Chapter 8: Perfect Team

7.3K 166 2
                                    

Akalain mo iyon after more than a month,. naka-update ako,. haist ^_^

*****************************************************************************

Nagising si Joni ng umagang iyon ay agad siyang nagtungo sa banyo para maligo. Hindi siya dapat na maapektuhan ng nangyari sa kanila ni Ivan kagabi. May trabaho silang dapat ayusin. Paglabas niya ng banyo ay agad siyang nagtungo sa kusina. Kagabi pa siya hindi kumakain at kumakalam na ang sikmura niya. Pagdating niya sa kusina ay nandun na si Ivan at nagkakape. May mga pagkain na rin na nakahanda,.

“go-good morning.” Nautal niyang wika.

Tipid naman itong ngumiti. “good morning din. Kumain ka na. Hindi ka yata kumain kagabi. ” may pag-aalala sa boses nito.

“Sorry.” Sabi niya. Gusto niyang pukpokin ang sarili. Bakit naman iyon agad ang lumabas na salita sa bibig niya?

“Coffee?” tanong nito sa kanya.

Umiling siya bago nagsalita. “Do you have tea? Hi-hindi kasi ako nagkakape.” Nahihiya niyang wika.

Napakamot naman si Ivan sa batok. “Wala eh. Alam mo na, bihira lang naman kasi ang hindi nagkakape at hindi ko naman naisip na hindi mo gusto ang kape. I should have been more considerate.”

“Okay lang. May juice ka naman siguro dito.”         

“Yah there is. Wait, kukuha lang kita.” Sabi nito at akmang tatayo nang pigilan niya.

“ako na lang ang kukuha.” Sabi niya sabay tayo at lapit sa ref.

Pagbalik niya ay agad siyang umupo sa mesa at tiningnan ang mga nakahanda. Nag-umpisa siyang kumain at kahit isa sa kanila ay walang umiimik. Kahit paano ay naiilang siya dahil alam niyang pinag-mamasdan siya nito.

Nang mag-angat siya ng tingin ay nagkasalubong sila ng titig ni Ivan. Halos mahigit niya ang hininga sa kabang naramdaman ng magtagpo ang mga mata nila. Nagkatitigan lang sila at walang isa man sa kanila ang nagsalita. Napabuntong-hinga si Ivan at iyon anghudyat upang mag-iwas siya ng tingin.

“Joni, about yest—.” Mahina nitong wika.

“Pwede bang huwag na lang natin pag-usapan?” putol niya sa sasabihin nito. “I mean nangyari na and I’m not putting the blame on you alone. In the first place I really knew that it was my fault. Kaya lang nangyari na ang hindi dapat na mangyari. We made a mistake and hindi na natin iyon mababago. Let’s just forget it happened and we can focus on the project we have.” Sabi niya nang hindi tumitingin kay Ivan. Nahihiya rin naman siya dito lalo pag naiisip niya ang katangahan niya kagabi.

“Iyon ba talaga ang gusto mong mangyari Joni? Bale wala lang ba talaga sa iyo ang nangyari sa atin?” His jaw clenched at kung bakit ito galit ay hindi alam ni Joni.

oo iyon ang gusto kong mangyari dahil iyon ang tama.” Matigas niyang wika. Napailing naman ito sa sagot niya.

“At paano ka? You’re a virgin when I had you.” There is a trace of pride when he said it.

Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi nito. Nahirapan siya dito kahapon because just like Carl  nabiyayaan din si Ivan ng isang matikas na pagkalalaki. At dahil siguro sa isang beses lang may nangyari sa kanila ni Carl noon and that was the last time since she had sex. Hindi niya akalaing masasaktan pa rin siya ng ganun at much more ay duguin pa siya.

Freunde Series 3: Captive Heart (Completed)Where stories live. Discover now