Chapter 4: I love u forever

7.1K 153 1
                                    

i will be on ilo-ilo for the next two weeks para magbakasyon kaya wala na muna update after this,. and this update is so short and yeah i know,. next time nalang bawi,.. ^_^

***************************************************************************************************************

Magkahawak kamay silang naglakad. Walang pakialam si Joni kung gaano na kahaba ang nilakad nila. Wala siyang ibang maisip kundi makalayo at makaligtas sila ng lalaking minamahal. Madalas niyang mahuli si Carl na sinusulyapan siya at paano niya alam siyempre dahil madalas din niyang sulyapan ang gwapong mukha nito. Pag nagkasalubong naman ang kanilang mga mata ay matamis na ngiti ang sinusukli nila sa isa’t-isa.

Huminto si Carl sa paglalakad at hinarap siya. Parang gusto niyang manlambot sa napakasuyong mga titig nito. “I can’t wait to get out of here Inanna and marry you. God, I don’t think I can have enough of you. I love you honey. I want you to know that in a very short time you have captivated my heart. No matter what will happen, my heart will always be yours, I will love you forever.”

Napangiti naman siya sa narinig at pinipigilan ang pagtulo ng namumuong luha. Ito na yata ang pinaka sweet na salitang narinig niya buong buhay niya. “and mine is yours too. I love you too Carl, I will always will.” Napapikit siya ng unti-unting bumaba ang labi nito sa kanya at tinugon ang halik na ibinigay nito.

“hang sweet naman ng mag-syota kaya lang ikinalulungkot kung huli kayo ulit.” Nakakalokong wika ni Leo habang tinututukan sila ng baril.

“wala kayong takas sa amin dito dahil kabisa..” hindi pa man natapos ng isang kidnaper ang sasabihin ay may narinig silang putukan di kalayuan.

“Boss parak” sigaw ng isang kidnapper.

Sandaling nataranta ang mga ito at bahagya silang nakalimutan at nakipagpalitan ng putok ang mga kidnaper sa mga pulis. Madali naman siyang nahila ni Carl palayo sa mga ito habang kinukubli siya sa matipunong katawan ng lalaki.  Nasa itaas sila ng bangin ng marinig niyang may pumutok na baril at humiyaw si Carl.

“Ahhh” daing ni Carl dahil sa sakit at napahawak sa may hita nito.

Tumigil siya sa pagtakbo at hinarap ang binata. Ganun na lamang ang kanyang takot ng makitang may tama ito ng bala sa may hita nito.

 “Ohh my God Carl” nasambit niya ng makita ang sugat nito.

“Takbo Inanna, magtago ka. Lumabas ka na lang pagligtas ka na. May mga pulis naman sigurado tayo ang hinahanap ng mga iyon.” Utos nito sa kanya.

“No, sabay tayo Carl, hindi kita iiwan.” Pursigido niyang wika sa lalaki at pilit itong tinatayo.

“Mahihirapan akong tumakbo Inanna. Wag na matigas ang ulo mo mas mabuti kong makahingi ka ng saklolo.” Pagtataboy nito sa kanya.  Lalo siyang nataranta nang makitang papalapit sa kanila ang galit na galit na si Leo. “Run Inanna, leave.” Mariining utos nito sa kanya.

Hindi siya makagalaw hilam sa luha ang kanyang mga mata. Paano siya nito makayang paalisin?Hindi niya kayang iwan ito sa ganung sitwasyon.

“Hindi ko kayang iwan ka Carl. Dalawa tayo dito.” Umiiyak niyang wika.

“Inanna I beg you, hindi ko rin kayang iwan ka pero mas hindi ko kaya kung may masamang mangyari sayo. Always remember my heart will always be yours, I will love you forever. I love you very much” sabi nito at binigyan siya ng mariing halik sa mga labi at bago pa man siya makatugon ay tinulak na siya nito. “run Inanna, save your life.” Sigaw nito.

Hindi niya alam kung paano niya nagawang tumakbo palayo dito.  Nasa kalayuan na siya ng lingunin niya ang lalaking minamahal. Kita niya kung paano harangin nito si Leo at nakipagbuno dito. RInig niya ang magkasunod na dalawang putok ng baril at kitang-kita niya kung paano mahulog ang dalawang lalaki sa bangin. Ganun na lamang ang kanyang panghilakbot sa nakita. Pakiramdam niya ay nanlaki ang kanyang ulo at namanhid ang buo niyang katawan.

“Carl” gusto niyang isigaw ang pangalan nito pero walang lumalabas na salita mula sa kanyang bibig.

Itinulos na lamang siya sa kanyang kinatatayuan at ang unti-unting pag-agaw ng dilim ng kanyang paningin.  

Freunde Series 3: Captive Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon