CHAPTER 9

28 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa pinto palabas ng rooftop. Gusto kong sumigaw, Gusto kong umiyak , gusto kong ilabas ang problema sa mundo, gusto ko ng maging masaya. Ang bigat ng bawat hakbang ko kasing bigat ng dinadamdam ko dito sa puso ko. Nilalamon na ako ng lungkot at hirap.

"AHHHHHH! AHHHH!! AHHHH!! LETCHE KA RIN! LETCHE KA! KASALANAN MO ANG LAHAT! KASALANAN MO KUNG BAKIT MALUNGKOT KA! KUNG BAKIT NAIINIS KA NGAYON! KUNG BAKIT HINDI MO MAGAWANG MAGING MASAYA...."

Bumuhos na yung luha ko at hindi ko na napigilan, humagulgol na ako ng iyak.

"AHHH! WALANG TATANGGAP SAYO! HINDI KA NIYA GUSTO DIBA! HIRAP NA HIRAP SILANG INTINDIHIN KA!? HIRAP SILANG MAHALIN KA! MASYADO KA KASING AMBISYOSA! AHHH!"

Pinahidan ko yung luha ko.

"Mama,papa hirap na hirap na po ako, pagod na ko ng magtiis bumalik na po kayo"

Patak ng patak ang luha ko na parang walang katapusan. Hikbi ako ng hikbi at pinipilit na huwag umiyak para tumigil na.

"Iiyak mo lang"

Napatingin ako sa gilid ko kung saan nakita ko si sir Lix na nakatayo pero nakatingin sa kawalan.

"Okay lang maging malungkot minsan"

Nakatingin parin ako sa kanya.

"Katulad ng okay lang din maging masaya"

Ibinaling ko ang tingin ko sa iba habang nakikinig.

"So kanina ka pa dyan at narinig mo yung sinabi ko?"

"Ganun na nga"

"I like this"

"Ha?"

"The way you talk to me"

"Haras ko nga magsalita e."

"Cause i feel comfortable with you like theres no boundary between us. Walang po at opo, walang sir, walang hiyaan, kapag kausap kita para akong normal na tao."

"Ayaw mo ba ng nirerespeto ka nila? At ginagalang?"

"Dahil sa pera ko? Hahaha"

"Gusto kong maranasan yung buhay na meron ka ngayon."

"Gusto mo ba talaga?"

"Oo"

Hindi na siya umimik at hindi narin ako umimik nakatingin nalang kami sa kalawakan.

"Gusto ko maging star"

Binasag niya ang katahimikan namin.

"Bakit naman? Para maging superstar ka? Hahaha"

"Hindi para maging liwanag ako sa kadiliman ng puso ng isang tao."

Napatingin ako sa kanya pero nakangiti lang siya. Ang gwapo niya at mabuti siyang tao ang swerte ng magiging syota neto.

"Ilang taon ka na nga pala?"

Tanong ko.

"24"

"Ako naman 22 at meron akong 2 kapatid"

"Anung pangalan nila? Audrey yung bunso at si ate Nicka hindi niya kami matanggap magkapatid at hindi din siya kilala ni Audrey"

"Ha? Bakit hindi niya kayo matanggap?"

Humiga ako at ipinatong ang dalawang kamay ko sa tiyan ko at ganun din siya pero yung isang kamay niya ay nasa ulo niya.

"Secret lang natin to ha! Sobrang tagal ko na tong gustong ilabas hindi ko lang alam kong kanino, pero dahil sasabihin ko sayo ibig sabihin pinagkakatiwalaan kita."

"Di ko sasabihin promise"

Iniabot niya yung kamay niya sa akin.

"Para san to? Shake hands?"

"Para sa promise"

"tsk."

Napangisi nalang ako at nakipagshake hands sa kanya.

"Bata palang kami ni ate close kami hanggang sa humiling kami kay mommy at daddy na baby sister kasi gusto namin magkaroon ng isa pang kapatid. Mayaman pa kami nun at kaya kong makuha ang gusto ko pero nung nagkasakit si Mama at naubos ang yaman namin. Ipinagbubuntis niya noon si Audrey at nung nasa delivery room  na iyak ng iyak si mama at rinig na rinig ko nang sinabi niya na iligtas ang bata at huwag daw siya. Alam ko na may possibility na ikamatay niya yun. Pero wala akong nagawa. Iyak lang ako ng iyak sa labas habang ang ate ko ay naiwan sa bahay. Bumuhos nalang ang luha ko ng malaman kong patay na si mama pero buhay ang baby yun si Audrey. Simula nun nagalit na siya sa amin kasi sinisisi niya si Audrey ang may kasalanan ng lahat. Namatay naman si papa sa sobrang depress."

Napapikit ako pumatak ang luha sa pisngi ko. Naramdaman ko nalang ang mga daliri niya na pinapahidan ang mga luha ko.

"Grafil, nagmahal ka na ba?"

"Hmmm?"

Tumagilid ako upang makaharap ko siya. Pero this time nakapikit lang siya.

"Basta kahit anung mangyari wag kang magababago ha!"

"Ang layo naman nun sa tanong ko"

Nanatili kami sa ganung posisyon sya nakapikit at ako nakatitig sa kanya. Minememorize ko ang mukha niya. Lage mo akong sinasagip sa kalungkutan, sana wag akong mahulog sayo.

Unbranded HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon