Chapter 3: hindi aanuhin pero inanu pa rin ^_^

9K 186 3
                                    

So pag may love making kailangan english,. sobrang paduguan lang ng ilong

****************************************************************************************************

Pagdating nila sa lugar ay agad silang naghanap ng masisilungan. Tinulungan niya ang binata maghanap ng puwesto kung saan pwede sila maging komportable. Umikot siya sa likurang bahagi at ganun na lamang ang kanyang tuwa sa nakita.

“Carl, Carl tingnan mo ito.” Tawag niya sa binata na agad namang lumapit sa kanya .

Itinuro niya ang isang malaki at may kalaparang bato na sinalo ng dalawang magkahiwalay na malalaking bato. Isa itong magandang rock formation na parang inukit na bahay na walang dingding. Bukod doon ay  may malaking puno na nakatunghay sa harapang bahagi nito.

“perfect hiding place” sabi nito na nakangiti at hinila na siya papunta doon.

pagkapasok ay agad siya napaupo sa pagod. Doon na rin niya naramdaman ang sobrang pagkaginaw kaya niyakap nalang niya ang sarili.

“Hubarin mo muna yang jacket para matuyo. Well pwede na rin pati damit mo. Mahirap na ma polmunya ka pa.” sabi nito na parang walang pakiaalam na nag uumpisa ng maghubad ng damit sa harap niya.

Kahit madilim dulot ng ulan ay panaka-naka naman niyang nakikita ang galaw ng lalaki dahil sa mga pag guhit ng kidlat na siyang nagbibigay liwanag sa kanila paminsan-minsan. Pakiramdam niya ay biglang nag alinsangan at naasiwa siyang tingnan ang pagiging topless nito. Nag iwas na lamang siya ng tingin.

Sanay naman siyang makakita ng magandang katawan ng lalaki dahil sa mga kuya niya. Hindi lang miminsan niyang makita ang mga kuya niya na naka swimming trunks pag naliligo sila sa pool pero siyempre hindi naman siya affected ngayon lang. Sabagay hindi naman niya pwedeng pagnasaan ang mga kuya niya maliban sa isang ito. PAGNASAAN? Natatawa siya sa naisip.

Kailan pa ako nag-iisip ng pagnanasa? Tanong niya sa sarili.

Ahh ngayon lang dahil sa topless na lalaking ito. Sagot din ng sarili niya. Nagpipigil na talaga siyang mangiti. May aning aning na ata talaga siya at pati sarili niya ay kinakausap na niya.

“I would give up everything I have just to know what you’re thinking right now” untag ni Carl sa pakikipag-usap niya sa kanyang sarili.  Namula naman siya buti nalang at madilim at hindi ito kita ng lalaki.

Lumapit sa kanya ang binata at autimatiko naman siyang umurong. “Inanna, I’m not going to hurt you. Kukunin ko lang ang jacket sayo kailangan mong tanggalin yan dahil sobrang basa.” May pagdaramdam sa tono nito. Marahil sa inakala nitong natakot siya. Ang totoo hindi siya natakot sa lalaki natakot siya sa kung ano ang pakiramdam na malapit ito sa kanya.

Walang kibo niyang hinubad ang jacket at ibinigay dito na agad naman kinuha at sinampay. Nakita niya ang binata na nagkukuha ng mga tuyong sanga at dahon na nasa loob ng pinagtataguan nila. Naintindihan niya ang nais nitong gawin kaya tumulong na rin siya dito. TAhimik nilang pinagmamasdan ang apoy na kanilang ginawa.

“iyan pala ang dahilan kung bakit mo kinuha ang lighter nung lalaki. Good thought” puri niya kay Carl at para basagin na rin ang katahimikang bumalot sa kanila.

“yahh pero konti lang ito. Hindi naman tayo makakuha sa labas dahil malakas ang ulan.” Sagot nito.

“okay na iyan. Atleast pansamantala mainitan tayo.” wika niya at tipid na nginitian naman siya ng binata.

Then there is that akward silence again. Nang tingnan niya ang binata ay mataman itong nakatingin sa kanya. She smiled awkwardly. Tapos ay ibinaba niya ang kanyang paningin sa kanyang sarili.

Freunde Series 3: Captive Heart (Completed)Where stories live. Discover now