp? Wag mo kaming isusumbong sa mga teacher ha?" Bilin ni Jinver kaya naman tumango-tango din kami ni Theo bilang pag-sang ayon.

"Camp?" Tanong niya sa amin na para bang nagtataka siya sa salitang iyon.

"Hindi mo alam yun? Sino ba kasama mo? Bakit ka nandito? Hindi ka ba campers?" Tanong ulit ni Jinver.

"Dyan ako nakatira, malapit lang diyan." Aniya bago siya kumain ng panibagong marshmallow.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ako si Denden."

"Ohh, mukhang mas matanda ka sa amin, ilang taon ka na ba?" Tanong ko pa ulit.

"16 years old na ako." Sagot niya.

16 years old na sya? Tapos 8 years old kami? Kalahati lang ng edad niya yung edad namin pero mas mukhang wala siyang alam sa mundo. Napanguso ako habang pinagmamasdan ko siyang sarap na sarap sa kinakain niyang marshmallow, lumagpas ang tingin ko kay Gabo na nakangiti habang pinagmamasdan niya yung babae kaya naman mabilis na kumunot ang noo ko.

"Pst! Theo! Tingnan mo si Gabo, nakangiti siya." Bulong ko kay Theo na katabi ko ngayon.

"Oh ano naman ngayon?" Tanong ni Theo sa akin.

"Hindi siya ngumingiti." Paliwanag ko.

"Grabe ka naman sa kanya, hindi ba pwedeng natutuwa lang siya dahil sa pagkain ni Denden, tingnan mo kasi oh, kinakain niya pati yung stick." Sabay turo ni Theo doon sa babae, nakita kong pinigilan ni Gabo yung babae sa pagkain nito ng stick, maski si Theo at Jinver ay natatawa habang ako ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. I'm not jealous, pakiramdam ko lang ay kahit kakakilala ko palang sa kanya ay may malaking part na agad siya sa amin. Hindi ko lang ma-point out.

Blood Sweat & Tears: Mystery of Bangtan CityWhere stories live. Discover now