"Kabaong"

18.9K 337 52
                                    

Ito ay kuwento ng kaibigan ko nung high school kami. Mga year 2013.
Nangyari ito sa kanya nung siya ay mga edad walo o siyam.

Regh POV:
Dumalaw kami sa probinsiya namin, sa lolo at lola namin, may reunion daw sabi ni mama.

Pagdating namin doon tuwang tuwa kami ng mga pinsan ko. Yakapan dito, yakap doon palibhasa ay madalang magkita-kita dahil magkakalayo na ng lugar na napagtirahan.

Palibhasa ay mga bata, puro laro ang nasa isip, nariyang magkayayaang maglaro ng patintero,piko, luksong baka at iba pa.
Nang makaramdam kami ng pagod ay nagpahinga na muna kami, sakto naman na nagtawag na sila mama at mga tita na magmerienda daw muna kami.

Habang kumakain ay nagkukuwentuhan kami, sabi ng isa kong pinsan pag natapos kaming magmerienda ay maglaro daw kami ng taguan. At yon nga! Nagtakbuhan na kami sa labas para maglaro.

Papadilim na noon kaya mas malamig na ang simoy ng hangin at tamang tama sa naisip naming laro dahil hindi makikita agad yung hinahanap ng taya.
Nataya ung isang pinsan ko, kani-kaniyang tago na kami.

Lumayo ako ng pinagtaguan para d ako makita agad. Hanap hanap at hanap pa ng tataguan sa banda pa roon hanggang sa makita ko ang isang napakalaking puno ng akasya. Sa sobrang laki niyon ay pwede ng mahiga sa gawing paanan para lalong hindi makita.

Ang bilis magdilim ng paligid, may narinig akong kaluskos ng naapakan na mga tuyong dahon kaya inisip ko na baka yung pinsan ko na naghahanap.. Narinig ko na papalapit siya sa pinagtataguan ko kaya umikot ako ng dahan dahan sa paligid ng puno, nakita ko na nasa kabilang puno pa siya na tila may hinahanap. Kaya naghanda na akong tumakbo para maka "safe" ako.

Umaatras ako para maihanda ko ang sarili ko para tumakbo, sa kakaatras ko ay natalisod ako sa isang bato at nabuwal ako.. Dahan dahan akong tumatayo habang hinihilot ko ang nasaktan kong paa ng biglang mauntog ang ulo ko.. Nilingon ko ang bagay na napagkauntugan ko, at ganon na lang ang pagkabigla ko ng makita ko kung ano iyon.

Isang kabaong!!!
kulay itim na makintab na makintab! Lumulutang ito sa aking ulunan! !

Hindi na ako makagalaw ng mga oras na yon! Hanggang sa magdilim ang lahat sa akin.

.....Nang magising ako ay tirik na ang araw, nakabantay ang mama ko at ang mga pinsan ko sa akin. Ayon sa kanila, halos dalawang oras daw nila akong hinahanap bago nila ako natagpuang walang malay sa malapit sa malaking puno. Ikinuwento ko sa kanila ang nangyari pero sabi ng matatanda ay baka dahil lang iyon sa pagod ko. Pero paano nila ipaliliwanag ang bukol ko sa ulo sanhi ng pagkakauntog ko ng gabing iyon. Dahil wala namang mabababang sanga para mauntog doon dahil pawang matataas ang mga puno.

Bagamat hindi naniwala ang matatanda, o sadyang may alam sila...  Ang mga pinsan ko naman ay ayaw na ring maglaro sa lugar na iyon lalong lalo na kung madilim na. Mahirap nga namang maranasan ang kagaya ng nangyari sa akin..

Ikaw?... Paano ang gagawin mo kung ikaw ang mauntog sa lumulutang na KABAONG?..


A/N: thanks for reading!.

Go to the next story!
Enjoy!!!!😉

The Unforgettable Horror Experience(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon