CHAPTER 12

24 1 0
                                    

Naman si sir habang nakatingin sa amin.

"Naku mamaya ka na nga dumada at kumain ka na para magkalaman ka naman"

Sabi ni sir na ikinagulat ko, laglag panga ko bes nilait ba niya ko? Hala? Guni-guni ko lang ata yun. Nagtawanan lang silang dalawa ng kapatid ko at hindi ko maintindihan ang pinaguusapan tungkol sa phobia phobia then napunta sa cancer, yung totoo guys? Pero ako OP dito kaya kumain nalang ako.

" Sayang yung boy mayaman pa naman tas dugyot yung asawa niya"

"Oo nga parang walang sense og fashion"

Nagbubulong bulungan ang mga keringking at ako ata ang pinatatamaan nila kasi lahat ng nandito nakadress pati yung kapatid ko samantalang ako nakadress at T-shirt lang. So sino pa ba ang pwedeng biktima dito? Ako lang.

"Wala man lang kamake-up make-up at hindi pa ata naligo"

Tatayo na sana ako ng hawakan ng kanang kamay ni sir ang kamay ko pero nakatingin lang siya sa kinakain niya. Para akong sinemento ng buhay dito sa upuan at nanlalamig ang kamay ko hindi kasi ako sanay na hinahawakan ang kamay ko sana wag niya mahalata na kinakabahan ako. Medyo namumula na ko dito, maputi kasi ako kaya kapag namula ako halatang halata kaya medyo yumuko para hindi halata.

Nakita ko naman ang pagngisi niya sabay bitaw sa kamay ko. Ang cool nun naginit ang buong katawan ko, grabe lang.

"Syet anakan mo na ko sir"

Bulong ko pero mahina lang yun at parang bulong lang sa hangin.

"Hahaha "

Ang sexy ng tawa niya, pero anung nakakatawa baliw na ba toh? Wala namang nagsasalita sa aming tatlo pero bakit siya tumatawa?

"Bakit sir?"

Tanong ko sa kanya kasi nacucurious ako, so dahil makapal ang mukha ko pero maganda tinanong ko na siya.

"Nagmamadali ka ba? Medyo busy pa ako this month kaya next time, darating din tayo diyan"

Natameme ako. Hindi ko nagets? Slow na ba ko nun? Pwe! Pauso. Pero anung pinagsasabi niya? Na nagmamadali ako? Saan naman? Sa pag-uwi?

"Po?"

Tawa lang ng tawa si sir at nagtinginan kami ni Audrey, binigyan ko siya ng bakit-look? At sinagot niya ko ng i-dont-know-look.

Bumalik na siya sa pagkain at wala ng umimik hanggang matapos kami. Tumayo na siya kaya tumayo narin kami. Paano naman kaya naman babayaran itong kinain namin eh wala nga akong pera, tinukso lang naman ako ni sir eh hindi ako nakapagcontrol.

"Sir, wala po kaming pera pambayad dito"

Mababa yung boses na parang witch na naging angel ako ngayon kailangan kong gawin ito kahit 93% nalang ang pride ko.

"Don't worry ako ang magbabayad nito"

Naglabas siya ng pera at pinatong sa mesa lumabas na siya kaya sumunod nalang kami pero syempre bago ako makalabas. Tiningnan ko muna yung babaeng nangiintriga sakin kanina at tinarayan ko sya bago makalabas ng pinto.

Unbranded HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora