12: The Sign

205 13 11
                                    

"You can ask the universe for all the signs you want, but ultimately, we see what we want to see when we're ready to see it."

-HIMYM-

🤍🤍🤍

"Teriffied"
by Katharine McPhee

♪ You said it again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark
And I'm in love
And I'm terrified
For the first time and the last time
in my only life ♫

🧳🧳🧳🧳

"Hi Sophie! Glad to see you here."  Looking surprised, Tristan's lips crack into a grin.  Tumayo siya sa kinauupuang barstool at lumipat sa tabi ko. Binaling niya muna ang tingin sa mestisuhing bartender upang kumpirmahin ang order kong mudslide bago humarap muli sa akin.  "My treat," dagdag pa niya.  Sinubukan kong tanggihan ang alok niya ngunit makulit siya.  He really doesn't take "No" for an aswer.  Ayaw ko nang makipagkulitan pa dahil hahaba lang ang usapan.

"You insisted and I lose," matabang kong sabi. "Since sinabi ng bartender na isa sa bestseller dito ang signature mudslide nila, I guess I should really give it a try."

"Is that how you thank a person who just gave you a treat?"

"I did not ask for it."

"That's the point.  You don't have to ask for it, especially when you're with me.," sagot niyang nakangisi pa.  My eyes practically roll inside of my head.  Nakakainis kasi ang pagka-presko. Kung ano ang kinapresko niya noon, ay doble na ito ngayon.  Hindi na ako sumagot pa dahil siguradong may sagot pa rin siya sa kung anomang sasabihin ko.  "Mag-isa ka lang na lumabas ngayon?" tanong niya.

"I'm with friends."

"With Jane?"

Medyo napagtaasan ko siya ng kilay. Kilala naman niya kung sino ang mga kaibigan ko pero tinatanong pa niya. "Yes. Jane, Ema, Ashley, Tom... you know them. They're up there," sabay mwestra ko sa mezzanine sa taas.

Ibinaling ko ang aking tingin sa hinahandang mudslide, habang may mga ilang bagay siyang kinikwento tungkol sa pag-aaral niya sa States, na sa totoo lang ay hindi ko masyadong pinagtutuunan ng pansin.  Isinerve na ng bartender ang inumin ko, habang si Tristan naman ay ipinagpatuloy ang pag-inom ng kanyang flavored beer. Hindi ko maiwasang hindi siya mapagmasdan. Kahit medyo madilim ay aninag ko pa rin ang kanyang mukha.

His loose, layered dark hair that's brushed to the side covers his forehead, partially concealing his left eye. He tosses his bangs up every now and then, revealing his expressive brown, almond eyes that widen, narrow, and blink as he talks.  Kapag minsang lumiliwanag naman ay nakikita ko ang ilang pekas niya sa kanyang pisngi. Si Tristan ay one-half Chinese, one-fourth American and one-fourth Filipino.  That explains his foreign surname Lee and freckles on his cheeks.

"Bakit ka nga pala nag-iisa rito sa baba? Feeling bored?" he asks, corking his brow.

"I just wanted to see if they offer anything special here.  Then you offered me this drink," I answer matter-of-factly.  Bahagya ko iniangat ang hawak na inumin.  

He continues talking about his life in the States but I'm having a tough time hearing everything he says because of the loud music.  Nagpapatugtog ang DJ ng dance remixes kaya unti-unti na ring napuno ang dance floor.  I cannot recall the number of times I told him, "What?", "Come again?" because the music is louder now.   He moves close to me, and then closer as he speaks, his face against my cheek. Ipinakita pa niya sa akin ang ilang letrato niya sa pagpasyal niya sa Las Vegas at Niagara Falls.  Patango-tango lang ako, habang inilalayo ang sarili ko sa kanya na isang dangkal na lang ang pagitan sa kanyang mukha.  Sa sobrang lapit ay amoy ko ang Clive Christian 1872 niyang pabango.

Going the Distance (Book #1 of Distance series)Where stories live. Discover now