CHAPTER 21

18 1 0
                                    

Kapag nagpapacheck ako hindi na ako lumalapit at inaabot ko nalang. Hindi ko na rin siya tinitingnan kasi baka bumilis na naman ang tibok nito, puso ko.

Daldal lang siya ng daldal at tango naman ako ng tango.

"Nakikinig ka ba Jirin? May problema ka ba?"

"Yes po"

Yes, may problema ako. Ikaw ang problema ko, san ba ako lulugar ha? Naninikip na naman ang dibdib ko. Papatak ka na naman ba luha?

"So anung sinabi ko?"

Hindi ako makaimik, kasi ang totoo hindi naman talaga ako nakikinig. Gusto ko ng umiyak nang sigawan niya ko galit ba sya sa akin? Malamang noh. Nakayuko lang ako, pigil-pigil yung luha ko.

Wala din ata siya sa mood ngayon, badtrip nga sya eh. Halata sa pananalita niya.

"So anu? Hindi ka talaga nakikinig eh! Palibhasa pakikipagdate yang inuuna mo pati trabaho nadadamay"

Ninamnam ko ang bawat linya parang kutsilyong tumutusok sa puso ko ng paulit-ulit di ko napigilan ang sarili ko at napaluha na ako. Sumisikip na yung dibdib ko at ang bigat-bigat ngayon gusto ko nang ilabas  ang lahat ng dinadamdam ko.

"Sasagutin ko yung unang tanong mo sir kung nakikinig ba ako? Hindi! Kung may problema ba ako? Oo meron! Pinipilit ko lang pero ang sakit sakit na dito......"

Tinuro ko ang puso ko.

"...Pinipilit kong pigilan itong nararamdaman ko sa isang taong ang tingin lang sakin ay empleyado....."

Bumuhos na talaga yung luha ko at hindi ko na napigilan sumigaw doon.

"...Masakit po sir na malaman na ikakasal na yung taong matagal mo ng minamahal at hanggang ngayon nandito parin, hindi mawala wala ang LINTIK! Na feelings na to..."

Nakatingin lang siya sa akin.

"...Sinubukan kitang iwasan, pero hindi mo alam na iniiwasan na kita kasi sino ba naman ako sa buhay mo? Wala akong papel sa buhay mo Calix. Minahal kita kasi ipinaramdam mo sakin yung tunay na saya, nakita ko ang sarili na masaya sa tuwing nakikita kita, sa kabutihan na ipinakita mo sa akin nahulog ako kasi akala ko ganun ka din sa akin na mahal mo din ako, pero nagkamali ako, nagkamali ulit ako kasi tanga ako. Minahal mo ba ko kahit isang minuto lang Calix?"

Pinahidan ko muna ang luha ko.

"So-sorr-y "

"Sorry? Sagot ba yun? Diretsuhin mo nalang ako, na hindi mo ko gusto at huwag ka ng maging mabait sa akin please lang, prangkahin mo na ko at sabihin mo yung totoo."

Lumapit siya sa akin upang punasan ang luha ko pero tumalikod ako sa kanya. At nagsimula ng maglakad paalis.

Umuwi na agad ako matapos maghilamos.

*flashback*

Sumabay na akong maglunch kay Merck ngayon at nasa jobilee kami ngayon.

"Chicken joy yang kinakain mo oh dapat nag-eenJOY ka diba?"

Hinagis ko sa kanya ang tissue.

"Corny mo"

"Atleast ngumiti ka diba? That matters the most"

Hindi na ako sumagot at kumain nalang. Muli siyang nagsalita.

"Alam mo na ba?"

"Ang alin?"

"Si sir Calix ikakasala na daw"

Calix na naman, nagmomove-on na ako pre tigilan nyo na ako. Anu naman pakialam ko kung ikakasal na siya kahit ilang beses pa niya gusto wala akong pakialam.

"Congrats kamo"

Walang gana kong sagot, ito talaga yun yung tipong namatayan ka ng puso. Ang sakit sakit pala talaga. Double kill na ito.

*end of flashback*

"Ate kakausapin ka daw ni kuya Cal lumabas ka diyan"

Tinabunan ko ang tenga ko kasi kanina pa nangungulit si Audrey. Tapos na kami ni Calix. Magmomove-on na ako.

"Tulog ako"

"Ate naman eh"

Ang totoo nandito ako sa likod ng pinto ko at rinig na rinig ko ang boses ni Calix mula sa cellphone. Pinipigilan ko ang pag-iyak lo para hindi marinig ni Audrey.

"Kuya Cal ayaw ka niya kausapin"

Malungkot ang boses ni Audrey. Kung alam mo lang Audrey na gustong-gusto ko siyang kausapin ngayon, gusto kong magsorry sa mga nagawa ko at sa sinabi ko kanina. Pero hindi ko magawa kasi ang bigat parin nito. Siguro kapag medyo nabawasan na ang feelings ko para sa kanya pwede na.

"Ate kung alam mo lang"

Yan ang huling narinig ko mula kay Audrey

Nagleave ako ng mga isang buwan upang magpahinga at magbakasyon pumunta kami ng boracay ni Audrey upang magbonding at magsaya way ko narin ito para kalimutan siya. Lumipat natin kami ng bahay, bagong bili yun mula sa ipon ko.

Unbranded HeartWhere stories live. Discover now