CHAPTER 22

24 1 0
                                    

Medyo malaki na yun at nilipat ko narin ng school si Audrey tutal August palang ngayon. Umuwi muna kami pansamantala sa probinsya, medyo namiss ko nga ito e luma na yung bahay namin dito pero maganda parin.

"Nay, salamat sa pag-aalaga sa bahay namin ha, ito nalang kasi talaga ang huling ala-ala nina mama at papa sa amin"

"Wala yun, eh kamusta na ba kayo ng iyong ate?"

"Hindi parin po okay, may pamilya na po siya ngayon at mukhang masaya na po siya"

"May boyfriend ka na iha?"

Si Calix bigla ang naisip ko. Bwisit namn oh.

"Wala pong nagkakamali haha"

"Sa ganda mong iyan, naku makakahanap ka rin"

Biglang may nagflash sa mukha ko,si Audrey lang pala na kinukuhanan ako ng stolen shot.

"Tigilan mo na yan, lagi mo nalang akong pinagtitripan, i-delete mo nga yan"

"Ayoko nga, remembrance toh"

Lagi kasi niya akong pinipicturan pero puro stolen shot, baka ampanget ko dun. Nakakainis talaga.

"Wag ka ngang kuha ng kuha ng picture dyan, magsabi ka lang at magpopose ako"

Tapos nagpose ako ng mg pangmodel. Hahahaha lakas ng trip.

"Kumain ka na, umupo ka na dyan"

"Ate hindi pa ba tayo babalik sa Manila?"

"Malapit na konting hintay nalang"

Konting hintay nalang at lilipas din ang sakit nito. Ngayon, medyo okay na ako kinakaya ko naman. Pero minsan hindi ko maiwasan maisip siya at maalala.

"Ate miss mo na ba sya?"

Nakatutok sa akin ang cellphone nya ngayon.

"Ibaba mo nga yan!"

"Sige na kunware lang naman"

"Anung kunware ka diyan ibaba mo nga yan"

"Miss mo na siya noh?"

Napangiti nalang ako at natatawa sa kanya mapangasar talaga toh.

"Ayieee, tumatawa na siya"

"Ibaba mo nga yan, sige ka hahabulin kita ng kiliti"

"Ayiee ngumingiti na ulit ang ate kong maganda"

At ayun nauwi kami sa kilitian sa may garden. Bukas nga pala uuwi na kami sa Manila, sana okay na talaga ako. Andaming nagbago sakin simula nun, naging maayos na ako sa pananamit at ayos sa mukha, mas mukha na akong babae ngayon.

Pumasok na ako sa trabaho. Nakafitted slacks at sleveless , tinted lang ang manipis kong labi at normal make-up lang. Bago ako pumasok binati ko muna si Klein tulad ng dati kong ginagawa. Napanganga siya ng mapatingin sakin.

"Alam kong maganda ako"

Pero speechlesa parin sya.

Pagpasok ko sa opisina.

"Rin!? Ikaw ba yan?"

"Hanep Rin asensado tayo"

"Ang ganda mo rin"

"Kpop star ba toh?Idol pa-Fs"

At pinagbabatukan ko silang lahat.

"Umalis na ko't lahat hindi parin kayo nagbabago"

"Bakit ka nga pala umalis? Namiss ka tuloy namin"

"Wala lang para makapagbonding"

"Bakit ka gumaganda broken ka ba?"

Pang-aalaska namn ni Illiana sakin.

"Bakit broken lang ba ang may karapatang gumanda? Paano namin kaming mga natural beauty?"

At nagtawanan kaming lahat. Nagsitahimikan ang lahat na parang may dumaang anghel. Tumingin ako sa taong paparating at si Calix lang pala. Wow, lalo siyang pumupogi sa paningin ko. Hoy! Walang malisya yun. Tumigil siya sa tapat ng table ko.

"Welcome back Jirin"

Ngumiti siya sakin na parang nagliwanag ang buong mundo dahil sa mala-anghel noyang ngiti. Nginitian ko lang siya pero hindi na ako umimik.

"Ang ganda niya sir diba?"

"Pwede na"

"Oyyyyyy!!!"

Nagsigawan ang lahat at pagkaalis ni sir ay niyugyog nila ako ng niyugyog sa kilig. Medyo may konting kilig parin pero this time masaya na siya at hindi masakit.

Umakyat ako sa rooftop kasi doon ako dinala ng aking mga paa, mga 7:00 pa ang out namin medyo tapos ko narin ang ginagawa ko. Tiningnan ko ang relo ko 5:00 palang pala. Binuksan ko ang pinto ng rooftop at tanaw ko ang isang lalaking nakaupo habang umiinom at kilala ko ang likod na yun. Tama! Si Calix nga. Ang bigat ng bawang hakbang ko pakiramdam ko bumalik ang lahat-lahat pero nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa direksyon niya. Umupo narin ako at agad niya akong nilingon.

"Kamusta na?"

Tanong niya?

"Ako? Okay lang naman"

Pero ang puso ko on process palang.

Kumuha ako ng isang lata ng canned beer at uminom nadin hindi ako magaling sa inuman pero ngayon ito siguro ang aking kailangan. Marami siyang tinanong tungkol sa mga bagay-bagay sa bakasyon ko at kung anu-anu pa.

Unbranded HeartOnde histórias criam vida. Descubra agora