Chapter 7 start of a sinful affair

7.9K 173 2
                                    

I'm so thankful that i was able to write this chapter sa kabila ng madaming gawain sa school. :) 

enjoy..........

****************************************************************************************

Isang linggo pagkatapos niyang matuklasan ang nangyari kay Carl ay sinubsob niya ang sarili sa trabaho. Iyon naman ang tama niyang gawin para tuluyan itong makalimutan.

Tatlong araw na lamang at kailangan na nilang i-submit ang kanilang proposal sa bidding ng Airport Expansion katulong ang kumpanya ni Ivan. Hindi man sila nag-kausap ng lalaki ay maayos naman ang lahat sapagkat wala namang naging problema at madali silang nagkasundo ng mga tauhan nito.

Nakasubsob siya sa pagbabasa ng bid sheet ng kanilang proposal upang masiguradong wala siyang alalahanin at magiging problema. Naka pokus ang kanyang atensiyon sa kanyang ginagawa ng walang kaabog-abog na bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Napaangat siya ng tingin at pakiramdam niya ay biglang hinalukay ang tiyan niya ng makasalubong ang matitiim na mga mata ni Ivan. He looked so tired pero gwapo pa rin ito.

“May.. may kailangan ka?” nauutal niyang tanong dahil sa pinaghalong kaba.

Bakit naman kasi kung kailan niya gustong kalimutan si Carl ay siya namang pagbabalik ni Ivan? Ipinapaalala muli nito ang kanyang nakaraan.

“We need to get to Cebu today. May malaki tayong problema at mas mabuti na doon na natin ayusin para hindi tayo gahulin sa oras at maayos natin bago pa ang pormal na bidding.” Seryoso nitong wika.

“Anu naman ang problema? Tatlong araw pa gaganapin ang bidding. Bakit kailangan nating pumunta doon agad? Isa pa, akala ko ba si Engr. Cortez ang inatasan mo na humawak niyon. Bakit nangingialam ka?”

“Yes I did assign it to him but it seems he wasn’t able to handle it well. Besides, I am the boss. I still have the final say in everything especially when it concerns my company. Now, I need you to come with me to Cebu para ayusin nating lahat ito.”

“I’m not going there with you unless you tell me what’s going on? Anu ang problema?” nag-aalala na rin niyang tanong.

“I got an information na nakuha ng pinaka mahigpit nating kalaban sa bid ang proposal na gawa niyo.”

“what? paano mo naman nalaman iyan? Atsaka paano nagkaroon ng leakage ang proposal na iyon?” Magkasunod niyang tanong. Hindi siya makapaniwala na nangyari iyon.

“I don’t know how it happened. Pina-iimbestigahan ko na rin kay Hector ang pangyayari. Now, will you come with me in Cebu at doon na natin ayusin ang problemang ito hanggang sa mismong araw ng proposal.”

“God, I can’t believe this is happening. Mananagot sa akin kung isa sa mga tauhan namin ang may gawa nito.”

“tsaka na natin iyan isipin pag alam na natin kung sino ang may pakana nito. Kailangan nating makarating sa Cebu para maumpisahan na natin ang pag-aayos nito.”

Ilang oras pa at nakarating na sila sa cebu. Hindi na rin siya nagtaka nang may sumundo sa kanila sa airport. Hindi pa nag-isang oras ay tumigil sila sa isang Asian contemporary design na bahay na malapit sa tabing dagat. Katamtaman lamang ang laki nito.  Fully landscape din ang harapan nito at talagang napahanga siya sa rest-house nito.

“where are we?” tanong niya ng makababa sila ng sasakyan.

“In my resthouse. Mas mabuti na dito tayo tumigil mas makakapag-isip tayo dito ng mabuti.” Sagot nito.

Freunde Series 3: Captive Heart (Completed)Where stories live. Discover now