CHAPTER 17

18 1 0
                                    

Bakit kasi hindi niya ako gusto, bakit kasi kailangan siya pa.

"Bes"

Bakit ganito ako sa pag-ibig.

"Bes"

Bakit ako ginaganito ni kupido anu bang kasalanan ko sa kanya.

"Bes"

"BAKITTTTT!!"

Napasigaw ako bigla. At nakita kong nagulat si Illiana sakin at narealize kong tinatawag pala niya ko.

"OA mo bes, para ang nabroken hearted"

"Sino ba yung boy?"

"Mahal ka ba?"

"Bat kayo nagbreak"

"Nag-anu na ba kayo, alam mo na"

Sunod-sunod nilang tanong sa akin. At lahat sila nagaabang ng sagot kaya nakatingin silang lahat sa akin. Nabibingi na ako sa pinagsasabi nila. Tumutok nalang ako sa computer at nagsimula ng magwork. Pero tutok parin sila sa akin.

"Wala akong syota mga beks"

"So crush? Pinaasa ka ba?"

Tanong naman ni Richard, katrabaho ko.

"Oo, parang ganun na nga"

"So yun naman pala e"

Sabi ni Emily sabay suntok sa hangin.

"Marami talagang paasa ngayon at manloloko"

Bitter na bitter na sabi ni Cristy dahil kakabreak lang nila ni Eron na taga 22 floor.

"So bakit ka nasasaktan? Mahal mo na  ba?"

Tanong ni Illiana kaya napatingin ako sa kanya

"Mahal? Hindi noh"

Sabi ko habang nakatutok ulit  sa computer.

"Pero bakit ka nagkakaganyan, pagdating mo dito high blood ka na"

"Oo nga pansin ko yun"

sumang-ayon naman ang lahat at ako ang topic ngayon, hot seat ako to the max.

"Hindi ko nga mahal at hindi ako naHB at walang dahilan para masaktan ako."

Gigil na gigil kong sabi na halos mawasak na yung keyboard sa diin ng pindot ko.

"Halata nga e."

Sarkastikong sabi ni Mikaela.

"Back to work guys"

Pumalakpak si Mikaela at nagsibalikan ang lahat sa ginagawa nila.

Naisip ko din, bakit ba sobra akong apektado is this really love? Gaya ng sinabi ko kagabi? Is this for real?

Hindi na ako kumain at nagtrabaho nalang ako para malibang ako. Nagaalala na nga sina illiana dahil sa inaasal ko eh.

Nagising nalang ako bigla at nakita ko ang coffee sa table ko. Tumingin aki sa paligid pero wala namang tao. Dahil uhaw na din ako ininom ko nalang. Katulad ito ng coffee nung dati. Capuccino din ito. Tiningnan ko yung lalagyan at may nakadikit na note doon.

'Don't push yourself too hard, get some rest^-^ Rin'

medyo nabawasan ang pagod ko sa note na yun, nakangiti na ako ngayon. Si Merck talaga napaka thoughtful. Magtethank you nalang ako sa kanya mamaya.

Nagsibalikan na sila, bigla naman dumating si Calixto at kausap si Emily na kilig na kilig ang bruha. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang naglalandian at napangiwi ako na parang kakain na ako ng tao.

Nakakainis sila panoorin, tumatawa lang si Emily at ngingiti ngiti naman si Calixto. Duh. Bitter ka Rin.

"MERCKKK!!!"

Napatingin naman si Merck pati ang ibang katrabo ko ganun din si sir kasi sinadya kong laksan para marinig nilang dalawa kaya tumigil sila sa paguusap.

"Grabe ang sweet mo talaga at lagi mo akong naaalala"

Tapos binigyan ko siya ng malawak at matamis na ngiti. Pero nakikita ko si sir sa peripheral view ko na nakatingin lang sa aming dalawa.

"Syempre ikaw pa"

Naguguluhan siya pero sumagot din siya kaya hindi ako mapahiya siguro. Si sir naman bumalik kay Emily at biglang tiniklop yung papel at umalis nalang bigla.

"Anyare dun?"

Tanong ni Emily sa amin pero mahina lang.

Nagkukwentuhan naman yung mga katrabaho ko. Nagtataka din ako kung bakit siya umalis? Hindi kaya, napangiti ako sa idea ko. Hindi kaya nagseselos siya. Humagikhik ako mag-isa dahil sa iniisip ko, effective nga.

Pumunta ako sa despenser at nakita ko si Merck. Magtethank you lang sana ako sa kanya.

"Merck, thank you dun sa mga coffee na iniiwan mo sa table ko ha!"

Nagulat naman siya at nagtataka kung anung sinasabi ko.

"Anung coffee?"

"Yung capuccino na may note"

"Ha? E wala naman akong iniiwan sa table mo, kung bibigyan kita direct sayo.

"Ha? E sino yun?"

"Ewan ko, baka may coffe bending machine na naglalakad dito sa office. Hahaha"

Hinampas ko nalang siya sa braso niya dahil sa baliktad ang utak niya. Tumawa kami pareho at nagkwentuhan ng walang kwentang bagay habang tumatagay ng tubig

"Mukha badtrip din si sir ngayon pero kanina ang saya saya niya"



Unbranded HeartWhere stories live. Discover now