Chapter 44: Give It To Me

Start from the beginning
                                    

"Fuck!" Mura ni Johann ng makita niyang patungo kami sa isang malaking puno.

Biglang nanlaki nag mata ko ng makita kong dire-diretso ang andar namin, yung preno! Dapat susubukan ko sanang pumunta sa driver seat pero bigla akong hinila ni Hanz.

Mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse ng makita nyang didiretso sa may pababa ng frostwood ang sinasakyan namin, halos sumabog yung dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko lalo na ng niyakap niya ako bago siya lumabas ng kotse.

Napakapit ako sa damit ng mahigpit sa sobrang takot na baka mabaltog ako dahil paniguradong kalsada ang bagsak naming dalawa. Napasigaw akong bigla ng maramdaman kong tumama na kami sa bato.

Mabilis akong napadilat para tingnan kung ayos lang ba siya, nakahiga siya sa kalsada habang nakapaibabaw ako sa kanya dahil pinilit niya talagang iikot ang katawan niya kanina para sa kanya tumama yung kalsada. Siya ang pinakanapuruan pero naramdaman ko kanina na tumama ang paa ko sa kalsada at parang napilay iyon dahil sa biglang bagsak naming dalawa.

"Ayos ka lang ba?" Halos magkasabay na tanong naming dalawa.

Natagilan kaming pareho bago kami bumalik sa huwisyo, kaya naman nagmamadali akong umalis sa ibabaw niya pero nakaupo pa rin ako sa kalsada, maski siya ay nakaupo lang din, kitang-kita ko ang mga gasgas niya sa braso.

"Ayos lang ako." Sabi niya sa akin bago niya pinagpagan ang damit niya at tumayo na sa pagkakaupo.

Inabot niya sa akin ang kamay niya para makatayo ako kaya naman tinanggap ko nalang iyon pero pagkatayo ko ay biglang sumakit ang paa ko kaya naman napakapit ako sa braso niya para hindi ako matuwad.

"Mukhang hindi ka ayos." Aniya bago siya umupo bigla kaya naman napabitaw ako sa braso niya at napahawak nalang ako sa buhok niya para hindi ako bumagsak. Naramdaman kong hinawakan niya ang paa ko pero iniwas ko iyon dahil na-awkwardan akong bigla.

"Ayos lang ako." Pagsisinungaling ko.

Tiningnan ko kung saan napunta ang sinasakyan namin kanina at nakita kong halos nakabaligtad na iyon habang nakatama sa puno, napapikit ako ng mariin ng bigla kong maalala ang mga tao doon. Hindi naman siguro sila namatay di ba?

Tumayo si Johann at hinawakan niya ako para hindi ako mabuwal.

"Dala mo ba yung cellphone mo?" Tanong ko sa kanya, tumango siya sa akin at dinukot niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa pero sabay kaming napangiwi ng makita naming halos mapino na ang LCD noon dahil sa pagkabasag.

"Ikaw ba? Dala mo ba yung iyo?" Tanong nito sa akin, mabilis akong umiling dahil iniwan ko yun.

"Mukhang wala pa namang dumadaan dito." Sabi niya sa akin bago niya inilibot ang buong paningin niya sa kinalalagyan namin ngayon.

"Medyo malapit lang dito yung bahay ko. Lakarin nalang natin." Aniya.

Napatingin tuloy akong bigla sa paa ko dahil naalala kong parang napilayan ako doon, papaano kung hindi ko kayanin na maglakad, alam kong niloloko lang niya ako noong sinabi niyang malapit dahil dalawang beses na akong napupunta sa bahay nyang yun and believe me, hindi siya malapit dito.

"Hindi ko kayang maglakad ng ganoon kalayo Hanz."

"Edi ipapasan nalang kita." Aniya pero mabilis akong umilis.

Kung titingnan ang kalagayan naming dalawa pareho kaming maraming gasgas at maliliit na sugat, pareho na rin na halos magviolet ang wrist naming dalawa dahil sa posas, teka! Yung susi nito?! Pano namin maalis 'to?!

Napabalik ang tingin ko sa kotse at muntik na akong mapaface palm ng makita kong hindi namin magagawang puntahan iyon dahil pababa na yun.

"You have no choice Lalienne." Mariin na sabi niya sa akin.

Blood Sweat & Tears: Mystery of Bangtan CityWhere stories live. Discover now