Chapter 10: Gusto ko tayo lang

6.7K 148 2
                                    

Mabilis na pumasok si Joni sa loob ng main branch ng Squisito kung saan matatagpuan din ang pinaka opisina nito. Alam niyang doon niya matatagpuan ang kanyang kaibigang si Aludy. Halos hindi na sila nagkikita-kitang magkaibigan dahil pareho na silang busy sa kani-kanilang propesyon. How times fly. Dati ay hindi sila halos magkahiwalay na tatlo sa lahat ng lakad nila pero ngayon may sari-sarili na silang buhay. Hindi na sila tulad ng dati ng mga ito na halos araw-araw kung magkasama. Ngayon marami na silang intindihin at marunong na rin silang maglihiman sa isa’t-isa. Kung siya ay naglilihim sa kanyang secret affair kay Ivan si Aludy naman  ay pinaglilihiman sila sa mga death threats na natataggap nito.

“anu meron dito?” bungad niya agad ng naabutan naman niyang kausap ni Aludy si Shyne kasama ang fiancé nito.

Binati naman agad siya ng mga ito at saglit pa silang nag-usap tungkol sa bid nila dahil na rin sa pagtatanong ni Dave.

“How much is the project worth?” tanong ulit ni Dave. Nakita niya ang pag-ikot ng mga mata ni Aludy tanda na nabobore na ito sa usapang negosyo. Si Shyne naman ay napaka attentive sa bawat sasabihin ni Dave. Masaya siya para sa kaibigan at may kinahinatnan din ang mga panliligaw nito noon kay Dave.

“17.5 billion, geezz it’s a real big project and it’s a joint venture with Roxas Equity Ventures and Inc. I really need to focus on this project and win the bid para hindi ako itapon pabalik sa Canada.” Determinado niyang wika. Hindi na lamang niya sinabi na naipanalo na talaga nila ang bidding. Final draft na lamang ng kontrata ang inaayos at pirmahan na para masimulan ang project. She knew Ivan did everything just to win the bid at proud talaga siya para sa lalaki. Kaya lamang sila bumalik ay dahil sa may aayusin ang lalaki sa kapitolyo at siya naman ay sa opisina niya.

“ikaw na Joni, goodluck” biro ni Aludy sa kanya.

“hoy hindi iyan ang pinunta ko dito.” Seryosong niyang sabi dito. “Tumawag ako kanina, sabi ni Chrezzy may nagpapadala daw sayo ng ulo ng pusa kagabi. Anu okay ka lang ba?” nag-aalala niyang tanong.

“kanina pa ako dito pero hindi mo man lang binanggit iyan.” Inis na wika ni Shyne pero bakas din dito sa pag-aalala para sa isa nilang kaibigan. 

Aludy bit her lip and she heard her cussed. “sorry nawala sa isip ko at isa pa okay lang ako. tinutulungan ako ni Robert. May kinuha nga siyang security guards for me at imbestigador para mapadaling malutas ito. No need to worry.” Assurance niya.

Hindi naman nagtagal at nagpaalam na rin si Shyne at Dave dahil may gagawin pa daw sila. Naiwan sila ni Aludy na nag-uusap. Joni rolled her eyes nang makita kung sino ang caller.

“Kuya Hitler, I need to take this” sabi niya at bahagyang lumayo kay Aludy para sagutin ang tawag ng kanyang Kuya.

“Yes kuya?” bungad niya sa kapatid na nasa kabilang linya.

“How’s everything in there?” tanong agad nito.

“Everything’s fine kuya Hit. We won the bid.” Masaya niyang balita

“Good. I’ll be in Manila soon. I need you to find me a maid. I got to go princess I have a meeting. Love you.” Hindi pa man siya makasagot ay nawala na ito sa linya. Hindi niya naiwasang mapamura. Kung darating ang Kuya niya paano na sila ni Ivan? Or maybe it’s just right na darating ang kuya niya para matigil na ang kahibangan niya. Napangiwi siya sa kaisipang iyon dahil agad na tumutol ang puso niya. Paano niya titigilan ang isang kahibangan kung iyon naman ang muling bumuhay sa kanyang damdamin pagkalipas ng halos limang taon. Napailing na lamang siya at inamin sa sariling hindi niya kayang layuan si Ivan.

Freunde Series 3: Captive Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon