CHAPTER 1

88 0 0
                                    

HER POV

"Your hired, pwede ka na magstart tomorrow be on time ayaw ko ng tamad"

"Thank you po talga, promise po pagbubutihin ko po ang trabaho ko"
(Linya ng mga nagbabalat-kayong employee)

My name is Jirin

Kausap ko yung manager nitong restaurant na ina-applyan ko buti nalang at natanggap na ako sa trabaho maraming beses na akong nag-aaply pero dito palang ako natanggap. Panget ba ko? Hindi ba ko katanggap-tanggap? Pero maganda naman ako kaso wala akong kaayos ayos parang high school palang ako kahit ang totoo ay college na ako hindi pa ako makabili ng make-up o lipstick manlang, poor kid kasi pero yayaman din ako maghahanap ako ng may lahi at mayaman na asawa para instant ang pera.

Palabas na ako ng building nung restaurant at habang nagsusuklay ako binangga naman ako ng isang papansin na lalaki na gustong makuha ang atensyon ko.

"Naku! Naku! Sorry Miss late na kasi ako"

Habang nakatingin sa relo nya at parang nagmamadali sya.

"Nagmamadali ka ba?"

Binigyan niya ko ng WTH look dahil sa tanong ko, na parang ambobo ko na ako na ang pinakahampas lupang nilalang na nakausap niya.

"Ta-nga-ka-ba-o-bo-bo?-o-bingi?"

Utay-utay kong binanggit bawat syllables na sa sobrang bagal ay umuusok na ang ilong nya.

"Miss sorry na okay pero nagmamadali kasi ako eh may kailangan pa akong gawin. Sobrang importante nun kaya kung wala kang sasabihin aalis na ko pwede ba yun?"

"ABA! ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MONG LALAKI KA!"

Pinagtinginan kami ng mga tao sa loon ng restaurant at wala akong pakialam sa kanila.

"Uyy miss ang lakas ng boses mo"

"ANG LAKAS NG LOOB MONG SIGAW-SIGAWAN AKO SA HARAP NG MARAMING TAO"

Lalo ko pang nilaksan to the highest level.

"Anung ako, wala naman akong sinasabing masama sayo a"

"SA HARAP NG MARAMING TAO, GOODNESS IKAW PA ITONG GALIT"

"ANU BA!!!!!! Tumahimik ka na okay"

Medyo napasigaw siya dun sa 'Anu ba' kaya kung mapapansin nyo malaki yung pagkasulat ni author diyan.

"OH DIBA SUMISIGAW KA NA NAMAN"

"Takas mental ka ata e o nagpapansin ka lang sa akin ha?"

Lumapit sa amin yung isang waiter at kinausap kami habang nagaaway.

"Excuse me sir,mam kailangan  niyo na pong lumabas nakakaistorbo na po kayo sa ibang costumer, kung may problema po kayo sa pamilya nyo wag po dito, pag-usapan nyo po ng maayos"

"HINDI KO SIYA ASAWA!"

Sabay naming sabi na halos yanigin na ang buong restaurant. Wala kaming nagawa kundi lumabas pareho sa isinumpang building. Nandito kami ngayon sa labas na halos patayin ko na siya sa tingin.

"Tsk. Problema mo?"

Tanong niya sakin kasabay ng pagtaas ng ulo niya na parang hinahamon nya ako.

"Kasalanan mo to kung hindi mo ako binangga hindi ako..."

Napatigil ako sa pagring ng cellphone ko kinuha ko yun sa backpack ko upang tingnan ang punyetang walang utak na nagtext.

From: Audrey

Ate Rin nandito ako ngayon sa ospital may dugo ako. Mamatay na ba ako?

Kapatid ko lang pala. Anu? May dugo? Nabaril ang kaawa awa kong kapatid? Hindi naman kami kasali sa gang o wala naman kaming pera, maganda lang kami. Bakit?. Bigla akong tumakbo ng mabilis at nalimutan kong may kausap pala ako.

"Hoy! San ka pupunta! Aiishh"

Sobrang layo ko na sa kanya at sana hindi na kami magkitang muli bwisit siya.

After tick-tock nandito na ako sa ospital

"Nurse nasaan po dito yung nabaril na bata?"

"Anung pangalan?"

"Jirin Loyzaga po ang pangalan ko? Bakit?"

"Hindi po pangalan mo. May Loyzaga dito pero Audrey lang"

"Yun na nga po, ang bobo mo naman"

"Ako pa talaga ang bobo, e wala ka ngang common sense"

Binigay niya sakin yung room number at tinarayan ko nalang sya kasi di naman siya maganda.

Nandito na ako sa tapat ng room niya at nakikita ko siya sa salamin na nakahiga at nakadextrose. Kawawa naman ang kapatid ko. Bakit ba nangyayari sa amin ito. Hays. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok upang tingnan ang kalagayan niya. Nakatitig at tulala lang ako sa kanya habang naaalala ko ang mga pinagdaanan namin ng kaming dalawa lang sa earth.

"Ate, okay ka lang?"

"Gising ka na pala"

Nginitian ko nalang siya ng malawak na malawak, malawak pa sa pangarap mo. Hindi ko namalayan na tumulo na pala luha ko.


Unbranded HeartWhere stories live. Discover now