CHAPTER 8

35 2 0
                                    

Mikaela talaga ang daming knows

"Baka naman type ka nun bes"

Asa siya kahit gwapo siya hindi ko siya papatulan kasi langit at lupa kami hindi ako ganun.

"Geh guys may gagawin papala ako"

Umalis na si Merck aa harap ng table ko

"Walkout? Selos agad?"

"Pinagsasabi mo Illiana?"

"Manhid-manhidan tayo oh"

hindi ko nalang sila pinansin at nagwork na ako.

After 4 hours...

"Ulitin mo itong lahat, i-check mo yung grammar at mga facts dito pati yung mga picture kailangan clear yung shots humingi ka ng bagong copy kay Zepp ha"

"Pero sir..."

Ngumiti siya sa akin na muling nagpakaba sa heart ko. Kasi naman makatitig wagas. Normal labg naman sa aking kabahan kapag tinititigan.

"Go"

Hay naku! Ulit na naman,baka nakatatlong ulit ako bago ko matapos yung sampung page. Yung eksena?

Abot kay sir

"Sir eto na po"

"Ulitin mo"

Abot kay sir

"Sir eto na po"

"Ulitin mo"

Abot kay sir

"Eto na po"

"Ulitin mo"

Ganyan ang eksena ko araw-araw nakakabwisit diba? Kumusta yung computer na pagod na pagod na din sa kaartehan ni sir.

So asan ako ngayon? Nandito sa harap ng office ni sir? Bakit? Kasi magpapasa ako ng papel? Arrrgghhhh! Galit na galit na talaga ako.
Tumalikod ako sa pinto.

"WAHHHHHHHH ARGHHHHHH ANU BANG NAGING KASALANAN KO SAYO? BAT MO KO PINAPAHIRAPAN NG GANITO! AKALA MO KUNG SINO KA SIR CALIX ANG PANGET NG PANGALAN MO! PARA KANG GASULINAHAN ALAM MO BA YUN? HINDI KA POGI PARA KANG ELEMENTARY TEACHER KONG PAHIRAP! NAKAKAINIS!NAKAKAINIS! PAGOD NA PAGOD NA AKONG BUMALIK SAYO KAHIT WALANG TAYO! what the di yun kasali..."

"Tapos ka na?"

Lumingon ako sa likuran ko at nakatayo na sya dun pero hindi siya nakatingin sa direksyon ko.

"Akala ko po sound proof e sabi nyo po kasi"

"Ipasa mo na ang dapat mong ipasa at makakaalis ka na"

Hindi manlang siya nagalit o sinigawan ako na akala ko ay gagawin niya pero this time hindi siya ngumingiti tulad nung dati seryoso talaga siya at galit siya sakin nakunsensya tuloy ako. Pinindot pindot ko lang yung ballpen at namomroblema sa pinanggagawa ko. Ang bait bait niya sa akin, di siya nagagalit , lagi siyang nakangiti pero ako eto abusado. Anu ba ang dapat kong gawin. Ang hirap naman ngayon palang ako mageefort magsorry sa isang tao.
So bago ako umuwi kinausap ko muna ang mga repa kung anung pwedeng gawin kapag magsosorry.

"Anung pwedeng gawin para mapatawad ka ng isang tao?"

Mikaela-Holo? Gurl ! Ikaw ba yan?

Illiana-Bes, para kanino? Kay guard? O come on!

Merck- okay na ako sa kiss

Oh diba may kwenta silang kausap. Lumabas nalang ako upang magpahangin lalo akong nastress sa loob eh. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata si Klein my loves gwapo parin as always.

"Hi!"

Tas tumabi ako sa kanya.

"Good afternoon Mam"

"Wag kang masyadong magalang kuya di bagay sayo kasi masyado kang gwapo"

Opps 3points

"Haha salamat po"

"Alam mo kuya crush po kita bago pa man ako magtrabaho dito!"

Siguro ito na yung tamang oras na magtapat ako ng aking nararamdaman sa kanya. Matagal ko na itong itinago sa loob ng mabang panahon. Nabuhay ako sa lungkot at pangungulila sa pagmamahal niya.

Pero speechless lang siya.

"Mam hindi po tayo talo kasi langit  ka po lupa ako"

"Walang pinipili ang pag-ibig, kapag mahal mo, mahal mo at walang pero pero."

"Nagpapasalamat po ako kasi naging inspirasyon mo po ako pero hindi ko po matatanggap yang pag-ibig mo kasi magtatapos muna ako bago ako magkaroon ng syota"

"Ito naman si kuya syota agad? Pero naiinyindihan ko kung bakit hindi mo ko gusto kasi ang panget ng ugali ko eh at walang magmamahal ng isang bipolar"

"Nagkakamali ka mam dahil bawat tao may nakadestiny na para sa atin at yung mga taong yun tatanggapin nila kung anu man ang kahinaan ng  bawat isa kasi ganun ang pagmamahal"

"Kahit masakit?"

"Kahit halos patayin ka na ng pag-ibig wag mo itong susukuan"

Naiyak ako sa motivation o dahil nireject niya ko! Nabawasan na naman ang pride ko 95% nalang. Siguro hindi talaga siya para sa akin. Ganito pala yung feeling na mareject ka ng taong gusto mo. Now I Know.

Tulala akong bumalik sa loob at pumasok sa elevator pinindot ko ang huling floor.


Unbranded HeartWhere stories live. Discover now