15: A Moment

171 11 7
                                    

Ipinusod ko ang aking buhok dahil nagliliparan na ang mga ito sa bilis ng pagpapatakbo ni Jane ng kanyang topdown. Matapos noon ay isinuot ko ang aking oversized sunglasses. "Bakit kasi ang bilis-bilis mong magmaneho?" tanong ko sa kanya.

"Excited na kasi akong mag-spa. Ang tagal na nating hindi ito ginagawa. Kailan ba iyong last?" sagot niya habang diretso pa rin ang tingin sa kalsada. Sadya niyang binubuksan ang topdown niya kung ang lakad namin ay around Antipolo lang.

"Hindi ko na matandaan. Basta, last year pa 'yon eh."

Niyaya akong mag-spa ni Jane nang ma-i-pamper naman daw namin ang aming mga sarili naipasa namin ang lahat ng exams namin. Reward na rin ito sa mga sarili dahil sa sunod-sunod naming trabaho sa bakeshop.

"I'm sure magugustuhan mo ang place, Sophie. I just discovered a spa haven and I'm so excited for you... este for us pala." Binuksan niya ang music player at nilakasan nito ang volume. Ibinaba niya mula sa kanyang ulo ang naka-headband na sunglasses at pinatong niya ang kanyang siko sa pintuan ng topdown. Ang isang kamay niya ay naiwan sa manibela.

I really wanted to treat myself for a spa but we never talked about it since like forever. Buti na lang naisipan ni Jane ito. Mas natutuloy talaga ang plano kung biglaan.

"Why does it seem to be dark in here? Brownout yata. Wala silang generator, Jane!"

Narinig ko ang mahinang paghagikhik ni Jane at na-weirduhan ako sa kanya.

Maya-maya pa ay may lumiwanag sa isang sulok na mula pala sa mga sindi ng mga kandila. Pagkatapos ay may mga nagkantahan ng...

♪ Happy birthday, Sophie! Happy birthday, Sophie! Happy birthday, Happy birthday! Happy birthday, Sophie! ♫

Nagsimulang mag-flash ang camera phones sa'kin.

"Hey, guys, sino-sino kayo rito, huh?"

Bumukas ang ilaw at nakita ko ang close friends kong nakasuot ng pink bathrobes paired with bedroom slippers na may mga burda ng logo ng spa. I found my sister Marcia carrying the cake with Johan. Then there's Emma, Ashley, and even our gay friend Mac, who are all circled around me.

"Hala! Gosh, this is such a surprise!" tuwang-tuwa kong sabi. " You, Marcia! Sabi mo may lakad kayo ng boyfriend mo."

"Siyempre, sabi ko lang iyon."

"You didn't see it coming, right? Ang galing ko ba magpanggap?" biro sa'kin ni Jane.

"I was totally clueless!"

"Come on, blow the candles na!" pagyaya ni Ema. "Hindi na kasi makapaghintay iyong isa rito eh," sabi niyang sabay sulyap kay Mac.

"Ako na naman ang nakita mo! Palibhasa hindi ka maka-relate sa'ming mga girls dito noh," buwelta sa kanya ng pinakamakinis na lalaking nakilala ko. Sana naging totoong babae na lang si Mac.

"Go, Sophie! Make a wish and blow your candles na!" udyok ni Ashley.

"Ang tagal pa kaya ng birthday ko!" I don't know what came to their minds to prepare a birthday party for me, eh next month pa ang birthday ko. Magtatampo talaga ako kung nakalimutan nila ang totoong date ng aking birthday.

"Just blow those goddam candles, Sophie! Baka matunaw na ang mga iyan! Ayaw kong kumain ng melted candle flavored cake!" biro ni Jane, na siyang ikinatawa nilang lahat.

Lumapit ako sa cake kong pinaghalong pink and white, and decorated with floral icing around it. Parang small version ng isang cake na pang-debut! It looks very pretty!

"Johan baked that for you!" pagmamalaki pa niya.

Tiningnan ko si Johan na siyang kasama ni Marcia sa paghahawak nito. Parang nahihiya siyang nangingiti with a gleam of hope in her eyes.

Going the Distance (Book #1 of Distance series)Where stories live. Discover now