13: Gatecrashed

190 11 18
                                    

"Real love is rare but fake words and promkses are everywhere."
-The Diary for Life

🤍🤍🤍

"Fiction"
by Adib Sin

♪ Are you with me?
Is this fiction?
I've always known you
Since the story began
Can you feel me
In these moments?
I'll keep on searching
'Til I no longer can ♫

🧳🧳🧳🧳

It occurs to me that love is like a gatecrasher, who shows up in a party perpetually uninvited. This is one of the things that love does best-- it gatecrashes your heart and catches you off guard the least you expected it.

It runs down its own path. It doesn't have an itinerary to follow. And it doesn't have a time set needed to be in love.

Kahit sandali pa nga lang, o sa loob ng isang araw, ay pwede kang ma-in love agad sa isang tao. Minsan pa nga, hindi lamang iisang beses na ma-re-realize mong in love ka na. Paulit-ulit na ipapaala ng puso mo sa iyo na ikaw ay in love, hanggang sa hindi mo na iyon maipagkakaila at gusto mo na iyong ipagsigawan.

Tulad ngayon, gustong-gusto kong ilabas ang sinisigaw ng puso ko... Mahal na kita, Andy!

And I hope he feels the same way. I don't know how he feels exactly about me, but last night, he told that he has a soft spot for me.  That I am special.

Inabot na ako ng sikat ng araw sa pakikipagkuwentuhan sa kanya. Kung hindi lang niya ako pinilit ay hindi pa talaga ako matutulog. Kinakailangan ko rin kasing mag-restock ng baking needs and we have about six cakes to bake and deliver this Saturday.

May lakad rin daw sila ng pinsan niyang si Bruce na siyang housemate din niya sa apartment. Pinakilala niya kami sa isa't isa sa webcam.

In the trenches of my blanket, while I browse his pictures in my phone, and admired his features as I zoom in his photos, I felt the lightness in my limbs and I knew I am feeling it already. I realized I'm in love with him. And I want to know if what we're having is real.

"So Sophie, what do you want for a gift?" tanong ni Dad out of the blue, dahilan para maputol ang pagde-daydream ko. Kasalukuyan kaming nanananghalian sa patio ng aming garden.

"Daddy, in three months pa po ang birthday ko," sagot ko sa kanya pagkatapos humikab nang malalim. Kakagising ko lang at ni hindi pa ako nakakaligo. Naghilamos lang ako matapos akong gisingin ni Manang Delma para mananghalian.

"

Ah ganoon ba? Isipin mo na lang na advanced gift ko ito sa'yo."

"New car, Ate! Luma na iyang kotse mo eh," suhestyon ni Marcia.

"Hindi ko kailangan ng bagong kotse. My Rav 4's working perfectly at alagang-alaga ko iyon. Gift sa'kin iyan ni Mom so I cannot give it up."

"Tito, love na love kasi ni Sophie ang car niya." sabad ni Jane na kasama naming nagla-lunch.  Umaga pa lang ay nandito na siya para magtrabaho. Ginising niya ako kaninang umaga pero inamin kong nag-chat kami ni Andy kaya napuyat ako. Siya na rin ang namili ng baking needs. Nakapag-bake na rin siya ng dalawang cakes.

"I can understand where she's coming from," says Dad. He really knows. Tinanong na niya ako before kung gusto ko ng bagong kotse, para si Billie, si Marcia na ang gagamit. Pero humindi ako. Ayaw rin naman ni Marcia na mag-drive pa. Andiyan naman ni Mang Claudio o ang boyfriend niya kung kinakailangan niya ng service. Most of the time, mas prefer pa niya ang magtren para iwas traffic. Sa university belt kasi siya nag-aaral.

Going the Distance (Book #1 of Distance series)Where stories live. Discover now