Chapter 11: Ganun na lang ba iyon?

7K 149 0
                                    

Busy si Joni sa pag aaral ng mga papeles ng pumasok ang kanyang sekretarya. “Ma’am si Mrs. Roxas po nasa labas gusto daw po kayong makausap.” Bungad nito.

Bigla naman siyang kinabahan. May alam na ba ito? Alam niya ay sobrang maingat sila ni Ivan sa mga galaw nila upang walang makaalam sa lihim nilang relasyon. Kung si Ivan lang ang masusunod ay gusto na lang nitong makipag hiwalay na lamang ito sa asawa pero siya ang pumipigil ditong gawin iyon. Mahal niya ito pero ayaw niyang lumaki ang anak nito na walang ama. Minsan naiinis na siya sa sarili niya dahil alam niya kung ano ang tama at dapat niyang gawin pero hindi niya tuluyang maiiwan-iwan ang lalaki.

“Ma’am, papapasukin ko po ba?” untag ng secretary niya na ikinaputol ng kanyang pag-iisip.

“Yea.. yeah of course send her in.” medyo nauutal niyang sagot. Paglabas ng secretary niya ay agad niyang inayos ang kanyang sarili. She took a deep breath trying to calm herself. Pakiramdam niya kasi ay may nagtatakbuhang daga sa dibdib niya. Kinakabahan talaga siya sa biglang pagsulpot nito.

“Hi Joni. I hope I didn’t disturb you dahil sa aking sudden appearance dito sa office mo.” She said and smiled sheepishly at her. Napailing siya dahil sa napaka charming talaga nito. Minsan nga iniisip niyang ano ang mas nagustuhan sa kanya ni Ivan samantalang mas maganda naman yata sa kanya ang asawa nito.

“No.. not at all.” Tipid na ngiti niyang sagot. “ahm what brought you here by the way?” tanong niya dito using her business tone.

“ahhmm it’s more of personal.” Sabi nito at napakagat sa labi.

“Ooohh..?” tangi niyang nasambit. Halos pagpawisan siya sa sinabi nitong personal kahit na malamig naman ang office niya dahil sa aircon.

“Can we ahmm… talk this over a cup of coffee?” alanganin nitong wika sa kanya.

“bawal sa iyo ang kape dahil buntis ka.” Nasambit niya kahit na kinakabahan siya.

She smiled at her. “I will grab something different. Can we talk please? I really need to talk to you.”

“ahm sige.” Hesitant niyang sagot. Nagbilin lamang siya sa kanyang sekretarya at lumabas na kasama si Aliyah.

OoO__________________

Ilang sandal na silang nakaupo sa isang coffee shop pero wala pa ring umiimik sa kanilang dalawa. Kanina pa siya kinakabahan sa biglang pagsulpot nito at hanggang ngayon ay pilit pa rin niyang itago ang kanyang nararamdam dito. Tumikhim siya para makuha ang atensyon nito napansin niya kasi nasa malayo na ang inilipad ng utak nito.

“ahh sorry I’m spacing out. May sinabi ka ba?”

“Itatanong ko lang sana kung… kung bakit mo ako gustong makausap?” tanong niya kay Aliyah.

“It’s about Ivan. Madalas kayong magkasama hindi ba?” she said in a statement than a question.

“Sa tra..trabaho, yes. Why?” medyo nautal niyang sagot. Inayos din niya ang kanyang pagkakaupo.

“may iba ba Joni?” namumuo ang luha nitong tanong sa kanya. Halata ang pagkabahala at sakit sa mata nito na tinatago nito sa pagnggiti sa kanya.

“what do you mean?” patay malisya niyang tanong but she exactly knew what she mean.

“He changed. His not the same man I married. Ang layo na niya sa sakin. May iba ka bang nakikitang kasama niya? mayroon na ba siyang iba?” she said and a tear escaped from her eyes na agad naman nitong pinahid.

Freunde Series 3: Captive Heart (Completed)Where stories live. Discover now