CHAPTER 5

41 1 0
                                    

"Wala naman akong balak magsorry sayo"

Kinuha ko yung tinidor sa cake niya at tinutok sa kanya.

"Taas talaga ng pride mo noh!"

"Magsosorry ka o magsosorry ka?"

"No"

"Magsosorry ka o sasaksakin kita?"

"No"

"Magsosorry ka o kakain ko yang cake mo?"

Gutom na kasi talaga ako e wala naman akong pera kasi wala naman akong trabaho kaya kukunin ko nalang pagkain niya.

"No padin"

"So No pala!..."

Hinila ko yung cake niya

"So akin na toh"

Kinain ko na yung cake at hindi na siya nakapalag pa.

"Hindi ka talaga nahihiya sa akin noh?"

Kalamado niyang sabi, ewan ko ba kung bakit ang bait padin niya kahit inaaway ko siya.

"Bakit naman ako..."

Tutok ng tinidor sa kanya

".....sayo e pare-pareho lang tayong kumakain ng kanin.."

Tapos bumaba yung tono ng boses ko.

"... magkakaiba nga lang tayo ng ulam"

Alam kong naintindihan niya ang nais kong iparating kasi matalino siya at mayaman.

"Oh bat nakangiti ka?"

Nakangiti amputek e, baliw na ata ito.

"Every fighter has weak side"

"Tao din naman ako kapag pamilya ang pinaguusapan it's either na maduduwag ako o tatapang ako,depende yun"

Naubos ko na yung cake niya at tumayo na ako kasi maghahanap pa ako ng trabaho.

"Hey! San ka pupunta?"

Pigil niya sa akin.

"Sa langit sama ka?"

Tumawa lang siya tapos muling nagsalita.

"Seriously san nga?"

"Tatawa ka tapos sasabihin mo seriously? May saltik ka ba? Maghahanap ako ng trabaho sir salamat sa cake."

Naglakad na ako ng mabilis baka magbago pa yung mood niya at hagisan ako ng tinidor sa likod mahirap na.

"Wait! Wait!"

Napalingon ako sa kanya.

"I can offer you a job, as an executive assistant in my company."

"Jinja??"

Nagulat talaga ako sa sinabi niya. For real parang tumatalon yung puso ko sa saya.

"Anu?"

"Sabi ko po sir, Really?"

"Yes, you can bring your resume tomorrow."

"Thank you po sir, thank you talaga!"

Yumuko-yuko ako sa kanya bilang paggalang habang nagtethank you. At nabawasan na naman ng isa ang pride ko, kaya 98% nalang. Hays.

Lumabas na din kami ng cafeteria ako naman ay sobrang saya. Habang papauwi na ako dumaan muna ako kay Mang Kulas.

"Hi Tang(Tatang) "

Masaya ako niyan^_^

"Mukhang masaya ka ata ngayon a?"

"Yes po! At dapat maging masaya din kayo kasi yayaman na ako"

"Hahaha ikaw talagang bata ka"

Pagtawanan ba naman ako, good news kaya ito

"Tang yayaman na ko kasi may trabaho na ako at mababayaran ko na yang fishball na utang ko sa inyo."

"Yung tulong mo sakin ay di ko mababayaran sayo kahit buhay ko pa ang kapalit kaya wag mo ng isipin yun"

"Pero basta po babayaran ko kayo"

At pasasarapin ko yang fishball nyo. Hehe. Maldita with a heart parin naman ako besh.

"Hi ate! Kumain ka na"

Niyakap ko si Audrey ng sobrang higpit.

"Bakit ate?"

"Wala namiss lang kita, pakiss nga!"

"Yuck ate wag ka nga, ang baho mo"

Tas nilalayo niya yung mukha niya sakin at tumakbo palayo. Sana lang, wag ganyan ang gawin mo sakin kapag nalaman mo ang totoo Audrey.

"Good morning ate kong maganda"

Lumawak yung ngiti ko kasi alam mo na may maganda talaga sa umaga walang iba kundi 'ako'.

"Ang ganda ko"

"Ate naman ang kapal ng mukha mo"

"Di ka na nasanay"

"First day mo ngayon diba?"

"Hindi pa yun sure magpapasa pa ako ng resume"

"Okay lang yun maligo ka na at magpakabait ka dun wag kang magsusuplada dun ha"

Paalala niya sakin at kung anu-anu pang bilin. Oo na, magbabagong buhay na ko noh!

Nag-abang na ako ng taxi at nagpahatid sa LINEXX Company, ang taas ng building mga 50 floors to. Hanep baka masuka ako dito sa taas nito. Syempre sa guard muna ko tumingin kasi nga crush ko sya noon pa diba si Klein.

"Good morning po"

Konting pacute kay guard gwapo e.

"Good morning din"

Nagaalinlangan niyang sagot sakin.

Pumasok na ako sa loob at pinuntahan yung sinabi ni Mr. Lee. Sinubmit ko dun babae at irereview daw nila yun.

"bakit wala ka manlang kaayos-ayos?"

"Simplicity is beauty"

"Pero para kausapin ka ng tao kailangan mong maging presentable"

"Maganda naman po ako"

Napaface palm yung babae at tatawagin nalang yung pasado.

After many minutes.....

"Mikaela Paigo"

"Jinri Loyzaga"











Unbranded HeartWhere stories live. Discover now