Chapter 6 Let go and move on

8.2K 164 3
                                    

Happy bday to me,.. haha yezz another year older,. at ito treat ko ^_^

********************************************************************************************

Kahit na nasa kwarto ng hotel ay hindi naman siya makapagpahinga. SA tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata ay naalala niya ang mukha ni Carl at Ivan. Hindi niya maiwasang hindi ikompara ang mga ito. Kung may pagkapareho man ang dalawa marahil ay sa mukha lamang. Alam niyang mahal niya si Carl pero bakit lumilitaw sa isip niya si Ivan? Marahil ay sa kadahilang magkamukha sila, tama iyon lamang iyon dikta ng isipan niya.

Dahil hindi rin naman makatulog ay nagpasya na lamang siyang bumaba ng hotel. Nagtungo siya sa bar ng hotel at nag order ng isang boteng red wine at lumabas kung saan patungo ay hindi niya alam. Basta na lamang siyang naglakad hanggang sa makarating sa pampang na hindi naman kalayuan sa hotel. Mula doon ay kita niya ang buong taal lake. Naupo siya sa ilalim ng isang malaking puno at duon inumpisahang inumin ang biniling alak.

Lampas kalahati na ng red wine ang naubos niya at medyo nahihilo na rin siya lalo at hindi naman talaga siya sanay uminom. Napapitlag pa siya ng tumunog ang kanyang celphone at makitang si Shyne ang tumatawag. Napakunot noo siya dahil malalim na ang gabi at tumawag pa ito.

“Friend, may problema ba?” tanong niya agad.

“It’s about Dave.” dinig niyang napabuntong hininga ang kaibigan.

“What about him?” tanong niya.

“He is giving me mixed signals. Nalilito na ako kung ano nga ba ako sa kanya. Kung itutuloy pa ba namin ang kasal namin o hindi. Isa pa ang bwisit na sheenang iyan. Masyado silang close na parang may something sa kanila na parang wala na hindi ko na maintindihan.Nalilito na ako at hindi ko alam kung anu na ako sa buhay ni Dave.” nahihirapang sambit ng kaibigan.

Kahit paano naawa naman siya dito. Maging siya ay nalilito na rin kung ano ba ang papel ni Sheena sa buhay ni Dave.

“Friend, if you really want to know the real score between Dave and Sheena, you go ask him but be ready for whatever his answer will be. Kung sila, kailangan mong tanggapin at mahirap man you need to move on. Mas mabuti na ang alam mo ang totoo kesa patuloy kang umasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan.  Nandito lang ako, friend no matter what happen remember that I love you.” sabi na lamang niya.

Napangiti pa siya sa huling linyang ginamit niya. How she missed hearing those words. Maraming beses na niyang inulit-ulit ang mga katagang iyon sa isip niya na siyang huling sinabi ni Carl sa kanya.

“thanks friend. I will remember that and I love you too. I call you soon. kausapin ko muna si Dave. Bye.” Iyon lang at tuluyan nang namatay ang linya.

“Mukhang magaling kang mag advice sa problema ng iba pero ang sarili mong problema ay mukhang di mo alam kung paano ayusin. Sa tingin mo ba ang magpakalunod sa alak ay magreresolba sa kung anuman ang dalahin mo ngayon?” Sabi ng tinig sa may bandang likuran niya. Hindi niya alam na may kasama pala siya doon.

Nahihilo man sa nainom na alak ay pilit niyang inalerto ang sarili sa kung anuman masamang gawin nito sa kanya.

“Sino ka? Ano ang kailangan mo?” pilit niyang pinatatag ang boses sa kabila ng kabang nararamdaman. Lumabas naman ang lalaki sa may likurang bahagi ng punong sinandalan nito. Ganun na lamang ang gulat niya at di mapigilang mapasinghap ng makilala ito.

Freunde Series 3: Captive Heart (Completed)Where stories live. Discover now