Chapter 12: Do you see him in me?

Beginne am Anfang
                                    

 Kumabog ang dibdib niya dahil sa sinabi nito at hindi siya tanga para hindi maintindihan ang ibig ipakahulugan nito sa salitang ‘espesyal na bisita’. Nagbaba siya ng tingin ng mapansin niyang naka kunot-noo na ang kuya Apollo niya.  

Parang may dumaan na anghel sa mga sandaling iyon dahil sa sobrang katahimikan. Kahit siya ay nanatiling tahimik na lamang habang tinitingnan ang laman ng plato niya. Natatakot din siyang tingnan ang kapatid lalo at ramdam niya ang mga titig nito sa kanya.

 “Van, hindi ba next week na ang inorganize mong charitable event?” basag ni Aliyah sa katahimikan na lihim niyang pinagsasalamat. Nang sulyapan niya ng tingin ang dalawa ay ganun na lamang ang kirot sa puso niya ng magkasugpong ang palad ng dalawa sa ibabaw ng mesa.  Nag-iwas na lamang siya ng tingin mula sa mga ito. Nasasaktan siya pero wala siyang karapatan kaya wala siya dapat maramdaman.

“Oo bakit?” maiksing sagot nito kay Aliyah.

“let’s invite them” Tukoy nito sa kanila. “Alam kong malaki ang maitutulong nila sa event na iyon. Okay lang ba sa inyo guys? Yung makukuhang pera sa event na iyon ay mapupunta sa ipapatayong hospital dito para sa mga mahihirap.” Nakangiting wika ni Aliyah.

“Sa lahat ng tulong ninyong mag-asawa sa akin I don’t have the heart to say no. If there is anything that I could do to help in that event don’t hesitate to tell me. I’m very much willing to help.” Sang-ayon agad ni Aludy na agad naman sinundan ng lahat maliban na lamang sa kanya at ng kanyang kuya Apollo. Ramdam niyang sa kanila na lang nakatingin ang lahat dahil sila na lang ang di pa nagsasalita.

She cleared her throat dahil pakiramdam niya ay hindi talaga magsasalita ang kuya Apollo niya. “I’m not sure kung makakadalo ako dahil may kalayuan din naman itong Tagaytay sa Manila but I assure you Aliyah na susuportahan ko itong event na ito. I might just send someone on my behalf.” Nakangiti niyang tugon.

“Tagaytay is not that far from Manila. Bakit hindi na lang ikaw ang pumunta?” tanong naman ni Aya katabi nito ang asawa nitong si Ariz na nakamasid din sa kanya.

Alanganin siyang napangiti. “eh kasi hindi ako basta pinapayagan nila kuya sa mga lakad kapag malayo na siyudad.” sagot niya habang sinulyapan ang kapatid na nakatingin lang sa kanya na hindi mababakasan ng ano mang emosyon.

“Ganun?” kunot-noong wika ni Aliyah. “Ang lapit lang naman nitong Tagaytay. Sige na Apollo payagan mo na si Joni she will be safe here promise.” Baling ni Aliyah sa kapatid niya.

“I don’t see anything wrong kung gusto ng kapatid kong tumulong. Eversince mahilig na iyan sa mga charitable events kaya nga napapahamak.” May diin sa salitang binitawan nito. “Hindi ka naman gagawa ng bagay na ikapapahamak mo kung payagan kita hindi ba Joni?” pakiramdam niya ay may mas malalim pang nais ipahiwatig ang kapatid niya sa kanya.

“of course not kuya.” She answered quickly in almost high pitch voice dahil sa pagkakataranta sa tanong nito sa kanya.

“Well then I trust you princess. Isa pa may mga bodyguard ka naman para magbantay sa iyo.” Sabi nito pagkatapos ay binalingan si Aliyah. “As much as I want to be here in that event ay hindi ako maaring pumunta. I need to leave to Canada tonight for some unfinished work.” Dagdag nito na bahagyang sinulyapan si Chrezzy na nakagawa ng ingay ng mabitawan nito ang hawak na tinidor.

“opps sorry.” Saad ni Chrezzy na bahagyang ngumiti ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang ang lungkot na nagdaan sa mga mata nito.  Dalangin niya sana hindi katulad ni Chrezzy ay nagawa niyang maitago ng maayos sa kuya niya at sa lahat ng andun ang emosyon niya patungkol kay Ivan.

Freunde Series 3: Captive Heart (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt