CHAPTER 3

56 0 0
                                    

Lumipad yun nggang maglanding sa isang lalaki na pogi. Akala ko sasaluhin niya ko pero pinunasan niya yung damit niya kaya tuluyan na akong nasubsob, nawasak na naman ang pantasya ko.

"Miss, okay ka lang?"

Iniabot niya ang kamay niya pero tiningnan ko lang yun papunta sa kanyang mukha. Kupido nagkakasala po ako kay Klein.

"Ah"

Sabay tango lang, speechless ako beks. Araw ba ng mga gwapo ngayon? Andami naman atang naglalabasan sa lungga nila. Napansin ko yung stain sa damit niya.

"Ay! Sorry sir nadumihan po kita. Di ko po talaga sinasadya, wala po akong ibabayad diyan."

Napayuko nalang ako sa hiya. Pahiya ako konti e.
Usapang pera nababalewala ang aking ganda.

"Okay lang naman, ayos lang ito lalabhan ko nalang"

Nginitian niya ako. Isa iyon sa pinakapamatay na ngiti na natanggap ko. Nakakagwapo talga yun.
Hindi ko namalayan nakaalis na pala sya sa harapan ko. Pero ako, nakatulala parin kasi parang ayaw kong umalis sa pwesto na yun naaamoy ko parin yung pabango niya.

Nang bumalik ako sa sarili kong katauhan, Tuluyan na akong umuwi kasi ihing-ihi na talaga ako hindi sa kilig kundi dahil sa palamig ni Mang Kulas.

Pagkalipas ng isang araw natanggal na naman ako sa trabaho, hindi talaga katanggap-tanggap yung dahilan nung walang hiya manager. Kasalanan ba ang pagiging maganda? Kasi ganito yan.

"This is your order Sir.."

Napansin kong dalawa nga pala sila,so dapat marami. Anu nga bang plural ng Sir? Sirs? Pero mali e.

"This is your order guys"

Okay na yan safe na yan, ang galing galing mo talaga Rin. At tumawa yung dalawang papabols, may nakakatawa ba sa sinabi ko? Bwisit to paepal e.

"Bakit niyo ko pinagtawanan?"

Ayaw na ayaw kong tinatapakan ang pagkababae ko. Hindi ko sila uurungan kahit mga pogi pa sila. 
"Masama ba? Cause' your funny"

Funny daw ako? Hehe. Funny daw ako guys. Dapat ata akong matuwa dun guys compliment ata yun.

"Shelemet"

Medyo nagpacute ako sa kanila malay mo makabingwit ako edi yayaman na kami. Lumingon ako sa bandang likuran ko at nakita kong galit ang unggoy kong Manager sa akin. So nagflip hair ako at tinaasan siya ng kilay sabay lakad ng bakembot kembot habang dala ko ang tray palapit kay Browny, i mean Manager.

"Alam ko sir maganda ako, wag niyo na akong titigan"

Inunahan ko na siyang magsalita. Bago pa man niya ako pagalitan.

"ALAM MO NAMAN NA BAWAL MAKIPAGKWENTUHAN SA ORAS NG TRABAHO DIBA? AT KUNG IPINAGMAMALAKI MONG MAGANDA KA EDI DAPAT NAGPROSTITUTE KA NALANG, HINDI KUNG SAAN SAAN MO FINADALA ANG KALANDIAN MO!"

Naiirita na talaga ako sa baklang to, hindi ko gusto ang tabas ng dila nito. Ang kapal ng tagihawat na lait-laitin ako? Bibigwasan ko talaga toh kaya pigilan niyo ko.

"Iayos mo yang pananalita mo SIR pumapatay ako ng kulot"

"Huh! Pinagbabantaan mo ba ko"

"Hindi isinusumpa kita, impakto ka at ampanget mo kaya iniwan ka ng boyfriend mo! Pwe"

Nagwalk-out na ako dun kasi kasuklam-suklam ang pagmumukha ng baklang iyon. Pero siya ayun, nagpipigil ng galit.

"YOU'RE FIRED"

Ginaya ko yung nasa mga pelikula.

"No Sir, I quit"

Tapos tinapon ko yung tray with poise and grace at lumabas sa mabahong resto. Over confident ako at mapride na tao. Ayoko ng minamaliit ako ng iba, kaya lumalaban ako dahil mayroon akong prinsipyo. Pansin niyo ba na maldita ako? Meron kasi ako ngayon(monthly period) at isa pa sinusungitan ko lang naman yung mga inaapi ako. So, be nice to me bitches.

This is it! GRADUATION DAY! Makakatapos na ako ng college at magiging stable na ako. Sobrang saya ko na may halong kaba kasi feeling ko magiging proud na proud sa akin sina mama at papa kahit patay na sila pareho. Nagpapasalamat ako sa kapatid ko dahil binigyan niya ako ng reason para mabuhay. Andrama beshy!

Umalis na kami matapos magprepare konting polbo lang kahot walang lipstick maganda naman na ako. Pumasok na kami sa gate at nagsimula na ang program. Ipinakilala ang isa-isa ang bawat guest speaker. Then gumuho ang mundo ko.

" Mr. Lee, Calix Grafil Lets give him around of applause."

Nagpalakpakan ang lahat sa presensya ng malignong ito. Destiny ba kami? Bakit lagi kaming










Unbranded HeartWhere stories live. Discover now