Chapter 12: Do you see him in me?

7.3K 158 5
                                    

pasensiya na sa wrong grammar, spelling error, kulang na letters etc. at sa lahat ng kakulangan iyan lang kasi ang nakayanan ng kapiranggot kong utak,. enjoyyyyy

OoO*****************************************

She woke up in a not familiar room. Kunot-noo niyang nilibot ang kanyang paningin sa silid ng maalalang nasa bahay pala siya ni Ivan at Aliyah sa Tagaytay. They stayed there last night pagkatapos nilang marescue si Aludy sa pagkakidnap nito. Ivan insisted that they should stay lalo at wala pa silang mga tulog at nakainom pa. Isa pa ay may kailangan pang ayusin si Aludy tungkol sa pagkakakidnap sa kanya sa presinto.

She decided to freshen up at bumaba na pagkatapos. Dinig niya ang kwentuhan sa kusina kaya doon na siya tumuloy. Nandun na ang lahat maliban sa kanya.

“Good morning princess.” bati agad sa kanya ng kuya Apollo niya. She smiled at her brother and gave him a peck on the cheek pagkatapos niyang gumanti ng pagbati dito at sa lahat ng nandun.

“maupo ka na Joni at mag breakfast. Do you want coffee?” Aliyah asked smiling warmly at her.

“she don’t drink coffee.” agad na sagot ni Ivan. Nanigas siya dahil sa sinabi nito lalo at lahat ay nagtakang palipat-lipat ang tingin sa kanila.  

“how did you know that?” hindi nakatiis na tanong ng kuya niya na may bahid na disgusto sa boses nito.

“kuya magkasama kami sa cebu kaya may time na sabay kaming kumakain kasama ang ibang mga engineers minsan nga yung client mismo. Pag nag oofer ng kape umaayaw ako.” agad niyang sagot sa tanong ng kuya niya. She just hoped that she didn’t sound defensive.

“Ahh kaya pala hindi ka rin nagkape nung time na niyaya kita.” Parang nakahinga ng maluwag na sabi ni Aliyah na agad niyang sinang-ayunan.

“oo ganyan iyan kahit nung highschool pa lang kami. Bigyan mo nalang ng tea kung meron kayo pag wala orange juice ang gusto niyan sa umaga.” Sabi ni Shyne habang nilalagyan ng ham ang plato ni Dave. Ginawaran naman siya ng lalaki ng madaliang halik sa labi na ikinapula ng bestfriend niya.

“Ano ba Dave hindi ako handa. Isa pa nga ansarap eh.” Nagpapacute na wika ng dalaga sa fiancé na ikinatawa ng lahat na andun. Siya man ay hindi naiwasang mapangiti habang napapailing. Masyado kasing obvious kung kiligin ang kanyang kaibigan. She sighed atleast hindi tulad niya masaya ang lovelife ng dalawa niyang bestfriend and she is happy for them.

“Pasensiya na Joni wala kaming tea kaya mag juice ka na lang.” nahihiyang wika ni Aliyah sa kanya matapos tuksuhin ang dalawa.

“hey okay lang, kami na nga nakakaabala sa inyo dito.” Kimi niyang sagot dito nahihiya na rin naman siya dahil sa kaabalahan na dulot nilang magkakaibigan.

“Sir, ito na ho ang pinatimpla mong tea” sabi ng isang katulong na kapapasok lang sa kusina.

Inabot naman ito ni Ivan mula dito at ito ang naglagay ng tea sa mismong harap niya. “nagpabili na ako kanina alam kong mas gusto mo iyan kesa mag juice.” Ngali-ngali niyang singhalan ito dahil alam niyang pinagtitinginan na sila ng lahat. Pero hindi naman niya maitatanggi na sobrang kinilig at napasaya siya nito dahil doon.

“salamat pero sana hindi ka na nag-abala” nasabi niya na pilit na ginagawang normal ng kanyang kilos at pananalita sapagkat ramdam niya ang mapanuring titig ng kapatid niya.

“Don’t mention it. Ngayon lang ako nagkaron ng espesyal na bisita sa bahay na ito kaya dapat lang na bigyan din ng special treatment.” Sabi nito na nakatingin sa kanya

Freunde Series 3: Captive Heart (Completed)Where stories live. Discover now