CHAPTER 4

40 1 0
                                    

Pinagtatagpo ng tadhana.

*insert music*

Parang nasa movie, mag-aaway kami araw-araw tas sa ending kami parin naman. Ang ganda ng boses niya sobrang manly tapos ang ganda ng name niya ^-^. Nakakainlove teka, anu ba yung name niya dun andami naman kasi yung Lee ba? Calix? o baka yung Grafil yung epilyedo niya? Basta lahat maganda kasing ganda ko.

Nagsimula na siya sa speech niya at nakatitig lang ako sa kanya, biglang nagpop sa isip ko yung first encounter namin yung sa resto na nagsisigaw ako dahil nabangga niya ko habang nagsusuklay. Tapos yung time na nakita ko siya sakay ng isang magarang sasakyan. Bigla nalang akong napangiti sa kawalan. Natigilan siya sa pag-iilusyon ng tumigil din siyang maagsalita at nakatingin na ngayon sa direksyon ko kaya lumingon ako likuran ko para kunware inosente ako at wala akong kasalanan sa kanya. Tapos tumingin nalang ako sa baba o to be specific sa paa ko para di niya ako makilala mahirap na baka dito pa niya ako sigawan, baka sirain niya ang graduation day ko. Hanggang matapos ang speech nakatingin lang ako sa paa ko at hindi ako nakinig halos antukin na ako dun eh.

Marami ng nagspeech so ayun kukuha ng diploma tapos kamay-kamay. Naku! Waahhh hindi ito pwede makikita niya ako ng malapitan. Jusko naman bakit ngayon pa. Baka ipadukot niya ko ngayon at alam kong kaya niyang gawin yun kasi mayaman siya. Parang matatae ako na maiihi ng malapit na ako tawagin.

"Para kang kiti-kiti! Bakit ka pinagpapawisan?"

Batchmate ko yan, siguro pansin niya din na natetense na ako. Sino ba namang hindi diba? Alangan namang maging masaya pa ako e katapusan na ng buhay ko.

"Loyzaga, Jirin Hilary F."

Pangalan ko na ba yun? Parang hindi ata, nagpalit na ako ng pangalan kanina lang di sila nainform. Hindi parin ako tumatayo.

"Rin ikaw na"

"Rin hoy! Tawag ka na"

"Ha? Ako na ba?"

Kunware di ko narinig yung name ko at umakyat na ko sa stage ng nakayuko at tinabunan ko yung mukha ko ng konting buhok na halos makain ko na.  Pagkatanggap ko ng diploma syempre magkakamayan na. So kamay sa una, kamay sa pangalawa, kamay sa pangatlo, kamay sa pang-apat, at sa huli na hala, heto na siya naku po! Iligtas mo po ako. Ibaabot ko na yung kamay ko. at shake shake kami. Pero sa gitna ng pagshake hands namin hindi ko inaasan yung sinabi niya.

"Congrats Ms. Loyzaga and GOOD LUCK"

Good luck.

Good luck.

Good luck.

Good luck.

Paulit-ulit na tumataginting sa tenga ko yung salitang yan na parang malapit na ang katapusan ko. Kinabahan ako ng bongga. Bumaba ako sa stage na parang wala sa katinuan ng mairaos ko iyon kasi bes nakilala niya ko. Ang masaklap pa tinawag niya ko sa pangalan ko. Bwisit. Nabawasan ng 1% ang pride ko di ko matanggap.

Lumipas ang isang linggo ng paghahanap ko ng trabaho at wala akong mapasukan kasi nga freshly grad ako  i mean kami na nagaapply wala ng natitirang slot. Isinalampak ko ang muka ko sa mesa ng cafeteriang ito at nagdadabog. Pawis na pawis ako at haggard na ako nalimutan ko pa naman yung polbo ko.

"Miss pwedeng makishare ng sit wala na kasing ibang vacant."

"Sho kashalanan ko na wala ng vacant seat?"

Nakaubob parin ako at sinusungitan ang pugitang nagtanong.

"Sige na Miss"

Pagpupumilit nung lalaki

"Gwapo  ka ba? Hindi ka chicks uyy"

Pamilyar yung boses niya, wait parang alam ko na to i mean alam ko na kung sino toh. At nang pumasok na sa isip ko kung sino ang lalaking to unti-unti ko ng iniangat ang ulo ko. Samantalang siya nagulat ng makita ako. Natandaan ko yung boses niya kasi nga diba dun sa scandal namin sa resto at sa speech niya pagkahaba-haba.

"Hindi ako gwapo at oo hindi ako chicks pero makikiupo lang naman ako bakit kailangan may requirements pa?"

Nakangiti lang siya na parang ang bait-bait niya samantalang sinigawan niya ako dati. Inirapan ko siya ng magkasalubong ang dalawa kong kilay at nakabusangot ang nguso ko habang naka halukipkip ang kamay ko. Duh.

"Kung magsosorry ka..."

Itinaas ko yung palad ko at itinapat ko sa mukha niya.

"...Wag na! Kasi di ko tatanggapin yun"

Umupo siya kahit di ko sya pinapayagan.




Unbranded HeartWhere stories live. Discover now